Ang malawak na tubuhang kanyang nararaanan ay tila nagsasalimbayan sa musikang nilikha ng marahang pag-ihip ng hangin. Napangiti si Elisa habang manaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nararaanang berdeng kapaligiran.
All things bright and beautiful.
Kapag namamalas niya ang payapa at berdeng paligid, iyon kaagad ang nasasaisip niya. Lumang tula na laging sinasaulo ng ina niya noon kapag papatulog na sila.
Kahit kailan, hindi niya pagsasawaan ang kagandahan ng lugar nila. Walang kahit anong halaga ng pera ang magpapabago sa desisyon niyang dito ilaan ang buhay niya dahil ang Hacienda Helenita ay di lang basta isang tanyag at mayamang lupain, para sa kanya isa itong tahanan.
Nagsisilbing backdrop ng malawak na taniman ng tubo ang matatayog na bukirin. Very scenic, tila subject sa mga paintings ni Amorsolo.
Ilang metrong layo mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na niya ang malaking gusali sa isang panig ng hacienda. Ito ang nagsisilbing pinakasentro ng operasyon ng lupain. Naroroon ang bodega, ang supply storage, at ang pinakaopisina na rin. Sa isang panig ay nakahanay ang iilang trak na siyang ginagamit sa pagkakarga ng mga produkto ng hacienda patungo sa sinusuplayan nilang sugar milling company ng mga Samonte at ng isa pang pabrika sa Bacolod.
"Andiyan na si Eli!" si Goryo, ang isa sa mga trabahador na malapad kaagad ang ngiti nang makita siyang paparating. Kumaway at lumapit pa ito sa kanya, inantabayanang makaibis siya sa bisekleta at kinuha mula sa kanya ang mga dala-dalahan. "Eli, ano bang dala mo para sa amin ngayon?" kaagad nitong tanong.
"Naku! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Excited ka lang na makita ako kasi may bitbit akong pasalubong sa inyo."
Kasisweldo niya lang kahapon mula sa pagtatrabaho sa hacienda kaya nagagawa niyang maghanda ng ipapasalubong sa mga kasamahan at mga kaibigan.
"May natitira pa bang pera para sa 'yo?"
"Meron pa naman ho, Nanay Belya."
Madalas na pinupuna ng mayordoma ng mansion ang mga ginagawa niya. Katwiran nito baka maubusan siya. Balik-katwiran niya naman, "hindi ho natin madadala sa kamatayan ang pera."
"Uy, Eli, may sa akin ba?" ang isa pang kasamahan niya.
"Tingnan mo ang mga yan, hindi pa nga nagsisimula ang oras ng trabaho, nagsisilamon na. Kung di lang talaga ikaw ang may pakana nito." Si Mang Felipe, ang masasabing kanang kamay ng may-ari at go-to-person pag usaping lupa at pananim na ang pag-uusapan. Tinagurian nga nila itong walking agriculture encyclopedia.
"Guilty as charged, ho."
Kunwari ay sinisita siya ni Mang Felipe pero ang totoo naman ay lihim nitong sasabihin sa kanya na tirhan siya.
"Hoy, kayo, pag natapos na kayo riyan, atupagin kaagad ang trabaho ha?"
In chorus ay sumagot ang mga trabahador na abala sa pagnguya ng, "yes, bossing!"
Inatupag na rin niya ang mga gawain.
Ilang saglit pa ay buhos na ang atensyon niya sa ginagawang inventory ng mga supplies sa bodega. End of the month. Kapag ganitong petsa ay nagka-conduct sila ng inventory para naman malaman kung ano ang kailangang ireplenish na mga stocks.
Ganoon ka-absorb ang atensyon niya sa trabaho nang dumating at pumarada ang pamilyar na land rover at umibis mula roon ang isang literal na diosa, only this time ay nakasimangot ito.
"Bakit nakasimangot ka na naman?"
Pansamantalag itinigil ni Elisa ang ginagawa at hinarap ang kadarating na si Margaux. Amo niya ito, anak ng may-ari ng hacienda at ang masasabing pinakamatalik niyang kaibigan. Kapag ganitong sinasadya siya nito sa opisina at di na makapaghintay na makauwi siya ng mansion ng mga Samonte kung saan din siya nakatira, malamang na magsusumbong ito ng mga frustrations o di naman kaya ay magpapasama sa kung saan.
Sa tingin niya, may kinayayamutan ito. Sa tagal ng pinagsamahan nila ay kilala na niya ang dalagang prinsesa ng Hacienda Helenita. Kung tutuusin, para na niya itong nakababatang kapatid.
"Ikaw ba ay nayayamot dahil bored ka o sadyang nireregla ka lang?"
Parang bata itong pasalampak na naupo sa mononlock chair at pinag-ekis ang mahahabang legs at nangalumbaba.
"Si Daddy kasi, eh, ora mismong pinapauwi ako nang hindi ko pa man lang muna nameet ang mga friends ko. Yon pala dinner with a Santibañez lang ang uuwian ko."
Natatawa siya habang nakikinig sa pagmamaktol nito. Parang batang nagtatantrum. Kapag ganitong nagsusumbong si Margaux ay para itong hindi isang sikat na commercial model. Kung tutuusin ay magtitwenty–five na ito. Matanda lang siya rito ng halos dalawang taon. Every now and then ay lumilipad ito pa-Maynila para sa mga modelling commitments nito.
"Bago ba 'yon?"
Ang heredero ng mga Santibañez ang tinutukoy nito. Ang nirireto kay Margaux bata pa lang ang mga ito.
"Ba't di ka humindi sa Papa mo?"
"I don't wanna have an argument with Dad over that matter. I wouldn't win, alam mo iyon."
Mahal ng ama nitong si Deogracias Samonte si Margaux pero pagdating sa usaping yon, ang una ang laging nagdodomina.
"Bakit ba ayaw mo do'n?" aniyang binuklat-buklat ang ledger.
"He is gwapo, okay. Matangkad, macho, matalino. But, so full of himself. I hate his guts, his confidence. Bakit, ikaw, di ba kumukulo rin ang dugo mo sa kanya?"
Bata pa lang sila nang maranasan ang kawalanghiyaan ng taong yon. Simula noon ay namahay na sa kanyang puso ang lihim na yamot.
"Pwede bang samahan mo na lang akong mag-unwind?"
"May trabaho ako, uy. Hindi ako pwedeng magbulakbol. Mamaya mapagalitan ako ni Mang Felipe."
"Nakalimutan mo yata na anak ako ng may-ari."
Tumayo si Margaux at pinuntahan si Mang Felipe. Ilang saglit lang ay hila-hila na siya ntio sa kamay patungo sa kinapaparadahan ng land rover.
"Kaw talaga. Pag-iinitan na naman ako ng ibang trabahador," animo maktol niya na ikinataas ng kilay ng kaibigan.
"Pag-iinitan? Darling of the crowd ka kaya ng mga yon. Sige sila at di na sila makakatikim ng mga masasarap mong luto."
Napapailing na lang siya. "Talagang ayaw magpahindi."
Pinulot niya ang duffel bag at pinuntahan ang bike at ikinarga sa likod ng sasakyan ni Margaux.
Ilang minuto lang ay binabaybay na nila ang kalsada. Nararaanan pa ang ilang kakilalang mga trabahador ba abala na sa paghahabas ng mga pananim na tubo. Kumaway pa siya sa mga ito.
"Come to think of it, bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mong negosyo. Restaurant. That way, you can put your skills into good use. Sayang din yang talent mo no?"
Mula sa pagmamaneho ay nagtatanong na napasulyap ito sa kanya.
"Huwag na. Okay naman na ako dito sa atin, ah. Maganda naman dito. Super ganda nga."
"And you will forever be on my Dad's employ. He could be a difficult boss." Sa kalsada ito nakatuon, papaliko na sila sa main highway palabas ng lupain.
"Pero okay naman kung magpasweldo si Sir Deo. Nakakahiya na nga kasi hanggang ngayon sa inyo pa rin ako nakikitira pero tumatanggap naman ako ng sahod."
Totoo 'yon. Kahit papano ay nakakapag-ipon na siya. Ipampapagawa niya iyon ng maliit na bahay sa ituktok ng burol sa loob ng hacienda. Okay na sa kanya yon. Mababang pangarap para sa simpleng taong tulad niya. Bakit pa ba siya maghahangad ng higit pa kung lahat ng yon ay iiwanan rin lang?
Isa pa, hindi siya basta-basta makakaalis sa bahay nina Margaux. Nangako ang nanay nito sa namayapa niyang ina na hangga't hindi siya nakapag-asawa ay mananatili siya sa malaking bahay.
=====
Kung saan-saan lang naman sila nagsusuot ni Margaux. Namasyal sa mga pasyalang alam nila at nagbabad sa isang restoran sa bayan at ang pinakahuli nilang pinuntahan ay ang paborito niyang burol.
"This meadow is your most favorite place, I supposed."
Nagkibitbalikat siya. "Sana payagan ako ng dad mo na dito magtatayo ng bahay ko ano."
"Hoy, walang ganyanan." Yumapos si Margaux sa kanya. "Wala na nga si mommy, aalis ka pa?"
"Hindi pa naman sa ngayon. Baka isang araw."
"Nag-promise ka kay Mommy na hindi mo ako iiwan. At nag-promise din si Mommy sa Nanay mo na sa amin ka hangga't hindi ka nakapag-asawa."
Makapag-asawa. Far from possibility. Para na lang iyon sa iba.
Nang bigla ay pumatak ang ulan. "See, sign na hindi ka dapat umalis sa bahay. Umiiyak ang mga nanay natin."
Natatawa siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay sinalya niya ang kamay nitong nakayakap sa kanya at inunahan niya ito sa pagtakbo patungo sa sasakyan.
"Ah, ganon ha."
Humabol ito sa kanya pero malapit na siya sa sasakyan nang maunahan siya nito.
"Lagi ka talagang nagpapatalo sa akin."
Nagkatawanan silang lumululan ng kotse at binabaybay ang daan pabalik ng bahay. Napansin nilang nakaparada sa garahe ang kotse ng ama ni Margaux. May isa pang sasakyang naroroon maliban pa sa iba pang sasakyan ng mga Samonte. Naging sanhi iyon ng pagbabago ng ekspresyon nito.
"Huwag mo nang paghintayin ang dad mo."
Mas minabuti niyang sa kusina dumaan kung saan naratnan si Nana Belya.
"Susmaryosep kang bata ka! Ba't basang-basa ka?" si Nanay Belya na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Ang hawak nitong Chef's knife ba ginagamit sa paghihiwa ng rekados ay pansamantalang inilapag sa chopping board.
Imbes na sagutin ay iniabot niya ang pasalubong rito. "Nadaanan ho namin ni Margaux."
Napapangiti na napapailing si Nanay Belya. "Ikaw talaga dinadaan mo ako sa lambing. Salamat," saka nito hinaplos ang pisngi niya. Kung tutuusin ay para na rin niya itong ina, simula nang maulila siya ito na at si Mrs. Samonte ang naging guardian niya.
"Bihis lang ho ako, Nanay."
Pumasok siya sa silid nya na nasa likurang bahagi ng kusina kahanay ang servant's quarters. Pagkabihis ay kaagad siyang bumalik sa kusina at tinulungan si Nanay Belya at ang iba pang mga katulong.
"Di mo naman na kailangang tumulong dito."
"Si Nanay talaga."
Simula nang makapagtapos siya ng kolehiyo sa community college sa bayan, lagi na siyang sinisita ni Nanay Belya kapag tumutulong siya.
"Hindi ka na basta lang katulong." Kadalasan ay sabi nito. "Kung nandito ang nanay mo, maiiyak iyon sa tuwa."
Siya na ang nagboluntaryong magset ng lamesa. Isa sa pinakapaborito niyang gawin ang magmix and match ng mga dining implements. Nakakatuwa lang kasing tingnan ang mga makikintab na babasaging kagamitan na nakaayos sa pabilog na mesang gawa sa hardwood.
"I'm glad you could join us for dinner, Lorenzo."
Mula sa paglalagay ng soup spoon ay bahagya siyang napalingon kay Sir Deo Samonte na kapapasok lang ng dining at inaakbayan sa balikat si Lorenzo. Malapad ang pagkakangiti at magiliw ang pakikipag-usap ng patriarch ng pamilya sa panauhin. Talagang boto ito kay Lorenzo at halos ipagduldulan na si Margaux rito.
Heredero lang naman kasi ito ng mga Santibanez at ang pinakamayaman sa bayan nila. Kahit na sa buong Pilipinas ay nasa mataas na antas ng lipunan. Bukod sa hacienda, kalat sa buong Pilipinas at kahit na sa international market ang mga negosyo at investments. Sugar and flour milling, fertilizer production, financing ang ilan lang sa alam niyang negosyo ng pamilya. Nagbi-venture din daw sa food industry ang mga Santibanez at kahit na nga telecommunications ay pinasok na.
'The Santibanezes are everywhere,' ayon na rin kay Deo.
"I really try my best to spend time with you, Sir."
Sobrang galang naman.
Parang walang kademonyohang tinatago sa katawan.
"Especially with Margaux."
Sa Maynila ito kadalasang namamalagi pero humahanap ng pagkakataong mabisita si Margaux. Hindi nito iyon nakakaligtaang gawin.
"Elisa, pakitawag kay Margaux."
"Opo, Sir."
Di sinasadyang matapunan niya ng tingin si Lorenzo na nasa mismong malapit lang niya. Pero kaagad itong nagbawi ng paningin. Akala mo may mikrobyo ako. Kapal! Parang ikamamatay nito ang makipag eye contact sa kanya.
'Hmp! Matapobre,' sa isip-isip niya.
Simula pa man noon ay may hindi na magandang hangin sa pagitan nila. Mutual iyon na nag-ugat sa magaspang na pag-uugali nito noon pa man. Kaya nga, hindi siya boto rito para kay Margaux. Margaux is too good for him. Anghel at demonyo. Tiyanak ang magiging anak ng mga ito pag nagkataon.
"Good evening, Dad."
Hindi na niya kinailangang akyatin pa si Margaux. Kusa na itong bumaba ng hagdanan looking like a princess in her expensive floral dress.
Nakita niya kung paanong puminta ang kislap ng paghanga sa mga mata ni Lorenzo para kay Margaux.
Ang laki talaga ng tama nito kay Magaux.
Napapailing na lang na pumanhik siya ng kusina.
"Manang, panhik muna ako sa loob ha?"
Inatupag niya ang mga nabinbing trabaho nang dahil sa pagsama kay Margaux kanina. Kailangan niyang tapusin ang pag-entry sa ledger. Mabuti na rin at binitbit niya ang mga transaction receipts sa bahay.
"Natapos din sa wakas."
Maaari na siyang matulog ngunit ayaw pa siyang dalawin ng antok. Tumayo siya at binalabal sa katawan ang malaking shawl at lumulan sa nakaparada niyang bisikleta at sa kaligtnaan ng gabi ay tahimik na binaybay ang daan.
Ang Hacienda Helenita ay magandang tanawin sa araw pero para sa kanya ay mas tumitingkad ang kagandahan niyon sa gabi. Ang nakalinyang mga mahogany tress sa magkabilang gilid ng kalsada mula sa mansion ay lumilikha ng napakagandang canopy. Mas pinatitingkad iyon ng mga firefly na animo nagsasayawan sa itaas ng mga puno.
"Ang ganda," bulalas niya ng paghanga.
Kapag ganitong nag-iisa siya habang huni ng panggabing mga hayop ang naririnig, pakiwari niya ay pag-aari niya ang mundo. Nakakapagreconnect siya sa sarili at nakakaramdam siya ng contentment.
Nanunuot na rin ang malamig na hangin sa kanyang balat kaya minabuti niyang huminto sa pagpadyak sa mismong gitna ng kalsada at tumingala sa langit na nalalatagan ng maraming bituin. Idinipa niya ang dalawang braso at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin sa balat at mukha. Every person has his own version of weirdness and this is hers. Basta ba nakaugalian na niyang gawin lalo na kapag patang-pata ang katawan. Ito ang inexpensive therapy niya.
Nang bigla na lang ay umugong ang sunud-sunod na malalakas na bosina mula sa kung saan.
Gulat niyang naidilat ang mga mata at napalingon sa likuran. Subalit agad din siyang napapikit muli nang direktang tumama sa mga mata niya ang nakakasilaw na liwanag mula sa headlight ng kung kaninong sasakyan.
"Are you stupid?"
Iisa lang ang tumatawag sa kanya ng istupida. Mabilis niyang naidilat ang mga mata at natuklasang nasa mismong harapan na niya ang seryosong si Lorenzo. Mali, hindi lang ito basta seryoso, naiinis ito sa kanya. Nakalapit na pala at lahat nang di niya namamalayan.
"Stupid and deaf, as well."
Saka lang siya parang nakahuma.
Ilang beses na ba siyang pinagsasalitaan ng ganito ng lalaking ito. Umandar na naman ang pagiging kontrabida sa buhay niya.
"Pasensya na ho, mahal na hari." Minaniobra niya ang biseklta sa gilid ng daan. "Sa inyo na po uli ang buong kalsada," aniya na minwestra ng palad ang daan.
Nakita niya kung paanong naningkit ang mga mata ni Lorenzo. Marahil di nito inaasahan ang mapangahas niyang mga pangungusap. Dapat lang na suklian ng kagaspangan ang magaspang din nitong pag-uugali. Siya man ay nagulat din sa sarili dahil kadalasan ay iniignora niya ito.
"Ano pa'ng hinihintay ninyo pasko?"
Ginagambala ang relaxation niya iyon naman pala ay tutunganga lang ito.
"You're crazy."
Yamot na muli itong lumulan ng hummer at pinaharurot ang sasakyan.