Shane “Welcome home sa inyong dalawa.” sabi ni daddy, nakabukas pa ang dalawa nitong kamay para sa amin ni Hera. Abot langit ang ngiti ni daddy nang makita niya kami ng anak ko naka-upo ito sa wheel chair at kahit halata sa mukha nito na may karamdaman siya ay pinilit pa rin niyang ngumiti. Sinantabi ko muna ang lahat ng galit ko dahil kahit baliktarin man natin ang mundo ay ama ko pa rin siya. At kahit may galit ako kay daddy ay hindi ko naman siya matiis. Kaya nakauwi kami na wala sa plano pagkakataon na rin ito upang makapag-usap kami ni Hayden. “I miss you dad, kumusta po ka’yo?” sabay yakap ko nang mahigpit dito, niyakap rin ako ni dad hindi ko napigilan ang aking luha kusa na itong pumatak. “Namis ko rin ka’yo.” mahinang sabi ni daddy at mas lalo niya akong niyakap nang mahigpi