wrong

2680 Words
Amara.” napalingon si Amara na napahinto sa pag bubukas ng pinto ng condo nya ng malingunan si Zian na parang sumugod sa bagyo at basang basa ang suot nitong damit. Hindi naman naulan pero bakit basa ito. “Malakas ang ulan kila Britany ng umalis kami ni Diego ng ihatid namin sya.” “Bakit di ka dumeretso ng uwi sa bahay mo bakit dito ka dumeretso. Kung meron nanaman kahalayang laman ang kokote———— “Babe.” sabay pa silang napalingon ni Zian ng makarinig ng boses na halos kaboses din nya. “Tamara.” halos sabay nilang sabi ni Zian. Di naman mapigilan ni Amara na asar na matawa bagamat nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot muli ni Tamara all this time pero ang tawa nya e para sa hitsura nito ngayon. “Ganun ka na ba ka desperada na gayahin lahat ng stilo wala ka bang originality.” di na napigilan tanong ni Amara. Nag palipat lipat ng tingin sa kanila si Zian. Iisa ang hair style nila ngyon pero kapag inalis nya ang hair extensions na suot na ginagamit nya sa pag papanggap bilang khassey. Makikita ni Zian ang pag kakaiba nila hindi nito kailangan malito. “Baka puwedeng buksan mo muna ang condo mo. Basang basa si Zi.” ani Tamara na lumapit pa kay Zian sabay haplos pa sa pisngi ng binata na tinabig ang kamay ni Tamara halatang galit si Zian habang nakatingin kay Tamara. “Bakit ko kayo papasukin sa bahay ko. Hindi kayo welcome dito.” aniya sabay bukas sa pinto at pumasok akmang isasarado na nya iyon ng pigilan ni Zian at walang ka abog abog na pumasok ito sumunod naman agad si Tamara na nginisian pa sya ng magkatapat sila. “Hoy! Punasan mo yang tiles ko tingnan mo oh nag kakalat ka ng tubig at may kasama ka pang basura.” di nakatiis na sikmat ni Amara sa kapatid. “Sobra ka naman na ata mag salita ngayon Amara. Ang laki ng pinag bago mo.” ani Tamara na prenteng na upo sa sofa nya. “Kung katulad nyo ang makakaharap ko di ko kailangan maging santa at parang anghel na bumaba sa langit dahil sa ngayon parang gusto kong pumunta ng simbahan at manghingi ng holy water para pabindisyunan ang bahay ko kasi pinasok ng mga maligno.” tumawa si Tamara si Zian naman ay dumertso sa kuwarto nya kapal talaga ng mukha at narinig nalang nilang pumasok ito ng banyo at nakiligo ang mestizong kapre. “Mukhang nag kakamabutihan na kayo ng boyfriend ko. sister.” “Alam mo bang wanted ka.” “Alam ko kaya nga ako nandito. You will help me to hide.” pagak naman tumawa si Amara. “at tingin mo tutulungan kita this time after ng ginawa mo kay Brent.” tumawa naman tumayo si Tamara at tumayo lumapit sa kanya habang hawak ang isang cellphone. Namula sa galit ang mukha ni Amara ng iharap nito ang phone sa kanya at makita nya ang malalaswang picture nito kasama si Zian. Gusto nyang makapanakit habang isa isang ini slide ng kapatid ang ibat ibang picture nito kasama si Zian. Hinablot nya ang phone nito ng i play nito ang isang video habang ka s*x rin nito si Zian. Binato nya iyon at nagkadurog durog ang phone. Nakakaloko naman tumawa si Tamara. “Okay lang may back up naman ako ng lahat ng yun. Balak kong i send sa headquarters nyo at sa Website ng organisation ng beauty pageant na sinalihan mo. Ano kaya mang yayari sa buhay mo this time. Im sure para ka nanaman nasa roller coaster.” ngisi ni Tamara. “Go ahead do it pero titiyakin ko sayo na this time ako mag papakulong sayo.” mula sa bulsa sya naman ang dumukot ng phone at tumawag ng pulis. “Hello. I found Tamara Wakefield nasa bahay ko sya ngayon this Amara Wakefie——— nagulat si Amara ng bigla syang sampalin ni Tamara na di nya inaasahan kaya galit na binitawan na nya ang phone. Sagadna sagad na ang pasensya sya rito kung noon tinuruan sila ng parents nila na matutong mag patawad sa isat isa kapag nag aaway sila dahil magkapatid sila at kambal pa. Iwasan daw nilang mag away dahil sila ang dapat na mag kakampi pero kapag ganito naman ang attitude ng kapatid mo paano ka pa makakapagtimpi. Ang tagal nyang nag timpi at nag pasensya pero ngayon tama na. Papalasap nya rito kung paano sya totoong magalit. Tingnan lang nya kundi ito mag tanda. Nag pagulong gulong silang dalawa sa pag sasabunutan. Hindi sya makabuwelo dahil di naman sya sanay sa sabunutan. Mas sanay sya sa suntukan at barilan. Kaso malas nito mas na train sya kesa rito kaya kasabay ng pag tuhod nya sa sikmura nito kaya nabitawan sya ni Tamara. Agad nya itong sinapak at tumumba ito sa sahig dahilan para mahirapan na itong bumangon panay ang unggol nalang noon naman lumabas si Zian na parang nag mamadaling lumabas at nagtapis lang ng towel dahil tumutulo pa ang katawan nito ang tubig. Napatingin si Zi kay Tamara na nasa sahig na agad nitong nilapitan ng di na nagalaw ang kakambal mukhang nawalan ng malay sa isang sapak lang nya. “what did you do? Tamara tamara wake up.” wika pa ni Zi na tinatapik sa pisngi ang kakambal. “Bigyan mo ng CPR expert ka dun diba.” inis na sagot nya na dinampot ang cellphone saka susi na nasa center table. “Where are you going.” “Di pa ba obvious.” “Let’s talk.” “Wala tayong pag uusapan Zi. Ayaw na ang babaeng totoo mong mahal kaya tantanan nyo na ako.” “Ang sabi mo iharap ko sayo si Tamara saka ka mag dedesisyon if you can be my girlfriend. Here is our chance si Tamara na ang kusang lumapit.” “At tingin mo talaga bibigyan kita ng chances. Minsan na akong nag kamali sayo tingin mo gusto ko pa rin mag kamali with you. Ano ba tingin nyo sa akin ni Tamara tanga. Go to hell Zian.” sigaw nya rito saka derederetso umalis. Hindi naman sya magawang sundan ng binata dahil naka hubad ito. Di nya alam kung ilang mura ang lumabas sa bibig nya habang sakay ng elevator pababa ng basement. Disoras na ng gabi saan sya pupunta buwisit lang talaga. Pag dating sa basement sumakay na agad sya sa motor nya pero ng kapain nya ang susi malakas syang muling napamura. Maling susi ang nadampot nya pati bag nyang dala kung nasaan ang wallet nya di rin nya nadala. Pababa na sana sya ng motor nya ng bigla mapatingala sa kaliwang bahagi ng basement ng biglang tumunog ang fire alarm kasabay ng malakas na pag sabog na ikinagulat nya at nawalan ng balanse bumagsak sya kasama ng motor nya. Ilang sandali pa dinig na nya ang sigawan ng mga tenant na nang uunaunahan sa pag labas ng condominium building. Agad syang tumayo pero pag lapit nya sa elevator hindi na iyon na gana kaya nag mamadali syang nagtungo sa fire exit kung saan may ilang tenant din ang tumatakbo pababa. “what happened?” harang nya sa isang tenant. “Hindi namin alam basta nakarinig nalang kami ng pag sabog galing sa 16th floor.” dahil sa narinig mas lalong kinabahan si Amara. It was her floor number. Kaya halos liparin nya pabalik ang floor nya. Pag labas nya ng hallway ng floor nya ang kapal ng maitim na usok kaya halos di na makita ang daraanan. Kaya kinailangan pa nyang mangapa at takpan ang bibig at ilong dahil nakaka suffocate ang kapal ng usok. Nakarating nya ang unit nya bukas ang pinto niyon kaya naka ilang sigaw sya ng pag tawag sa pangalan ni Zian at Tamara pero walang tugon na nangyari. Hanggang sa madapa sya dahil sa isang bulto ng katawan na nakahandusay sa flooring ng unit nya ng kapain ni Amara napagtanto nyang hubad ang katawan kaya malakas ang kutob nya na si Zian ito. “Zian! Zian! Zian!” walang tugon galing sa binata. Dali dali nyang inilabas ang phone nya para gamitin flashlight at tingnan ang binata. Wala naman dugo sa parte ng katawan nito pero unconscious. Mahina din ang pulso mabilis nyang inilawan ang ibang parte ng condo nya para hanapin si Tamara pero wala na ito sa sahig na pinag iwan nya kanina. “Tamara! Tamara asan ka.” sigaw nya habang dinadial ang number ni Diego na agad naman sumagot. “Code Red. My unit.” yun lang at pinatay na nya ang call saka nag mamadaling tumayo para iwan muna si Zian at hanapin ang kapatid. Ngunit di talaga nya makita imposibleng naka alis ito sa sandaling oras na umalis sya at naiwan mag isa si Zian na di pa nakakabihis. Malakas ang kutob nyang meron nangyaring nung umalis sya. - - - - - - - - - “Amara.” napabalikwas ng bangon si Zian pero agad din napahiga ng makaramdam sya ng pagkahilo na sinapo ang ulo. “Tumawag ka ng doctor bilis.” narinig nyang turan ng isang tinig. Nang mag dilat sya ng mata unti nyang nakita si Thomas Cliford Bright ang lolo nya ang founder ng underground. Ito ang pangalawang beses palang nya ito nakikita. “Where am i?” “Your here at the hospital. You need to rest hijo.” wika pa nito ilang segundo pa pumasok na ang doctor na tinawag sandali sya nitong tingnan. “Were is Amara?” tanong nya after syang matingnan ng doctor. “How is he Doc.” “Malakas ang apo nyo Mr. Bright. Yung gamot na nakita namin sa dugo nya ay kayang pumatay at mag pabagsak ng elepante pero nakagawang maka survive ng apo nyo in just short period of time. Napaka suwerte mo hijo.” wika pa ng doctor saka nag paalam. “Stay still di mo ba narinig ang sinabi ng doctor.” wika pa ng matanda ng tangkain nyang bumangon. “I need to see Amara.” “Is she okay?” magkasunod na tanong nya. Sa ngayon di pa nya talaga ito kayang tawagin lolo. On process pa rin kasi ang systema nya na meron pala syang sariling pamilya akala talaga wala syang pamilya na matatawag nyang kanya. “Nasa headquaters ngayon ang buong team mo. mamaya pupunta sila dito para dalawin ka sa ngayon mag pahinga ka na muna mukhang malaki ang tatrabahuhin nyo this time.” “Anong ibig nyong sabihin.” “Amara said her twin is missing ng bumalik sya sa unit nya. Ikaw lang ang nakita nya so sa madaling salita planado ang pag kuha kay Amara at pag turok sayo ng tranquillizers para patulugin. Gumawa sila ng maliit na pag sabog para bulabugin ang buong building at mailabas nila ng tahimik ang kakambal ni Amara ng walang nakakahalata.” “Sino ang suspek?” “Sa ngayon wala pang malinaw. Ang mahalaga hindi si Agent x113 ang nakuha but we need to search for her sister.” Napatango si Zian kahit papano nakahinga sya sa kaalaman ligtas si Amara pero yung kaalaman na meron nag plano na kunin si Amara ay hindi nya mapapalampas. Hindi sya na tutuwa na nakuha ay si Tamara tiyak na malaking problema din iyon oras na lumitaw si Amara malalaman ng kumuha kay Tamara na may kakambal si Amara mabubunyag ang pang papanggap nito bilang khassey. “Boss zi.” bungad ng bagong dating kasama ang asawa nito. “Pipay.” Nagbigay galang naman ang kaibigan sa lolo nya. Wala pa itong idea tungkol sa tunay nyang identity. Madalas kasi wala ito sa bansa dahil sa negosyo ng mga ito. Kaya nakakagulat na makita nya ulit ang dating kaibigan na muntik na nyang pakasalan. “Anong meron at nag rerelax ka dito sa hospital. Bet mo tong hospital bed.” biro pa nito. “Kamusta.” bati naman sa kanya ni Lucas na tinapik lang sya sa braso. “Balita ko naka homebase ka na pala kaso napurnada. So anong ganap mo ngayon hero hero.” “Wala ka pa rin kupas pipay daldal mo.” iling ni Zi. “Nag tatanong lang naman ako. Masama ba yun sya payakap nalang saka papisil na din ng muscles.” ngiti pa ni pipay saka dumapa ng yakap sa kanya. “Hoy! kung makayakap ka parang di mo ako kasama ah!” sita naman ni Lucas ngumiti naman nag peace sign si Pipay. “By the way. They are my old friends Pipay and Lucas.” baling ni Zian sa lolo para ipakilala ang dalawang bagong dating. “Hi nice meeting you. Ako si Thomas Bright biological grandfather ni Zian.” “Hello po sir nice meeting you din po. Akala ko putok sa buho tong taong to may pinag mulan din naman po pala.” ani Pipay ngumiti naman ang lolo nya. “Ito nga po pala ang pinakaguwapong nilalang sa buong kalawakan. Ang nag iisang lalaking pinakasalan ko si Lucas Brichmore.” sabay pa silang napangiwi ni Lucas sa intro ni Pipay. Pakiramdam nya lalong sasakit ang ulo nya sa ingay nito. “Brichmore real state corp.” usal ng lolo nya. “I owned that sir. Pleasure to meet you sir.” magalang na bati ni Lucas. “Mukhang mag kaiba kayo ng personality’ng dalawa. It’s good na mukhang masaya naman kayong dalawang tingnan.” wika pa ng lolo nya. “Wala ng katulad ko sa earth lo kaya suwerte nya.” ani Pipay natawa naman si Lucas sabay iling saka nag excuse muna na lalabas dahil nag ring ang phone nito. “Sundan mo baka may babae asawa mo.” ani Zi “Si Kuya ang tumawag wag kang OA. So asan ang malas na babaeng bumihag sa pihikang mong puso. Kelan ko sya makikilala.” bago pa makasagot si Zi cellphone naman ng lolo nya ang tumunog at nag paalam din itong lalabas. Nag patulong sya kay pipay na ayusin ang kama nya at gusto nyang bumangon kahit medyo umiikot pa talaga ang paningin nya. “Ano enough na ba.” tanong pa nito ng maitaas na nito ang bandang likuran ng kama nya para makahiga sya ng nakaupo. “Okay na.” naupo naman si Pipay sa gilid ng kama nya habang inaayos ang unan sa likuran nya para masandalan nya. “Ang baho naman ng pabango mo.” “Hoy! limited edition to ng company ko wag kang panira.” sabay pa silang napalingon ni Pipay ng makarinig ng tikhim. “Amara.” usal ni Zian na biglang sinapo ang ulo na kala mo e hirap na hirap. “Ahh! gets ko na… marunong ka din pala ng ganyan boss z.” ani pipay sabay tayo at nag pakilala kay Amara. “Hi! Im pipay ex fiancee’ ng soon to be husband mo.” “Ha?” “Sorry. Madaldal lang talaga sya.” ani zian. “Ingatan mo ang captain namin. Sumpungin ma n nya pero jackpot ka dyan girl.” “Tama na nga pipay. sundan mo na ang aswa mo. Ligalig mo.” “sus halikan kita dyan e. Beef broccoli and batchoy ang favorite nyang ulam. babye padalahan mo nalang ako ng wedding invitations kapag pakakasalan ka nya.” wika pa nito saka humalik pa sa pisngi ni Amara na feeling close pero malakas ang kutob nyang may ibinulong ito. “what did she said? kung ano man yun wag kang maniwala sa kanya baliw ang babaeng yun. Mukha lang syang sosyal pero baliw yun.” “She said. Ako lang ang nag iisang babae na nag paiyak sayo. Na mahal mo ako noon pa.” natememe sandali si Zian. “Minsan nag sasabi naman sya ng totoo kapag nag sabi sya ng totoo ibig sabihin totoo talaga yun.” wika ni zian. “Tamara is missing. Would you like to help me find her.” sandaling nakipagtitigan sj Zian kay Amara saka tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD