Chapter 2

1769 Words
Hayden “Matagal ka na bang trabahador ni dad? Ngayon lang kasi kita nakita e.” Napatingin ako sa gawi ni Olla nakasandal ito sa kanyang magarang sasakyan. Bagay na bagay sa kanya ang maamo nitong mukha para itong isang angel na bumaba sa lupa. Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang maputi nitong hita sobrang iksi naman kasi ang suot nitong short. Tangina mabuti na lang kaya ko pigilan ang aking sarili, ano kaya ang gagawin namin dito akala ko ba may utos ito? Napahawak ako sa aking sintido parang sinasadya yata ni Olla ang ginagawa niya. Mas lalo pa niya itinaas ang kanyang binti kaya nakita ko na ang panty nito. Hay.. babae nga naman anong klaseng nilalang ba siya? Pakiramdam ko inaakit ako ni Olla. “Marunong ka ba mag drive? Puwidi mo ba akong turuan? Siya nga pala sorry kanina ha? Akala ko nga nabundol kita.” Natawa ako nang mahina dahil sa sinabi nito. “Ibig mo bang sabihin hindi ka marunong magmaneho kaya nabangga mo ‘yong sako? Puwidi ba ‘yon diba dapat mag-aral ka bago ka magmaneho nang sasakyan?” Nakita ko ang pagngiti ni Olla hindi ko tuloy maiwasan na mapahanga dito. “Iyon na nga ang nakakatawa ilang buwan na ako nag-aaral pero hindi pa rin ako marunong mag drive.” Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. “At sa tingin mo ba sa akin matutuo ka? Paano ka nakakasiguro? Ultimo kalabaw nga wala ako, sasakyan pa kaya?” Mabilis lumapit sa akin si Miss Olla sabay bulong nito sa akin. “Lalaki ka ba? O bakla?” Napatingin ako sa mukha nito kumuyom ang aking kamao sa buong buhay ko ngayon lang ako na insulto nang ganito. Tumayo ako naglakad na pabalik sa aking trabaho baka hindi ako makapagtimpi at makatikim itong babaeng ‘to sa akin. Akmang tatalikod ako para umalis na lang sana ng bigla itong sumigaw. “Bakla ka ano?” Napapikit ako, napahinga rin ng malalim, binalikan ko si Miss Olla tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. “I’m sorry po ma’am pero hindi ako pumapatol sa babae pero kapag sinagad mo ang pasens’ya ko baka makalimutan ko po na anak ka’yo ng may-ari nitong pinagtatrabahoan kong building.” Tinalikuran ko na ito, mabilis akong umalis at iniwan na siya ng tuluyan. Sa sobrang inis ko ay pinagsisipa ko ang mga batong nakaharang sa dinaraanan ko. Hindi ko alam kung insulto ba iyong sinabi niya na turuan ko siyang mag drive alam naman niya na mahirap lang ako. “Hayden, nasaan si Miss Olla?” Sasagutin ko sana si Mang Tony ngunit naunahan ako ng babaeng kinaiinisan ko kani-kanina lang. Hindi ko namalayan nakasunod pala ito sa akin at talagang masaya pa ang awra nito. “Salamat po Mang Tony tapos na po ang pinagawa ko kay Hayden.” Kahit ang totoo ay wala naman siyang inutos sa akin, kumindat pa ito bago sumakay sa kanyang sasakyan. Ngayon ko lang napansin na iba pala ang sasakyan na nandon sa bakanteng lote at iba rin ang sinakyan niya ngayon. Akala ko ba hindi iyon marunong magmaneho? Iba talaga ang mga mayayaman maraming sasakyan. Hindi ko na pinansin ang malagkit na tingin ni Miss Olla nagpatuloy na ako sa aking trabaho. Narinig ko nagpaalam na ito kay Mang Tony kaya naman nakahinga ako nang maluwang dahil umalis rin sa wakas. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, iniisip ko kasi kung anong sadya ni Miss Olla sa akin matagal na ako nagtatrabaho dito ngunit ngayon ko lang ito nakitang pumunta dito sa site. “Huwag ka mangarap na magustohan ka ni Miss Olla dahil kahit ano mangyari ay hindi iyon magkakagusto sa mahihirap na katulad mo.” Nakangiting sabi ni Jay-ar sabay bato pa ng sako sa pagmumukha ko, mabuti na lang mabilis akong nakailag kaya hindi ako natamaan. “Jay-ar tama na iyan!” Saway sa kanya ni Mang Tony ganito naman palagi si Jay-ar mainit ang dugo sa akin hindi ko alam kung bakit. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko.” Sabay tapik ni Mang Tony sa balikat ko, napaisip tuloy ako anak ba ni Mang Tony si Jay-ar? Ang layo kasi ng ugali nila sa isa’t isa. “Ayos lang po.” Ngunit sa loob-loob ko ay parang gusto ko nang sugurin si Jay-ar dahil sa pagmamaliit nito sa pagkatao ko. Masyado lang malaki ang respito ko kay Mang Tony kaya hindi ko pinapatulan ang anak niya. Sumapit ang hapon ay natapos rin ang trabaho namin, bago ako umuwi kinuha ko muna ang sahod ko. Ganito palagi ang buhay ko kapos sa pera ngunit sa kabila nito ay marami akong pangarap. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jay-ar kanina, na imposible raw magkagusto sa akin si Miss Olla. Napahinga ako nang malalim hindi ko pinangarap ang babaeng iyon at hindi mangyayari na magkagusto sa akin si Olla. Malayo pa lang ako ay sinalubong na ako ni Lola Amy agad akong nagmano at hinalikan ang kanyang ulo. “Ang guwapo talaga ng apo ko, alam mo apo maraming babae ang pipila sa’yo. At kapag mangyari iyon dapat huwag mo ng pakawalan pa dahil suwerte iyon.” Mahina naman akong natawa kung may naniniwala sa kakayahan ko iyon ay si Lola Amy. “Kaya mahal na mahal ko po ka’yo lola. Sana darating ang panahon na giginhawa ta’yo para naman makabawi ako sa pagpapalaki mo sa akin.” Napahiyaw ako dahil manipis na kinurot ni Lola Amy ang tagiliran ko. “Ikaw bata ka ang dami mong alam sa buhay, hindi ko sinabi na bayaran mo ang pagpapalaki ko sa iyo? Isa lang ang gusto ko maging maayos ang buhay mo para naman hindi ka kutyain ng mga tao.” Inilapag ko muna ang mga dala ko bago ako dumiritso sa aking maliit na kuwarto. Hindi ko pa naisout ang aking sando ay narinig ko ang katok ni lola mula sa labas ng aking pinto. “Apo, may naghahanap sa’yo dito sa labas babae kaibigan mo raw.” Ani lola sabay katok nang malakas. Nagtataka naman ako dahil wala akong kaibigan na babae puwera na lang si Glenda. Mabilis naman akong lumabas tinungo ko ang sala. At laking gulat ko sa aking nakita dahil naka-upo na si Miss Olla sa aming maliit na sala. “Itong apo ko talaga hindi man lang sinabi sa akin na may kaibigan pala siyang maganda. Pasen’sya ka na sa apo ko hija mukha lang masungit si Hayden pero mabait na bata iyon.” Sabi pa ni lola habang masaya silang nag-uusap ni Olla. Napakamot ako sa aking ulo mukhang hindi yata maganda na mag-usap ang dalawa, pareho silang madaldal at magkakasundo talaga sila pagdating sa usapan. “Nariyan ka na pala, halika dito harapin mo itong bisita mo? Ikaw bata ka hindi mo man lang sinabi na may kaibigan ka palang dyosa at sexy.” Pag-uulit pa ni lola, gusto ko man sawayin si lola ngunit umalis na ito at tinungo ang kusina. Napatingin ako kay Olla na ngayon nakatitig na pala sa akin, bakit ba nandito ang babaeng ito? “Hindi ka ba masaya na makita ako?” Ngiting sabi nito sabay dekwatro. Bakit kaya ang ganda ng boses niya? Para naman akong baliw m kahapon ko pa hinahangaan ang boses nito ngunit naiinis naman ako kapag makikita ko siya. “May kailangan ka ba sa akin? O sa lola ko?” Masungit kong sabi dito na ikinangisi lang nito ng malapad. Naiinis na ako pero kailangan kong magtimpi dahil nandito si lola. “Alam mo mas lalo kang gumwapo kapag naiinis ka, ganyan ang mga type kong lalaki.” Diritso nitong sabi sa akin at napangiti pa ito sabay titig niya sa katawan ko. “Uminom muna ka’yo ng kape pasensiya ka na hija wala kaming tinapay nilagang kamote lang ang mayroon kami.” Wala na akong magawa dahil nilapag na ni lola ang dalawang basong kape at isang platong nilagang kamote. Hindi naman sa nahiya ako sa pagkain na ibinigay ni lola nahihiya ako dahil hindi ordinaryong tao si Olla isa itong mayama . “Hayden apo, atupagin mo muna ang bisita mo ako na ang bahalang maghanda ng hapunan natin.” Napatayo ako hawak ko ang kamay ni lola at pina-upo ko ito kung saan ako nakaupo kanina. “Ako na po ang maghahanda ng hapunan.” Giit ko kay lola na ngayon ay pinanlakihan ako ng mata. “Pero apo, nakakahiya naman sa bisita mo?” Nginitian ko si lola sabay halik ko sa noo nito, magsasalita sana ako ngunit narinig ko ang sinabi ni Olla. “Ayos lang po ako Lola Amy huwag mo po ako intindihin.” Masayang sabi ni Olla. “Apo, sarapan mo ang pagluluto dahil dito kakain si miss ganda.” Hindi ko na kinontra ang sinabi ni lola bitbit ko ang aking kape at pumunta na sa kusina. Hindi naman ako mapakali gabi na baka hanapin na ng daddy niya ang dalaga. “Tama ang sabi ng lola mo masarap ka raw magluto, amoy pa lang busog na ako mas lalo na siguro kung ang taga luto ang kakainin ko lalo akong mabubusog.” Parang uminit ang aking pisngi maraming pumupuri sa akin ngunit kakaiba ang pagpuri ni Olla. “Bakit ba natatakot ka sa akin? Hindi naman ako manganggat?” Sabi pa nito na ngayon nasa tabi ko na. “Hindi ako natatakot sa’yo natatakot ako sa aking sarili na baka hindi ako makapagpigil.” Diritsong amin ko sa dalaga. “Hayden, gusto kita hindi ako nagbibiro sa’yo.” Seryoso nitong sabi. Pakiramdam ko lahat ng aking buhok sa katawan ay tumayo. Napapikit ako ng maramdaman ko ang balat ni Olla na dumidikit sa aking mabalahibong kamay. “Ihahatid na kita baka hinahanap ka na ng mga magulang mo? Hindi tama ang gustohin mo ako mali iyang nararamdaman mo para sa akin.” Giit ko dito, namilog ang aking dalawang mata ng halikan ako ni Olla sa aking labi. Parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo, pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Napakalambot ng labi ni Olla para itong cotton napakatamis rin ng lasa nang kanyang bibig. “Kiss me back Hayden, please.” Paki-usap nito na may kasamang ungol. Wala sa sarili kong inabot ang kanyang maliit na baywang at inilapit ko ito sa aking matigas na dibdib. “Hmmmm!” Napaungol si Olla nang ipasok ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko nadarang ako sa mainit na labi ng dalaga. “Hayden.” Sambit ni Olla sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD