Chapter 5

1862 Words
Hayden Kanina pa ako pabaling-baling sa aking manipis na kutson, para akong baliw nakangiti mag-isa. Alas-tres na nang madaling araw ay hindi pa rin ako makatulog. May trabaho pa naman ako bukas kaya pinilit kong matulog. Ume-echo pa rin sa isip ko ang masarap na ungol ni Olla, grabe hindi ko maisip na ako ang maka-berhin kay Olla parang isang panaginip ang nangyari sa aming dalawa. Hindi naman ako nangarap na maging kami ni Olla nagmula sa mayamang pamilya amg dalaga samantalang ako ay mahirap lang, pero masarap. Natawa ako ng mahina dahil totoo naman na masarap ako. Naalala ko pa ang huling gamit ko sa babae isang taon na ang nakalipas kaya talagang punong-puno ang p********e ni Olla. Sa dami ba namang katas na lumabas sa akin ay talagang mabubusog ang dalaga. Kinabukasan maaga pa rin akong gumising hinanda ko na ang mesa para sabay na kami ni lola kumain. “Good morning apo, bakit nangangalumata ka? Hindi ka ba nakatulog? Bakit iniisip mo ba si miss ganda?” Ngiting bungad ni lola sa akin kaya naman napangiti na rin ako. “Opo lola, sobrang kulit po kasi ng babaeng ‘yon kaya hindi po ako makatulog.” Nakatingin ako sa pagkain ko napapailing na rin. “Kilala kita apo hindi ganyan ang ngiti mo kung walang sinabi sa’yo si miss ganda? Ako ang nagpalaki sa’yo kaya alam ko kung anong nangyayari.” Sabi ni Lola ako naman ay nakafucos sa kinakain ko. “La, malaki po ang pinagkaiba namin ni Olla kaya imposibleng magkakagusto iyon sa akin.” Napahinga si lola ng malalim sabay abot sa aking kamay. “Ang mahalaga apo ay nagmamahalan ka’yo hindi basihan ang kahirapan kung totong may gusto ka’yo sa isat isa dapat magkainitidan ka’yo ni Olla. Basta apo tandaan mo palagi ang sinasabi ko sa’yo ang babae minamahal iyon at hindi sasaktan.” Napatango ako at mabilis na tumayo tapos na rin akong kumain alas-otso na kaya kailangan ko ng umalis. “Mag-ingat ka.” Hinalikan ko si Lola Amy bago ako umalis ay binigyan ko ito ng pera. “Apo, wala naman akong bibihin, bakit ka pa nagbigay nito? Itago mo na iyan para kahit papano ay may pera ka.” Niyakap ko nang mahigpit si lola sabay halik sa kanyang noo. “La, kikita na naman ako mamaya ng pera kaya huwag mo akong problemahin. Itago mo na lang iyan para talaga sa iyo ‘yan lola.” Malambing kong sabi dito. “Pagpalain ka ng dios apo at sana bigyan ka ng maraming lakas sa araw-araw.” Hindi pa ako binitawan ni Lola Amy mahigpit pa itong nakakapit sa akin. “Ma-lalate na po ako lola.” Sabay tawa ko ng mahina ganito kami ni lola na kahit mahirap ang buhay namin ay palagi kaming nakangiti. Kahit ramdam ko ang pagod ay hindi ko ipapakita kay Lola Amy na nahihirapan ako. Mas lalo akong panghinaan ng loob kapag magkasakit si lola kaya naman palagi ko itong pinapasaya kahit sa maliit na bagay lamang. “Mabuti naman dumating ka? Kanina ka pa hinahanap ni papa.” Bungad sa akin ni Jay-ar hindi ko na ito pinatulan masama na naman ang timpla nito sa akin. Dumiritso ako kay Mang Tony sabay bati ko dito at nagmano. “Kaawaan ka ng dios.” Ani Mang Tony sabay abot sa akin ng brown envelope. “Paki-hatid ito sa mansion ng mga Gray busy si Jay-ar kaya ikaw muna ang utusan ko.” Napatango naman ako at mabilis na kumilos upang maka-alis na. Hindi ko alam kung ano ang laman ng sobre pero sa tingin ko mahalagang bagay ito. Ginamit ko ang sasakyan ito naman palagi ang service kapag pupunta sa mansion. At kapag uutosan ako ni Mang Tony. Bigla akong na exited dahil makikita ko na ulit si Olla, ilang sandali lang ay narating ko agad ang mansion ng mga Gray. Nang makita ako ni manong agad itong ngumiti sa akin. “Magandang umaga po manong.” Bati ko sa guard. “Pumasok ka ikaw na ang magbibigay niyan kay Sir Anton.” Napangiti ako ng malapad at magpasalamat kay manong. Habang palapit ako sa maindoor ay kumalabog naman ang dibdib ko hindi ko alam kung exited ba ito o ano. Bubuksan ko sana ang pinto ng biglang bumukas iyon. Nagulat ako ng bumungad sa akin si Olla napaka-hot niyang tingnan sa sout nitong pajama na kulay puti. Napalunok ako ng sunod-sunod bakat na bakat ang n*****s nito ulitimo panty niya ay kitang-kita ko na. “Good morning!” Sabay iwas ko ng tingin para kasing nakakapaso ang tingin ni Olla sa akin. “Good morning ang guwapo mo talaga, na miss kita ng sobra.” Sabay amoy ni Olla sa akin, kumapit na ito sa braso ko kaya naman napatingin ako dito. “Olla, baka makita ta’yo ng mga magulang mo.” Pag-alala kung sabi. Narinig ko ang mahinang tawa nito. “Ang bango mo nakaka-adik ka. Anong brand ng pabango mo?” Imbis na sagutin ko ito ay pinisil ko ang maliit nitong baywang. Mas lalong lumapad ang ngiti nito Olla at mas lalo itong lumingkis sa akin. “Daddy, si Hayden po mukhang may kailangan po sa’yo.” Malambing na sabi nito sa daddy niya. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang ama ni Olla at masasabi kong napaka-guwapo nito. Ngayon lang rin ako nakapasok dito sa bahay nila. “Magandang umaga po, inutusan ako ni Mang Tony para maihatid sa inyo ito.” Sabay lapag ko sa brown envelope sa harap ni Sir Anton. “Maraming salamat hijo ikaw pala iyong trabahador sa site na pinagkaka-tiwalaan ni Tony?” Napatango ako sabay yuko. “Umupo ka mag-usap muna ka’yo ni dad ikukuha kita na kape.” Bulong sa akin ni Olla na sinadya pa niyang kagatin ang tainga ko. Mabuti na lang hindi nahalata ng daddy niya ang pag response ng alaga ko. Hindi pa naman ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa kanya. At baka matira ko ito ng wala sa oras. “Hijo, ikaw ba ang naghatid sa anak ko kagabi?” Tanong ni Sir Anton kay Hayden. “Opo Sir Anton.” Nakita kong napatango si Sir Anton sabay tingin nito sa akin. “May gusto ka ba sa anak ko?” Nagulat man ako dahil parang galit ito sa akin ay mabilis kong sinagot ang tanong nito. “Opo.” Maikli kong sagot kahit hindi pa ako sigurado ay sinagot ko ng maayos ang ama ni Olla. Hindi ako sigurado dahil baka ayaw ng mga magulang ni Olla sa akin. At baka pagtawanan nila ang istado ng buhay namin. “Nakamasid lang ako sa paligid ng dumating si Olla ay nakahinga ako ng maluwang. “Dad, kakain na po ta’yo.” Hawak na ni Olla ang kamay ko at hinila na ako papunta sa kung saan. “Huwag ka matakot kay daddy.” Sabi ni Olla at kumindat pa ito sa akin, ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala ito. Pinaghila ako ni Olla ng upuan sabay abot niya sa kamay ko. “Kumain ka muna bago ka umuwi, baka kasi magutom ka sa daan.” Hindi na ako tumanggi nakakahiya naman sa kanila. “Anak, ito na ba ang nobyo mo?” Nagulat ako sa sinabi ng ginang ibig bang sabihin sinabi na ni Olla sa kanila? Napangiti tuloy ako parang ako na yata ang babae sa aming dalawa. “Mommy, magugulatin po si Hayden kaya huwag po ka’yong sumigaw.” Napangiti ang mag-asawa sabay pa silang nakatingin sa akin ang saya nilang tingnan. “Kumain ka ng mabuti ako ang nagluto niyan.” Ani Olla. At pinagsilbihan pa ako kulang na lang susubuan ako nito. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako sa mga magulan ni Olla. May tatapusin pa akong trabaho kaya naman hindi ako puwidi magtagal pa. Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa aking labi masaya ako dahil nakilala na ako ng mga magulang ni Olla at sa tingin ko ay mabait sila. Pagdating ko site ay mabilis kung nilagyan ng cemento ang mga sako alas-dyes na at kailangan na nila ito mamaya. Habang abala ako sa trabaho ay abala rin ang isip ko para kay Olla. Iniisip ko kung paano ko mabigyan ng magandang buhay ang dalaga parang hindi pa naman siya sanay sa hirap. Napahinga ako ng malalim hindi na mawala ang magandang mukha ni Olla sa akin palagi ko na itong nakikita. Nagulat ako ng may tumakip sa aking mata mula sa likuran. Amoy pa lang ng kamay nito ay alam ko na kung sino siya. “Olla, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala dito? E sana sumabay ka na sa akin kanina. Hindi na ako nakapagsalita agad sinunggaban ni Olla ang labi ko. “Sandali marami tao dito baka iba ang iisipin nila.” Napatingin ako sa kamay ni Olla hawak niya ang kamay ko hindi man lang ito nandiri sa akin. “Na miss kita kaya sumunod ako dito.” Bulong nito sa tainga ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng dalaga sinabit ko sa tainga nito ang nakakalat na buhok sa mukha niya. “Mauna ka na sa bahay doon mo na lang ako hintayin nandon na man si Lola Amy baka kasi mawalan ako ng trabaho.” Mahina kong sabi dito ito lang ang trabahong mayroon ako kaya naman ayaw kong masira ang tiwala ni Mang Tony sa akin. Mabuti na lang mabilis akong naintidihan ni Olla kaya naman ngumiti ito. “Thank you, actually doon na man talaga ang punta ko gusto kong bisitahin si Lola Amy at magpasalamat sa kanya.” Mabilis dumampi ang labi ni Olla sa labi ko . Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan ng dalaga. “Kung ako sa’yo huwag ko ng pakawalan si ma’am.” Rinig kung sabi mula sa likod hindi ko napansin nakatingin na pala ang mga kasama ko sa trabaho. Nakita ko ang insultong tawa ni Jay-ar na para bang wala akong silbi sa mundo. Eksaktong alas-dose ng tangghali ay umuwi ako, naglalakad ako sa ilalim ng mainit na araw papunta sa bahay namin. Ilang saglit lang ay nakarating rin ako nadatnan ko sina lola at Olla na abala sa paghahanda ng mesa. “Mano po. Lola anong mayroon? Bakit po napakarami ng pagkain?” Napangiti si Lola Amy lumaki ang mata nang matanda ng makita niya ang paghalik ni Olla sa akin. Hindi na ako umilag dahil gusto ko rin naman. “Kumain na ta’yo nagluto ako nang ulam ang sabi ni Lola Amy paborito mo raw ang gulay kaya nagluto ako ng pakbet.” Biglang nawala ang pagod ko ng marinig ang sinabi ni Olla. “Hindi ka ba napagod?” Sabay punas ko sa noo ni Olla mainit ang panahon ngayon kaya kahit may electric fan kami ay hindi pa iyon sapat. “Naku apo hindi nagpaawat si miss ganda siya na ang nagluto ayaw niya raw akong mapagod.” Ngiting sabi ni lola habang nakatingin ito sa amin. “Apo, masaya ako para sa inyong dalawa sinabi ko kay miss ganda ngayon lang kita nakitang masaya ng ganyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD