Takas

2321 Words
May tama ng bala sa likod si Amara after ng shoot out at black mission nila. Sinamantala na nya na busy si Joseph sa pag aasikaso sa pag papaligpit ng 3 mag kakaptid na gumawa ng gulo. Habang busy ito sa pag tugis sa 3 mag kakapatid lingid sa kaalam nito na tinulungan nyang makatas si Chlodette Santillan at isang matandang babae. Nakita nyang magaling ito sa baril na laman din nyang batchmate ito ni Zian noon kaya agad na syang sumalisi ng alis at rumadio sa headquarters na pasukin na ang bahay ni Joseph habang wala sila. Dahil na plano na nya lahat ika nga sa kasabihan matalino man ang matching mapaglalalangan din. Na titiyak nyang million million ang nawala kay Joseph ng pasabuhin nila ang underground hideout nito. May ilang document din silang nakuha na nag tuturo sa isang Angelo Ricafort. Gawaan ng pekeng pera ang nasa underground basement ni Joseph habang sa kabilang bahay ay pinakawarehouse naman ng mga ecstasy na iba ibang uri. Gaya ng mga sop nila hindi nila sinasamsam ang mga ibedensya dahil sila na mismo ang sumisira ng ebidensya para wag ng magamit o mabawi pa ng mga protektor ng mga hinuhuli nilang mga kriminal. Bukod sa pangalan Angelo Ricafort meron pa silang nakuhang lumang litrato na nakaipit sa isang files na kinuha nila. Picture iyon ni Alvaro aka Quatro kasama ang isang binatilyo. Palaisipan sa kanila kung sino ang binatilyo kasama ng isang druglord at serial killer na si Quatro. - - - - - - - - - - “Napasok tayo ng isang spy mga bugok kayo mga gago.” malakas na sigaw ni Angelo. “At ikaw anong balak mo? Million million na halaga ang nawala sa atin at kampante ka lang dyan.” angil pa ni Angelo sa anak na naka upo lang sa mahabang sofa katabi si Alona. “Sigurado ka bang hindi yung pangit na katulong mo ang spy. Joseph? Sa tagal tagal na natin nag ooperate ngayon lang may naka diskubre ng tungkol sa basement manufacturing natin.” seryosong tanong ni Rupert. “Napatay sa engkuwentro boss si simang dahil dun sa 3 magkakapatid. Ang totoo boss si Rene ang nag traidor sa atin hindi sya spy pero mukhang binalak nyang pasukin ang basement nahuli lang sya ni Simang.” paliwanag ni Joseph. Kumunot ang noo ni Ruppert na tumayo. “Asan si Rene ngayon.” “Napatay po sya ni Simang boss. Di ko na nasabi sa inyo at naging sunod sunod ang transaction natin at dumagdag pa yung 3 mag kakapatid.” “Kaya pala di ko na kikita ang taong yun.” napakuyom ang kamay na wika ni Ruppert. “Probably na ang sumunog sa basement ay ang mga taga underground na pumatay sa kapatid mo. Ruppert ibig sabihin kumikilos na ulit sila para hanapin tayo at i eliminate. Hindi na tayo puwede mag padalos dalos. Kailangan natin mag double ingat bago mabulilyaso ang lahat at masayang ang mga sinakripisyo ng kuya mo.” mariin na wika ni Angelo. “Patayin mo lahat ng tauhan mo na nakakakilala sa amin ni Dad. Wala kang ititira maliwanag Joseph.” “Yes boss.” sunod agad ni “Nakakatiyak ka ba na walang makukuha clue ang mga taga underground na lead para mag lead sa amin ni Ruppert. “Wala sir puro ducoment at mga unknow name lang ang makukuha nila sa mga files sa basement.” “sigurado ka ba?” “yes sir. Sige na umalis ka linisin mo ang inuutos sayo ni Ruppert. Wala kang ititirang buhay na iintindihan mo ba.” tumango saka nag mamadaling umalis. “Diether.” tawag ni Ruppert sa isang tauhan na nasa malapit sa kanila na agad na lumapit. “Sumama ka kay joseph. Tiyakin mo mapapatay lahat ni joseph ang tauhan nya at make sure na pati ai joseph mamatay. Walang lugar ang mga tanga at bobo sa grupo ko.” malamig na wika ni ruppert na agad na sinunod ng tauhan nya. “Let’s ko Alona. I need to relax pa don’t worry ako na bahala sa lahat.” paalam ni Ruppert saka umalis kasama si Alona. Palabas na sana sila ng mansion ng ama ng isang tauhan ang humahangos na lumapit kay Ruppert saka may binulong. Pag karinig agad na bumitaw si Ruppert kay Tamara. “Umuwi ka na.” “Saan ka pupunta?” habol pa ni Tamara. “It’s none of your business.” saka nag mamadaling umalis. Inis na napakuyom ng kamay si Tamara. ****** “capt. daig mo pa ang pusang di ma paanak. Sabi ni Chief okay lang daw si Amara kaya relax okay.” After ng black mission agad na silang dumuty at Britany’s bodyguard na parang walang nangyari. Gustong gusto nyang puntahan si amara sa hospital pero lalabag sya sa rules ng mission nila. Mapapahamak din si Amara kapag ginawa nya iyon. Alam nyang may tama ito ng bala sa shoot out ng tumakas ito para i raid naman ang basement ni Joseph. If he has a choice kung puwede lang yayain na nyang umalis si Amara sa underground. Pakiramdam nya kahapon sya ang unang mamatay habang malikot ang mata nya kakahanap kay Amara kung okay lang ba ito o hindi. He can’t afford to lose her. Di nya alam kung anong mangyayari sa buhay nya kapag nawala ulit ito sa kanya. Hindi rin naman nya gusto na bumalik sila sa square one kung ipipilit nyang makita ito ngayon tiyak na magagalit ito maging ang chief nila. And worst baka yung nasimulan nilang bago kalimutan nanaman nito at mahirapan nanaman syang paamuhin ito. “Are you really sure that she’s all right?” “Oo sabi Capt and beside kasama naman nya si Daniel doon.” pang aasar pa ni Diegs pero wala syang pakialam. Naka homerun na sya at kahit anong gawin pa ni Daniel di na sya nito mahahabol at wala din itong pag asang makahabol. “It looks like na parang kumpiyansa ka na ngayon ah.” ngisi ni Diego. Huminga ng malalim si Zian na nilingon si Diego. “Amara will surely love me again at wala syang ibang lalaking mamahalin kundi ako lang. Bare that!” siguradong sagot ni Zian. Ngumisi naman si Diegs. “Sabi mo eh pero masaya ako makita ulit si Amara na naging makulay na ulit. Nakita mo naman siguro ang naging pag babago nya ng masaktan sya kay Brent at mawala pa ang baby nyo kaya sana lang ingatan mo na sya this time dahil wala ng pangatlong pag kakataon capt.” ani Diegs huminga naman ng malalim si Zian. “I will.” “i heard bumalik na si Khassey.” bungad ni Britany na lumabas galing opisina ng ama nito. “Yes! maam she’s in the hospital right now. Meron nag tangka sa buhay nya.” “Really diba meron syang mga bodyguard? na dating mga kasama nyo.” “She’s a hard headed tinakasan nya kaya nalagay sya sa alanganin but she’s fine.” “I want to see her alam nyo ba kung saan hospi——— “Right this way maam.” mabilis na wika ni Zian na agad pang inalalayan si Britany na kulang nalang kaladkarin ang amo. Lihim naman natawa si Diegs sa ikinilos ng captain nila sa kagustuhan nitong makita si Amara. Nagulantang naman napatayo bigla si Daniel sa pag kakasubsob ng tulog sa gilid ng hospital bed ni Amara ng may sumipa sa paanan ng silyang inuupuan nya. “Capt.” saludo bati naman ni Daniel na ipinilig pa ang ulo ng makita si Diego at sya na nakatayo sa tabi. Nag dilat na din ng mata si Amara at kumunot ang noo ng makita sila. Pasimple nya itong pinandilatan. Napatingin naman si Amara ng makitang hawak pala ni Daniel ang kamay nya na di nya namalayan. “Ay sorry.” wika naman ni Daniel na bumitaw ng maramdaman na hinila nya ang kamay nya rito. “Hey! Where have you been?” bati ni Britany na akala mo e close sila. “Alam mo bang usap usapan sa dressing room. na nag pa abort ka ng bata kaya ka nawala bigla bigla.” “Kung wala din magandang lalabas sa bibig mo umalis nalang tayo maam.” biglang wika ni Zian na hindi itinago ang galit sa mukha na nilingon ang amo. Halata naman na offend si Britany. “Sinabi ko lang naman kung ano yung na ririnig ko. No offense mean kung di naman totoo no need to freak out.” “Pakisabi sa mga circle of friends mo hindi ako buntis para mag pa abort. Kung buntis man ako wedding invatation ko agad ang ipamumudmod ko sa inyong lahat.” “Well sinabi ko rin naman sa kanila na paano ka mabubuntis e wala ka naman boyfriend diba. Ano yun tumor na basta nalang tumubo sa uterus mo.” biro nitong tumawa pa. “Hello sir goodmorning permission to leave sir!” parepareho silang napatingin kay Zian na katabi ni Britany. “I will not longer be Britany Martinez Bodyguard… I insist sir.,: then considered me resign effective immediately… i will report after this day.” “Capt. nag bibiro ka lang diba.” shock na tanong ni Diego. “ano bang problema mo. Akala mo kung sino ka., im trying to be nice sayo pero bakit kung maka asta ka akala mo kung sino ka. Hoy! Binabayaran lang kita bodyguard lang kita. Baka nalilimutan mo kung sino ako Zian.” naka pamewang na wika ni Britany. “Naloko na.” bulong ni Daniel. “Diegs paki labas muna si Zian.” malamig na utos ni Amara. Sumangayon naman si Diego na niyaya ang binata na lumabas na sumunod naman pero pulang pula na ang mukha nito na halatang nag titimpi lang talaga. “Gusto mo ng peace of mind. Bibigyan kita..” panimula ni Amara. “Yes. minsan na akong nabuntis. I lost my baby dahil sa katangahan ko. Wala akong boyfriend pero may ama ang baby ko na nawala sa akin. And still he was with me all the time. Okay na ba will you keep your mouth shot o gusto mo pa ng proof. “ewan ko sa inyo bakit ba ang sesensitive nyo. siguro naman past na yun. Move on na girl pati si Zian nagagalit, Pagaling ka na para makabalik ka na sa pageant. And Rupert still looking for you.” wika pa nito bago tuluyan ng nag paalam. “Tingin mo nag backout na talaga si Capt.” tanong ni Daniel. Umiling sya saka inutusan na silipin sa labas si Zian kung sumama pa ba ito paalis kay Britany. Tumalima naman si Daniel na lumabas saglit halos inabot ata ito ng 30 minutes bago bumalik pag balik ni Daniel kasama na nito ang lolo ni Zian na seryosong tumingin sa kanya. Parang may idea na sya kung ano kailangan nito. “Daniel, Maari mo ba muna kaming iwan ni Amara.” sumaludo naman si Daniel saka nag paalam na lalabas. Bumuga pa ng hangin si Mr. Thomas Bright ng lumapit sa kanya. Matanda na ito at puti na lahat ng buhok pero yung tikas ng tayo nito at nag uumapaw na authority na kung mahina hina ang loob mo kakabahan ka idagdag pa yung paraan ng pag titig nito na parang sinusukat ang buong pagkatao mo. “Hindi ko alam kung kilala mo na ng lubos ang apo ko hija dahil ako hindi pa rin talaga dahil ayaw nyang umuwi sa bahay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin sya sanay na tawagin akong lolo na kami ang totoo nyang pamilya at di ko sya masisi sa bagay na iyon dahil sanggol palang naman sya ng mawala sya sa amin.” simula ng matanda. “Alam kong kalabisan itong hihilingin ko at posibleng ikagalit rin ng apo kung malalaman nya at mag susumbong ka sa kanya.” hindi sya umimik nakikinig lang sya sa matanda. “Gusto kong tangihan mo si Zian. Hayaan mo muna na makasama namin sya. Alam ko mas pipiliin ka nya over me kaya di ko sya papipiliin. Kaya sayo na ako makikiusap. Wala naman siguro kayong relasyon hindi ba.” hindi makasagot si Amara. Wala silang napapag usapan pero ano nga bang level ng relationship nila ni Zian. “At tatapatin na rin kita ng makita namin muli ang apo ko. Nakapangako ako sa Ama ni Britany na ipagkakasundo namin ipakasal ang mga apo namin pero ikaw ang gusto ng apo ko at ayoko sanang maging kontrabida sa buhay nya. Sya nalang ang natitira kong bloodline. Kung ipapakita kong tutol ako sayo natitiyak kong magagalit sya and worst baka iwan nya ang lahat at piliin ka. Ganun ba sya kamahal ni Zian para gawin nito iyon. “Kaarawan nya sa susunod na linggo. Formal ko na syang ipakikilala bilang apo ko. Gayun din ang magiging engagement nila ni Britany. Hihilingin ko sana na kausapin mo si Zian para layuan ka na nya. Make him broke his heart para layuan ka nya at magalit sya sayo.” gusto nyang magalit sa suggestion nito. “Paano kung di ko gawin ang gusto nyo.” “Your team will be dissolve at ipakukulong ko kayong lahat for letting Diamond Da Silva go. Masisira ang buong underground.” pagak na tumawa si Amara. “E paano kung sabihin ko kay Zian ang ginagawa nyo.” mula sa bulsa inihagis nito ang buong family picture nila Amethyst. Kumunot ang noo Amara na napatingin rito. “Anong binabalak nyo sa pamilya ni Maam Amethyst.” “Sa ngayon wala pa pero naka depende sayo kaya pag isipan mo hija ang sinabi ko. Wag mo sana isipin na masama akong tao o lolo. Gusto ko lang makasama ang apo ko at mailugar ko sa ayos ang lahat bago man lang ako mawala sa mundo kaya sana matulungan mo ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD