Chapter 2

1344 Words
"She is unbelievable." Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. "Who does she think she is?" Isang simpleng pinapasahod ng mga Samonte. The nerve of that woman. Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang when he is Lorenzo Santibañez for God's sake. Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman. "Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari." Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon? Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan. "How's my future daughter-in-law?" Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya habang tinatanaw ito mula sa sasakyan. Sino ba ang matinong babaeng basta na lang nakahinto sa gitna ng kalsada habang nakadipang nakatingala sa langit na ang buhok ay basta na lang inililipad ng hangin sa kung saan. It was a picturesque sight. Lihim pa nga siyang natatawa sa kung sinuman ang babaeng yon na tila walang pakialam sa paligid. Until he found out who that woman was. He hated himself for the fact that something within him was evoked while staring at her. Shit! May sademonyo yata ang babaeng 'yon. He couldn't stand even the slightest sight of her. Kahit noong mga bata pa sila. Itinuon niya ang pansin sa pagmamaneho. Ilang saglit lang ay narating na niya ang villa. Agad-agad siyang dumiretso sa silid at nagshower kapagkuwa'y naupo sa veranda habang tahimik na umiinom. Jack Daniel's would be his companion for the night. Nights at the hacienda are unbearably lame. Nakakabagot ang buhay sa lugar na ito. Mabagal. Walang thrill. He is stuck in this god-awful place when he should have been in the metro enjoying what any men in his prime is enjoying. "Why do I have to personally supervise the farm, Dad?" Minsan ay tanong niya sa amang si Manolo Santibañez. May tagapamahala naman sa lupain pero kada buwan ay hindi nawawala sa kanyang itinerary ang silipin ang farm. Kahit noong bata pa sila, lagi silang umuuwi dito, bagay na kinayayamutan niya. "Doon ako nagsimula bago ako tumuntong dito sa syudad. One way or the other, you will learn a skill set or two from what you are doing." He is a city boy. Hindi niya maatim na makinig sa mga kuliglig sa paligid. This isn't the life he wanted. Well, at least, may Margaux na nagpapagaang ng pakiramdam niya. Kapag nasa Maynila ito, hindi rin naman sila nagkikita dahil lagi itong umuuwi sa probinsya pagkatapos ng mga commitments nito. "Just be patient. The moment na nagpakasal ka kay Margaux, tuluyan mo nang papalitan ang ama sa posisyon at ipagkakatiwala na lang natin sa mga tauhan ang lupain." Sa tuwina ay paalala ng kanyang inang si Viviana. He couldn't wait for that day to come. Marrying Margaux has always been on his agenda. Matagal na rin naman silang pinapareha ng kapwa mga magulang. Maganda ito, may pinag-aralan kaya wala siyang angil. Margaux could be his equal. She is independent and strong-minded. Nilagok ang natitirang laman ng bote at napagpasyahang matulog. Bago pumasok sa loob ay tumingala muna siya sa kalangitan. It was dotted with stars. Hindi niya forte ang stargazing pero kakatwang nagagandahan siya sa nakikita. No wonder, that woman is as crazy like that over stargazing. Gusto niyang batukan ang sarili for allowing a tiny space of his imagination be occupied by her. ***** "How long has it been since you conducted thorough check-up and inventory of our equipment, Mr. Carvajal?" Bagama't mababa ang tono ay mababakas ang yamot na namayani kay Lorenzo. Ayaw niyang nakakakita ng aberya sa operasyon ng kahit alinman sa mga negosyo nila. Kapag naririto siya sa hacienda ay nagka-conduct siya ng surprise visit sa lupain at sa milling factory na nasa loob mismo ng hacienda. One of the primary reasons ng bawat pagparito niya ang operasyon ng sakahan, di lang siya pumaparito para mag-unwind o magrelax. For relaxation ay mas pinipili niya ang ibang bansa. "May regular check naman ho ang technician natin, Sir." "Yet, it still happened." Diskuntento siya, makikita sa mukha niya daan upang mahirapang mag-apuhap ng isasagot ang tauhan. He is an intimidating boss and a hard one to please. Afterall, next in line siya sa posisyon ng ama sa negosyo nila. "Do something. We cannot afford to lose even a single cent." Bawat segundong nasasayang ay kawalan din iyon sa income nila. Higit sa lahat ayaw niya ng papatay-patay sa trabaho. Madalas nga siyang bansagan ng hard and cold. He doesn't want to settle for anything less. Lumulan siya sa kanyang sasakyan at mabilis iyong pinasibad. Dala ng kabagutan ay mas pinili niya ang maglibot. Kung saan-saan lang naman siya napadpad hanggang sa humantong siya sa paanan ng burol na may nakatanim na matayog na puno ng kamatsile sa pinakagitna at pinakaituktok. Ang kahoy ang nagsisilbing hangganan ng lupain ng mga Samonte at Santibañez. May fence na pumapagitan sa dalawang lupain ngunit pinili ng dalawang patriarchs na hindi ienclosed ang naturang burol. Of all places, ito ang masasabi niyang pinakapaborito niya sa buong hacienda. Kasalukuyan na niyang inaakyat ang burol nang matantong hindi siya nag-iisa. May nakaparadang bisekleta sa puno at may bag siyang nakikita na nakalatag sa damuhan. Babae base sa kulay ng bag nito na may Betty Bop na disenyo at sa bisekletang may nakataling pink accessories. Natatabunan ng malaking katawan ng puno ang kung sinuman, ang invader sa favorite spot niya. Kasabay ng pagtuklas ng katauhan nito ang pagkunot ng kanyang noo. What a coincidence. Ang babaeng ito na naman. Si Elisa, tahimik lang na nakaupo sa lilim ng puno at nakatanaw sa malayo. Nasanay na siyang nakikitang nakasimangot ito o di kaya ay seryoso lang ngunit sa pagkakataong ito ay may kakaibang aura ng mukha nito. And that certain glow in her eyes habang nakatitig lang sa kawalan. It was a look of contentment. Unang beses na nakita niyang may manipis na ngiting sumilay sa mukha nito and it sure looks good on her. Sinuyod niya ang kabuuan nito. She is plain and simple, in all angle. Ang may kahabaang buhok ay basta na lang inipit sa clamp. May ilang hibla na tumakas roon at naglaglagan sa leeg at balikat. Ang sweater na suot nito ay kadalasan niyang nakikitang gamit nito kapag napapagawi siya sa hacienda. She has been using that sweater since high school. Wala ba talaga itong pambili ng damit? Sa pagkakaalam niya ay nagtapos na ito sa pag-aaral at kasalukuyang nagtatrabaho bilang staff sa opisina ng lupain pero nakukuntento itong suotin ang faded nang kasuotan. Dapat ay aalisin na niya ang mga mata sa babae pero tila naiengganyo pa siyang lakbayin ang mukha nito. Beauty wise, malayo ito sa ganda ng mestisang si Margaux. Medyo makapal ang mga kilay, katamtaman ang tangos ng ilong, plump na mga labi na hindi nababahiran ng kahit anumang cosmetics. Ayaw man niyang aminin ngunit may nakatago itong simpleng ganda. It was simple yet delicate. Silly. He never had a thing for plain and conservative women pero heto siya ngayon at sa babaeng ito pa nag-aksaya ng oras. This is just insane. Nang bigla ay lumingon si Ellisa sa gawi niya. Huli na para ilipat sa ibang dako ang paningin. Nakita niya kung paanong awtomatikong napalis ang ngiti nito at maang na napatitig sa kanya. Ang bilugan nitong mga mata ay napipintahan ng pagtataka. He never realized how nice those pair of eyes were. Tila may sariling kapangyarihan na humihigop sa kanya. But then, he noticed how her reaction changed. Ang maang na ekspresyon ay napalitan na ngayon ng simangot at literal na pag-ismid. Like he is the most unpleasant sight her eyes could ever landed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD