Nagulantang si Amara na napadilat ng mata ng maramdaman na may humalik sa kanya at nakita nya ang palayong si Zian na sandaling lumingon sabay ngisi na sumaludo. Inis naman nyang binigyan ito ng dirty finger. Ang ganda ganda ng panaginip nya binulabog nito. Teka ano nga ba ang panaginip nya.
Hay kainis. Nakasimangot na sinundan nalang ulit nya ng tanaw si Zian. Pagod sya dahil sa 8 hrs straight na rehersal kaya nakatulog na sya habang nainom ng kape sa cafeteria ng head quarters nila. Ano naman kaya ginagawa nito sa headquarters bakit iniwan nito si Britany na kalaplapan nito nung nakaraan.
According to Diego lasing na daw kasi si Britany at sapilitan na daw hinalikan si Zian at wala na daw nagawa ang binata. Itinulak daw naman agad ni Zian si Britany. Ka suwerteng nilalang biruin mo 2 agad silang babae ang nag tamasa sa malambot nitong labi at sa mabango nitong hininga.
At ang buwisit na si Zian kapag nakakasilip ito ng pagkakataon at walang nakatingin na mga mata. Ang bilis nitong mag nakaw ng halik sa labi nya or kaya sa pisngi tas aalis nalang na parang walang nangyari. Pinag lalaruan sya ng damuhong nilalang. Di naman sya makapag react at magalit dahil panay nakaw na halik nga lang ang ginagawa nito. Kapag nagalit sya magtataka ang mga nasa paligid nila.
Worst isipin may lihim silang relasyon at iyon ang hindi puwede lalo pat under mission sila. Pare parehas malilintikan sa boss nila kapag naka sagabal ang mga personal nilang buhay sa trabaho nila.
“Himala parang 1 week ko ng di tinatamaan ng mata si Mayor Gallego?” tanong ni Rodney habang sabay sabay silang nag lalakad palabas ng underground. Balak nilang mag bar shopping ngayon gabi dahil bukas back to work na ulit sila. At tama hindi nila na pupunta si Rupert sa paligid di tulad ng dati na sya mo nalang makikita sa bawat event na pupuntahan nila.
“I heard nasa business trip.” ani Daniel.
“Kaya naman walang pakalat kalat na mukhang paa.” ani Rodney sabay tawa.
“Si Deigs ba? susunod.” patay malisyang tanong ni Amara pero ang totoo gusto lang nyang malaman kung kasama din ba si Zian na susunod sa bar. Ang alam nya naka duty ang dalawa sa safety ni Britany ngayon.
“Si Boss Diegs ba talaga ang gusto mong sumunod o si captain?” biro pakindat ni Rodney na sinundot pa sya sa bewang. Tinaasan naman nya ito ng kilay.
“Ang ayos ng tanong ko diba?” mataray na wika ni Amara.
“Oo nga naman sagutin mo nalang yung tanong ni Madaam.” tugon naman ni Daniel.
“Di pa sigurado kung makakasunod. Depende pa daw sa mood ni Britany.” gustong sumimangot ni Amara pero pinigilan nalang nya.
“Tara na.” sagot nalang nya saka nauna ng lumabas.
“Bias ka! Torpe ka naman.” ani Rodney kay Daniel na sumunod nalang kay Amara.
“Lumulugar lang ako. Daks ang kalaban ko paano ako mananalo dun.” naka irap na sagot ni Daniel.
“Walang Daks daks sa magaling sa performance.”
“Gago ka ba? Paano ko naman patutunayan ang performance ko kay amara. Gusto mo bang di na ako sikatan ng araw bukas. Marami pa akong pangarap at di kasa si Amara sa pangarap ko.” ngisi ni Daniel. Napailing nalang si Rodney.
“Oo. Tama iba nalang pangarapin mo baka kapag sinubukan mo masira ang buhay mo. Alalahin mo apo ng founder nitong society ang kalaban mo.” tinapik ni Rodney ang balikat ng kaibigan.
“Hoy! ano tsismisan kayo to the max dyan.” sigaw ni Amara kaya napatakbo nalang silang sumunod sa dalagang kaibigan.
*****
“Hi Miss Ganda, Marlon po at your service”
“Leo maam.”
“Alex po.” pakilala ng mga kasama ni zian ng lumapit ang mga ito sa table nila. Kadarating lang ni Zian at Diego. Sympre kasama din si Britany pero naiwan ito sa mesa dahil meron itong kausap sa phone na katabi lang naman ng sa kanila.
“Kayo yung mga taga Rescue team diba?”
“Yes maam. Ang ganda nyo pala lalo sa malapitan.”
“Wag ka ng mang bola Leo.” saway naman ni Z na tinaasan ng kilay ni Amara.
“So sinasabi mo bang hindi ako maganda ganun ba?”
“Patay na.” ngisi ng mga kaibigan nila ng tumaas na ang makasaysayang kilay ni Amara na kulang nalang umabot na ng bunbunan.
“Hindi naman sa ganun ang ibig ko lang sabihin. Di ka na kailangan bolahin dahil inborn naman ang ganda mo.” sagot ni Zian. Sa haba ng explaination ni Zian nahirapan si Amara na pigilan ang mapangiti.
“Yun oh! Kilig yarn.” biro ni Rodney.
“Sira ulo.”
“12 o’clock palapit na si Elmo.” imbis na mag seryoso nag tawanan pa silang lahat bagay naman pinag taka ni Britany ng makalapit sa kanila.
“Parang ang saya nyo naman. share nman kayo dyan.” anito.
“Ah! Wala maam ito kasing si Maam Khassey na ngongolekta ng mga cartoon figure ng sesame street.”
“Really My god Khassey. Panahon pa yun ng lola ko.” maarteng wika ni Britany.
“kanya kanyang trip lang yan Britany walang basagan ng trip. Si Zian at Diegs alam mo ba kung sino favorite nyang character.” tanong ni Amara dito. Sabay sabay pa ang lahat na mapatingin kay Diego at Zian na halatang parehas din nag tataka.
“Mahilig din kayong mag collect ng mga character?” tanong pa ni Britany. Nag kibit balikat nalang ang dalawa na napatingi naman silang lahat sa kanya.
“Sino ba ang favorite character nila boss.” tanong naman ni Rodney.
“Ako sino pa nga ba?” ani Amara sabay sapo ng dalawang pisngi at nag pretty eyes pa. Natameme naman ng ilang sandali ang mga ito.
“Wala na uwian na may nanalo na.” wika naman ni Diego kasabay ng tawanan.
“Feeling masyado..” pabulong na wika ni Britany.
“Bakit Britany may problema ba?”
“Nothing hindi lang nakakatawa yung joke mo. Alam mo sa totoo lang ha no hurt feeling sasabihin ko nalang dahil ayoko na kikipag plastikan talaga. Ito naman ay opinyon ko lang di depende sayo kung paano mo iintindihin.”
“Daming intro.” ngisi pa ni Amara kaya halatang mas lalong na inis si Britany lalo pat tinawanan ng mga kasmaa nila.
“Hindi kabagay sa pageant. Feeling ko naka pasok ka lang dahil sa papa. Kapag nagkaroon ka ng title im sure nagkaroon ng hokus pokus.”
“Naku Miss Elm—- este Britany. Pasalamat ka lalaki ako di ako napatol sa babae pero ito ay opinyon ko lang din sarap mong sabunutan.” wika naman ni Daniel na umasta na parang bakla.
“No offense sinabi ko pang ang gusto kong sabihin kung ma ooffend kayo sorry pero yung ang feeling ko.”
“Ikaw feeling mo maganda ka.” pagak naman tumawa si Britany.
“Hindi ako sasali sa Binibining Pilipinas kung feeling ko lang maganda ako. Hindi ako ma ququalify kung di ko deserve.”
“ganun ba wanna bet?” hamon ni Amara rito. Napa unggol naman ang mga kasama nila sa hamon nya.
“Paramihan tayo ng fans. Singing ang talent mo diba so do i. Kung ganda ganda lang naman ang pag uusupan mukhang mataas din naman ang puntos ko basta walang lunukan ng mic.” pang aasar ni Amara na tinawanan ng mga kaibigan nya. Na ikinagalit naman ni Britany.
“Fine!” tumalikod na agad si Britany at lumapit sa manager ng bar nakipag usap ito sandali saka bumalik para sabihin pumayag ang manager ng bar na mag singing duo contest sila on stage.
“Tagilid ka gurl mukhang meron under the table.” bulong ni Daniel sabay nguso sa manager ng Bar na may binubulungang mga waiter tas ang mga waiter kunwari nag seserve ng drinks pero halatang may sinasabi sa mga customer.
“So anong prize nito di naman puwede basta nalang tayong mag cocompete na walang prize.”
“Mag ququit ako sa pageant.” matapang na sagot ni Amara na tinutulan ng mga kaibigan pero wala ng nagawa ang mga ito.
“How about you?” halatang nag isip ito
“Name it kahit ano dahil im sure di ka naman mananalo sa akin.” ngisi nito. Pagak nama tumawa si Amara.
“I rerequest mo sa papa mo na ibalik sa akin si Diego at Zian.”
“No way they are my bodyguard.”
“So natatakot kang matalo ganun ba?” napakuyom ng kamay si Britany.
“Fine pero make sure na mag ququit ka kapag natalo ka.”
“ssssssuuuuurrrrreeee. Noooooo woooooorrrrriiieeesssss.” abot tengang ngiti ni Amara.
*******
“Sira ka ba? Bakit pumayag ka sa betting game na to paano kung matalo ka malalagot tayong lahat kay chief.” inis na wika ni Diego.
“relax wala ka bang tiwala sa ganda ko.”
“Ano ba Amara.” mariin na pabulong na saway ni Diego.
“Maupo ka na nga lang lakasan nyo sigaw nyo patay kayo sa akin pag natalo ako.”
“Hay ewan ko sayo.” ani Diego saka nag martsa palayo. Sumunod naman lumapit si Zian tumayo lang ito sa harapan nya habang inaayos nya ang electric guitar na gagamitin nya.
“what?” tanong na nya ng di na sya nakatiis.
“I wanted to kiss you kung puwede lang.”
“gago ka ba talaga.” inis na wika nya rito na meron pag babanta sa mata. Nakatingin sa kanila ang lahat pati si Britany na kausap ang keyboard player sa likuran.
“Be my girlfriend Amara.” saglit na natigilan si Amara sa sinabi ni Zian.
“Im deadly serious right now.”
“Iharap mo sa akin si Tamara then saka ako sa sagot sayo.”
“Where on earth ko hahanapin ang taong ayW mag pakita. Ikaw na din nag sabi noon na wanted sya so paano ko sya makikita kung mag tatago sya.”
“Puwes wala kang maririnig na sagot sa akin ngayon. Alis.”
“Amara.”
“Were on mission zian umayos ka kung ayaw mong ireport kita kay chief. Wag mong isawsaw sa trabaho natin ang personal natin problema.” ani Amara napabuga nalang naman ng hangin si Zian na tumalikod.
Sandaling nag salita ang Emcee para sa labanan nila ni Britany para sa mechanics ng laban nila na sinang ayunan ng lahat kaya naman ng kumanta na si Britany well in fairness naman talaga ang galing nito kumanta biritera pero nakakabingi yung birit nito pero maganda naman para lang masyado ng trying hard. Ang lakas ng palakpakan at sigawan hanggang sa matapos. Halatang halatang bayad ang bawat sigaw at palakpak pero confident sya na kaya nyang higitan iyon.
Tumikhim muna sya bago nag tungo sa gitna ng tawagin na sya ng Emcee at ipakilala. Huminga muna sya ng malalim saka pumuwesto sa harapan ng mic habang naka sukbit sa kanya ang electric guitar na gagamitin nya.
I need a lover to keep me sane
Pull me from hell, bring me back again
Play me the classics
Something romantic
Give him my all when I don't even have it
I always dreamed of a solemn face
Someone who feels like a holiday
But now I'm in pieces
Barely believing
Starting to think that I've lost all feeling
You came out the blue on a rainy night
No lie
I'll tell you how I almost died
While you're bringing me back to life
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven, so we could be together
Napangiti si Amara hindi man nag sisigawan ang crowd pero sinasabayan sya ng lahat sa pag kanta. Kaya sapat na iyon para sa kanya she sung throughout her heart at alam nyang na ramdaman iyon ng mga audience nila kaya napapasabay din ang mga ito sa pagkanta sa kanya. Lumakas pa lalo ang kanta ng mga ito ng mag chorus na.
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
I fall in love with the little things
Counting the tattoos on your skin
Tell me a secret
And baby, I'll keep it
And maybe we could play house for the weekend
You came out the blue on a rainy night
No lie
I'll tell you how I almost died
While you're bringing me back to life
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven, so we could be together.
Hinayaa na ni Amara na ang audience na ang kumanta ng chorus na tuwang tuwa naman kikanta ng lahat na akala mo ay nasa isang concert sila. Ngiting tagumpay na agad ang ngiti ni Amara ng lingunin si Britany na bumaba na ng stage. Nag walkout ang bruha kaya napilitan na rin tumayo sila Diego at Zian na halatang nainis. Nag kibit balikat nalang si Amara na sinundan nalang ng tingin ang mga ito at itinuloy ang kanta nya.
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
All the sick and twisted nights that I've been waiting for ya
They were worth it all along, yeah
I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever" (on the word "forever")
Until you gave up heaven, so we could be together
You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby
Standing ovation ang natanggap ni Amara kasabay ng palakpakan kaya di na kailangan ng botohan para malaman kung sino nanalo pero wala na ang kalaban nya malaon ng nag walk out at umalis.
Nag tagal pa sila nila Rodney sa bar kasama ng mga taga rescue team na masaya din naman kakuwentuhan kung ano ano kalokohan ang pinag kukuwento ng mga ito. Hanggang sa di na nila namalayan ang paglipas ng oras at mag yaya mag uwian na.
“Amara.” napalingon si Amara na napahinto sa pag bubukas ng pinto ng condo nya ng malingunan si Zian na parang sumugod sa bagyo at basang basa ang suot nitong damit. Hindi naman naulan pero bakit basa ito.
“Malakas ang ulan kila Britany ng umalis kami ni Diego ng ihatid namin sya.”
“Bakit di ka dumeretso ng uwi sa bahay mo bakit dito ka dumeretso. Kung meron nanaman kahalayang laman ang kokote————
“Babe.” sabay pa silang napalingon ni Zian ng makarinig ng boses na halos kaboses din nya.
“Tamara.” halos sabay nilang sabi ni Zian.