"Bakit mo pa ako kailangang isama doon?"
May uneasiness siyang nararamdaman habang nakaupo sa kotse katabi ni Margaux. Patungo sila sa kabilang hacienda, sa mismong mansion ng mga Santinbañez. Katunayan ay nakakapangalahati pa lang sila ng nilalakbay.
"Relax. Hindi tayo magtatagal don. We will last not later than nine. Isa pa, we are going to the lion's den, alangan namang pababayaan mo akong mag-isa. Syempre, I need my pack."
"Pupunta naman ang mga friends mo, ah, panigurado at saka, nandodoon din naman ang daddy mo."
Nakapangalumbaba siya sa nakabukas na bintana at kasalukuyang tinititigan ang nakalatag na mga bituin sa langit.
Ang ganda ng gabi pero natatabunan naman ng discomfort na nararamdaman sa puso niya.
She is never comfortable around Lorenzo.
"Ano ka ba? I prefer your company over my so called friends. Si Dad naman, for sure, he and Lorenzo's father would discuss nothing but business."
Napabuntunghininga siya.
Isa sa pinakaayaw niya ay ang isinasama siya ni Margaux sa bahay ng Santibañez. Birthday raw ng matriarch ng mga Santibañez at sa bahay ng mga ito sa hacienda idinaos ang pagtitipon. Syempre, guest of honor ang mga Samonte. Wala yatang pagtitipon ang kanya-kanyang mansion na di imbitado ang bawat pamilya.
Para sa iba na naiimbitahan, karangalan iyong matituturing ngunit para sa kanya, malaking perwisyo. Magkukrus na naman ang landas nila ni Lorenzo. Wala siyang magagawa, hindi naman niya maaaring tanggihan si Margaux.
"Akala ko ba, ayaw mo kay Lorenzo, mukhang excited ka naman."
Magara ang damit na isinuot nito. Well, lagi naman talagang maganda ang bihis nito.
"That is called diplomacy. I may not like him but business connects us. Isa pa, I love his mom."
Napangiti siya. Siya man ay may kung anong fondness sa ina nito. Ito lang naman yong pumalo sa puwet ng salbaheng si Lorenzo noon nang i-lock siya sa library.
"Makinig ka na nga lang ng music."
Binuksan ng kaibigan ang car stereo at pumailanlang ang awitin ng The Beatles. Prim and proper si Margaux at aakalaing sumasabay pa ito sa mga lumang awitin.
Napapailing na natatawa na lang siya sa inasal nito. That certain childishness in her is showing.
Well, at least, old music is keeping them company.
****
Mahaba na ang pila ng mga sasakyan sa labas ng gate ng mansyon. Lahat na yata ng maykaya sa lugar nila ay nagtipon-tipon sa gabing ito at sigurado may mga taga-Maynila din.
Nasa bungad na sila ng malawak at bakal na gate at direktang nakatitig sa tahanang tila matayog na palasyong nakatirik sa malawak na bakuran.
Grand. Opulent.
Ang naisip niyang adjective na angkop na gamitin para i-describe ang magandang tahanan. European ang design at pinaghalong moderno at contemporary ang architecture.
Mula sa gate ay binaybay nila ang mahabang pathway.
"Doon na lang kaya ako sa kotse mo."
Pinandilatan siya ni Margaux. "Nonsense. You'll come with me."
Tinapunan niya ng tingin ang kabuuan. Nakakaalangan pa din na makisalamuha sa mga sosyal na tao sa ganitong simpleng ayos. Kung bakit ba kasi umayaw-ayaw pa siya sa makeover sanang gagawin ni Margaux sa kanya.
"Ano namang masama sa ayos mo? It's just all in the mind, Eli."
Sa iilang beses na naparito siya sa mansion ng mga Santibañez ay namamangha pa rin siya. Mayaman ang mga Samonte ngunit di hamak na mas mayaman ang mga Santibañez. Mas malawak ang implwensiya.
Pagdating sa loob, sa mismong pinaka-venue ay batian at beso-beso agad si Margaux sa mga Santibañez ngunit nakahanap siya ng pagkakataon ay di nito napansin na nagpaiwan siya sa isang sulok. Alangan namang makikipagbeso-beso din siya sa mga ito. Hindi naman siya kauri. She almost always feel uneasy kapag nakakahalubilo niya ang mga mayayaman sa lugar nila, idagdag pa ang mga taong hindi kilala.
Naupo na lang siya sa isang sulok, sa isa sa mga skirted tables na pang-apatan lang. Hihintayin na lang niyang tawagan siya ni Margaux sa cellphone kung kailan nito maisipang umuwi.
Pinagkasya na lang niyang ituon sa mga halaman ang pansin.
"Ma'am, would you like to taste this caviar?"
Caviar? Pangmayaman lang yon ah. Sinubukan niya na rin ang alok ng isang unipormadong waiter. Maingat na nakaa-arranged sa stainless tray na hawak nito ang mga canape na may garnishing na caviar. Nakakamangha lang at kinakain niya ngayon ang isa sa pinakamamahal na pagkain sa buong mundo.
Masarap iyon. Pero mas naghahanap siya ng solid na pagkain. Tyempong sa malapit siya sa buffet kaya sa pagkain niya itinuon ang pansin. Total naman ay may nagsisipagkuha na rin. Natatakam na rin siya sa mga pagkaing nasa hanay ng mga chefing dish at naroroon ang paborito niyang kare-kare. 'Di namalayang napaparami ang kinain niya. Heto at naiihi na siya.
Naghanap siya ng restroom. Ngunit may gumamit sa banyo malapit sa bulwagan kaya't napilitan siyang pumasok sa loob sa pahintulot na rin ng maid. Sinundan niya ang direksyong itinuro nito. Ipinihit niya ang seradura ngunit ang lahat ng anumang pakay sa pagbabanyo ay naparam sa nakikitang tagpo sa loob.
"s**t! Harder, Lorenzo."
Isang nakakaeskandalong tagpo sa loob ng restroom ang napasukan niya. Nakapatong sa sink ang kung sinumang babaeng kagat-labing nakapikit habang napapaigtad. Nalilis na sa kung saan ang strap ng damit nito habang nakasubsob sa dibdib nito ang mukha ni Lorenzo samantalang nasa kaselanan ng babae ang palad nito.
"Ohh, harder, babe!" halinghing ng babae na mas ibinukaka pa ang dalawang hita.
Taksil! Sigaw ng isip niya. Di pa man naikakasal kay Margaux ay nagsisimula nang magtaksil. Akala ba niya ay mahal nito ang kaibigan?
"Oh, shucks!"
Biglang naitulak ng babae si Lorenzo nang sa pagmulat ng tila nadidileryo nitong mga mata ay siya ang nakita. Sa ginawa nito ay napatuwid rin ng tayo ang lalaki at direktang nagtama ang mga mata nila sa salamin.
Devoid sa emosyon. Wala man lang ni katiting na remorse sa ekspresyon nito. Hindi man lang natakot na nabisto niya sa kalapastanganan nito.
"Leave," malamig na turan nito sa magandang babae na imbes na mahiya sa naabutan niya ay taas-noo pang nagmartsa at nag-iwan ng masamang tingin sa kanya. Galit dahil naistorbo niya ang biyaheng langit ng mga ito.
Ngayon ay naiiwan silang dalawa ni Lorenzo sa loob. Sinalubong niya ang mga titig nito sa salamin. 'Di siya umiwas. Sa kataksilang ginawa nito dapat ay maipagtatanggol niya man lang si Margaux.
"What now?"
Walang anumang inayos nito ang nakabukas na damit at inayos ang pagkakabuhol ng bowtie. In all angle, magandang lalaki sana si Lorenzo pero ubod ng sama.
"Umaakyat ka ng ligaw kay Margaux pero may babae ka din on the side."
Inaasahan ba niyang tatablan ito sa parunggit niya? Hindi. Naroroon lang ito may nakakalokong ngiti sa mga labi. Saka pumihit paharap sa kanya, pinagsalikop sa gawing dibdib ang dalawang braso habang nakasandal sa sink na kinapapatungan ng babae kanina.
Lorenzo carefully studied her. Mula ulo hanggang paa. Ewan niya ngunit sa ginawa nito ay tila nag-iinit ang sulok ng pisngi niya.
"What is it to you then?"
Ano ba ang pinupunto ng tanong nito? Dahan-dahan ay humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya. Instinct told her na umiwas. Sa bawat paghakbang nito ay napapaatras naman siya. Hanggang sa lumapat ang likod niya sa dingding.
Napalunok siya nang ibinakod ni Lorenzo ang dalawang braso sa katawan niya.
Nalalasing ba ito? Under normal circumstances ay hindi ito lalapit sa kanya ng ganito. Nakainom nga ito, iba ang amoy ng hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. Mali man, pero pati siya ay tila nalalasing na rin yata. Idagdag pa ang humalong pabango sa ilong niya at ang kamalayang malapit na malapit ito sa kanya.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at matapang na tiningala at sinalubong ang mga titig nito. Sa liit niya ay para lang siyang kuting na nacorner ng lion.
"Ano ka ba ni Margaux, ha?"
May ibig sabihin ang pangungusap na iyon.
"Someimes, it make me wonder, kung alalay ka lang, kaibigan o.." sinadya nitong ibitin ang sinabi. "O higit pa roon ang turing mo sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngising aso ang bumalatay sa mukha nito.
"You like Margaux, more than being your amo and being a friend."
Hindi siya bobo para hindi maunawaan ang implikasyon ng sinasaad nito. Tomboy ang tingin nito sa kanya. Nakakainsulto iyon.
"Nililihis mo ang issue."
Sinikap niyang magmukhang matatag kahit pa nga nais na niyang maiyak sa inis at yamot. "Bakit, hindi ba totoo?" pinaraanan nito ng daliri ang pisngi niya. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit tila nagsisitayuan ang kanyang mga balahibo. "Or, maybe, nagpuputok ang butse mo dahil hindi kita tinatapunan ng pansin. You wanna have taste of me, right?"
Nababastusan siya sa sinabi nito. Bago pa man niya namalayan ay umigpaw na ang palad niya upang sampalin si Lorenzo ngunit maagap nitong napigil ang palad niya. Nakita niya kung paanong napalitan ang nang-uuyam na ngisi ng galit.
"No one ever lays a finger on me. Not anybody like you."
Pagkawika niyon ay walang babalang kinuyumos nito ng halik ang kanyang mga labi. Ang pagpupumiglas at ang mga impit na sigaw na gusto niya sanang isatinig ay nakakulong lang sa magkalapat na mga bibig nila.
Naghuhumiyaw ang utak niya sa pagpoprotesta, sa galit. Nahihintakutan siya.
Ngunit ang anumang pagpupumiglas ay binalewala nito. Naramdaman niya na lang na mas naging mapusok ang paraan ng paghalik nito. Mas nahintakutan siya nang maramdaman ang palad nitong naglilikot sa kanyang dibdib.
Hayop! Sigaw ng utak niya. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"This should serve as your lesson. Dapat marunong kang lumugar sa kung saan ka lang nararapat."
Sa wakas ay pinakawalan nito ang mga labi niya. Dapat sana ay pinagsalitaan niya ito ng masama. Tanging pagluha lang ang kanyang nagawa. Imbes na palisin ang mga luha ay hinayaan niya lang sa paglandas ang mga butil sa kanyang pisngi.
Kulang ang sabihing nasasaktan siya. Sa tanang buhay niya ay wala nang ibang ginawa si Lorenzo kundi iparamdam sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta. Wala na yatang ibang ibinigay sa kanya ang lalaking ito kundi pang-aalipusta simula nong bata pa siya. This man never learned to respect her.
"Sana masaya ka na sa ginawa mo."
Puno ng hinanakit niyang turan.
Si Lorenzo ay nakatitig lang sa kanya. Kung kanina ay galit ang ekspresyon nito ngayon ay may kung anong sumungaw na lambot. Makukunsensya? Wala si Lorenzo niyon. Maitim ang budhi nito.
Sinamantala niya ang tila pagkatigagal nito at ang pagluwag ng distansya nila. Inayos niya ang nalilis na blusa. Kapagkuwa'y pinahid sa pamamagitan ng likod ng kanyang palad ang namasang pisngi at taas noong naglakad palayo rito.
Sa labas ng restroom, nang tuluyan nang makalayo ay saka niya pinakawalan muli ang kinikimkim na luha. Yakap-yakap ang sariling nagtungo siya sa kinapaparadahan ng sasakyan at mas piniling doon na lang hintayin si Margaux.
Hayop! Hayop!
*****
What has gotten unto you?
He went overboard. Gusto niyang suntukin ang sarili. How could he do it? Worst, kay Elisa pa. Ang balak niya lang naman ay inisin ito pero out of the blue natukso siyang halikan ito. Looking at her wide eyes and those plump lips, may kung anong pwersang nag-utos sa kanya na gawin ang kapangahasang iyon.
Shit!
Elisa tasted so good both on his lips and on his palm.
Ano ba kasing kademonyohan ang sumanib sa kanya kani-kanina lang? Epekto ng alak? Maybe.
Yes, Elisa is annoying. Simula noong bata pa sila ay hindi niya maunawaan kung bakit naiinis siya kapag lumalapit-lapit ito sa kanya. The first time, naalala niya, noong unang araw na makita ito sa mansion.
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya na tila namamangha. Gumuhit pa ang nahihiyang ngiti sa mga labi nito. He could remember very well how her gazes made him uneasy. Tila bumabaon sa kaloob-loban niya in the same manner nang mataman siyang titigan nito kanina.
"Sana masaya ka na sa ginawa mo."
Ah, she deserves it. Hindi ito dapat nangingialam sa mga affairs niya. She could not talk in behalf of Margaux. Wala pang nakataling kasal sa pagitan nila ni Margaux. He is as free as Margaux kung pakikipag-fling ang pag-uusapan.
But once they get married, pinapangako niyang magiging loyal na siya. After all, nakakasalalay sa kasalang Margaux at Lorenzo ang napipintong pag-akyat niya sa pinakamataas na posisyon ng kumpanyang binuno ng mga magulang.
But the thought of those teary eyes.
Hindi niya maunawaan kung bakit may sundot ng kunsensya sa kanya.
Lumabas siya ng restroom at nagtuluy-tuloy sa kinaroroonan ng bar at sa paglagok ng alak dinivert ang buong atensyon.
"That is one too many, son."
Ang ina niyang si Viviana, looking great as ever.
"Nasa labas si Margaux. She needs your company."
"I'll be there in a minute, Mom."
The thought of Margaux always excites him pero kakatwang wala siyang ganang kausapin ang babae o ang kahit na sino. Ang nakakainis pa ay napapalingon na lang siyang bigla at may hinahanap ito sa crowd.
'This is ridiculous. That girl must be a sorcerer.'