Bare the pain

2391 Words
“Sinunod ko ang request mo so paano naman ang request ko.” tanong ni Tamara. Hindi sya makapaniwala na lumapit syang muli para humingi ng tulong rito. Noon humingi rin sya ng tulong rito para maagaw si Brent kay Amethyst sa mismong araw ng kasal ni Amethyst. Nagawa nyang saktan ang kaibigan na labis na nyang pinag sisihan kahit hanggang nagyon. Ang utos lang naman nya mag mukhang may nangyari rito at kay brent dahil ng mga panahon na iyon may kutob na syang buntis sya kay Zian. Magulong magulo ang utak nya noon. Hindi sya makapag isip ng tama kaya lahat ng desisyon nya magulo. Kaya binalak nyang ipaako kay Brent ang pinag bubuntis nya noon kahit ikagalit ng mga kaibigan nya. Ngayon heto gumagawa nanaman sya ng gulo na di nya akalain na gagawin nya ulit. Alam nyang muling magagalit sa kanya ang buong team nya pero ito lang ang naisip nyang paraan para di malagay sa alanganin ang mga kaibigan nyang minsan na nyang di inintindi. “670314.” tukoy nya sa password ng condo ni Zian. Ngumisi naman si Tamara na inabot sa kanya ang USB na inutos nya. “Byeeee sister.” anito na tumalikod na nag panggap itong nurse. Kahapon after umalis ng lolo ni Zian naging bisita nya si Ruppert kung maka asta ito kahapon akala mo e nobyo na kay tagal na di sya nakita. Niyakap pa sya nito ng mahigpit di nalang sya kumibo dahil lumilipad pa rin ang isip nya sa sinabi ng lolo ni Zian. Hanggang sa umalis si Ruppert wala syang na intindihan sa mga sinabi nito. Minutes later pumasok ang kakambal nya. Tiniyak muna nito na sya lang mag isa sa kuwarto nag panggap itong nurse. Nalaman nyang mistaken identity talaga ang nangyari. Sya daw talaga ang pakay na kunin ng dumukot rito pero di daw nito nakita ang mukha ng tumangay rito. Nakatakas lang daw ito dahil sa tulong ng grupo ni Joseph kaya bilang kapalit daw mag tatrabaho ito sa grupo ni joseph. Inabot ni Amara ang phone nya saka ipinalsak ang OTG. Agad nyang pinatay ang phone ng mag simula ang video pero huminga lang muna sya ng malalim bago muling pinanood nag kabit muna sya ng headset. Alam nyang masasaktan nya si Daniel sa ginawa nya pero iyon lang naisip nyang paraan. Tamara had s*x with Daniel last night. Si Daniel ang nakatalaga para bantayan sya habang nasa hospital sya. Habang nasa banyo si Daniel ng gabing yung pumasok si Tamara at palihim silang nag palit ng puwesto. Napatunayan nyang may gusto nga talaga sa kanya si Daniel. Sa simula nag uusap lang ang mga ito nag tatawanan. Kuhang kuha ni Tamara lahat ng gesture nya. Nagagawa talaga syang gayahin ng kakambal kaya ni hindi nag ka idea si Daniel na iba ang kausap nito. Sandaling nag excuse si Tamara at pumasok ng banyo na inalalayan naman ni Daniel dahil nga nag papanggap si Tamara na may tama ng baril sa likod. Nag intay si Daniel sa labas ng banyo pero ng sumigaw si Tamara. Agad agad na pumasok si Daniel ng banyo. Maayos naman na iinstall ni Tamara ang camera sa lugar na kita ang mga ito na hindi mapapansin ni Daniel. Doon na nag simula ang plano. Si Daniel ang unang humalik kay Tamara. Nagalit pa kunwari ai Tamara at sinampal si Daniel pero ng halikan ulit ito ni Daniel sa una nanlalaban pa pero sa huli bumigay na rin. Napapikit sya sandali malinaw na may nangyari talaga kay Daniel at Tamara sa loob ng banyo with their clothes on. Ibinaba lang ni Daniel ang pant nito habang si Tamara naman ay iniupo lang sa ibabaw ng lavatory counter at hinubad lang ang underwear at doon na nangyari. Bilang kapalit ng ginawa ng kapatid. Hingi nito ang password ng unit ni Zian dahil pinalitan na daw ni Zian ang password nito kaya di na ito makapasok. Na mimiss na daw nito si Zian kahit masakit pikit matang pumayag sya. Alam nyang makikilala ito ni Zian at bahala na si Zian kung mag papadala ito sa tukso ni Tamara o mananaig yung sinasabi nitong pag mamahal sa kanya. ******* “Ano yan?” kung nakakabasag ng eardrum ang malakas na sigaw ni Rodney baka basag na ang eardrum nila ni Daniel. Kasalukuyan na magkayakap at nag hahalikan sila ni Daniel. Nakita kasi nya mula sa maliit na bintana ng pinto nya na papasok ang mga kaibigan. Dinig din nya ang tawanan ng mga ito. Si Daniel naman ay inaayos ang unan sa likod nya kaya easy access. Bigla syang yumakap sa batok nito at hilakan ito sa labi bagamat nagulat si Daniel. Hindi naman ito kumibo instead gumanti ito ng halik sa kanya na di na nya ikinagulat. Parang kidlat na biglang lumipad si Zian at nahablot si Daniel. Pinag susuntok nito si Daniel pilit naman nyang sinasaway ang dalawang nag susuntukan na talaga habang pilit din pinag hihiwalay ni Diegs at Rod. “Zian ano ba tumigila ka na.” malakas na sigaw nya pero parang walang na ririnig ang dalawa. May dumating na ring mga nurse na mukhang narinig na ang kaguluhan sa kuwarto nya. Pinilit nyang bumaba ng kama at napangiwi pa ng kumirot ang sugat nya sa likod. Buti nalang inalis na ang dextrose sa kamay nya kaya malaya syang nakalapit sa mga ito at naki awat. Nagawa naman ng ilock ni Diegs at Rod sa leeg ang dalawang nag wawala parehas ng duguan ang mukha pero dehado si Daniel na mas napuruhan habang si Zian ay ilong at kilay lang ang dumudugo. “Gago ka! Humanap ka ng babae para sayo.” sigaw pa ni Zian. “Ikaw ang humanap ng babae para sayo gago. May nangyari na sa amin ni Amara. She let me have her last night.” sigaw ni Daniel. Natigil sa pag wawala si zian at shock na napalingon sa kanya ganun din si Rod at Diegs. “Tell him Amara.” sigaw pa ni Daniel. Napalunok si Amara na napatingin kay Zian bakas na bakas ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Napayuko pa sya dahil di nya kayang tingnan ito ng matagal lalo pat nakita nyang na ngilid ang mga luha nito na itinulak si Diegs. “Totoo ba?” mariin na tanong ni Zian sa kanya. Hindi sya sumagot. “Putang i** Amara! Sumagot ka.” sigaw ni Zian. “Wag mo syang sigawan wala kang karapatan.” sigaw naman ni Daniel. Pagak naman tumawa si Zian na humarap muli kay Daniel pero alerto naman si Diegs at rod na humarap. “Karapatan? Yeah.. Ano nga bang karapatan ko ha Amara. Wala! Wala talaga akong karapatan pero putang *** naman 11 years Amara. 11 years akong nag intay.” sigaw ni Zian na di na napigilan pumiyok. “Lumaki akong walang pamilya pero ng makilala kita. Na ngarap na akong bumuo ng sarili kong pamilya with you. Nag intay at nag intay at nag intay ako sayo ng paulit ulit.” huminto na sa pag sasalita si Zian dahil tuluyan na itong humikbi kaya di na rin napigilan ni Amara ang pumatak ang luha. “Alam mo bang hindi lang ikaw ang marunong masaktan Amara. Hindi lang ikaw ang may puso. Tao din ako Amara. Nung mawala ang anak natin hindi ko mabilang kung ilang beses kong hiniling sa langit na ibigay nalang sa akin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pinili kong mag mukhang tanga na pasunod sunod sayo sa loob ng 4 na taon. Pinili ko na magalit ka sa akin para malimutan mo yung sakit ng mawala ang anak natin dahil kahit dun man lang mahatian kita ng sakit na dala dala mo pero bakit naman ganito.” huminga ng malalim si Zian saka tumingala para pahintuin ang pag patak ng mga luha na ayaw ng mag paawat. “Ayoko na! Suko na ako… im not choosing you anymore. Sapat naman na siguro yung 11 years to let you go. Huuuuuu fu*k.” mura pa ni Zian saka hinawi na ang mga naroon na puro natahimik nalang lahat ng tuluyan ng makalabas si Zian. Ang mahinang hikbi ni Tamara ay unti unti lumakas. Gusto nyang igalaw ang paa nya at sundan si Zian pero di na nya magawang kumilos. “Susundan ko lang si Capt. Kayo na muna bahala kay Amara.” wika ni Diegs naramdaman pa nya ang pag tapik ni Diegs sa ulo nya. Hinagod naman ni Rod ang likod nya. Nakatayo lang si Daniel sa harapan nya hindi ito kumikibo. “Huling iyak mo na yan Amara dahil kapag umiyak ka ulit ng ganyan sa susunod baka di na kita pakawalan.” wika ni Daniel na naramdaman nyang umalis na din. - - - - - - - - - Dahil matagal syang nawala sa mga rehersal ng Binibining Pilipinas nag solo training sya mula umaga hanggang Gabi. Nag decide ang underground society na bumalik sya ng pageant dahil meron silang nakuhang isang pangalan na possibleng makatulong sa hinahanap nilang tao. Si Eleanor ang pageant coordinator. Nang hanapin nila ang pangalang Angelo Ricafort. May ilang pangalan ang lumabas na meron same na apelido. Si Eleanor Hermosa Ricafort. Hindi nya alam na Ricafort pala apelido nito kung di pa nya nakita ang mukha nito sa files nila nya iisipin na ito si Eleanor Ricafort. May police record ito pag patay sa asawa ang na dismiss nitong kaso. Ayon sa report napatunayan na wala itong kasalanan sa pagkamatay ng dating asawa. Patay na ang Angelo Ricafort sa files na lumalabas na ama ni Eleanor Hermosa. Kay Eleanor sila mag sisimula kung bakit connectado ang pangalan ng ama nito sa negosyo ng ano ni Joesph. ibig sabihin mag kakakilala ang mga ito at posibleng kilala din nito ang taong hinahanap nila. Halos di na sya matulog kakahanap ng clue sa mission na tinatapos nila. Literal nyang pinapagod ang sarili para deretso na ang tulog nya kapag nahiga na sya. Usually umaga na sya natutulog karaniwan 1-2hrs nalang syang natutulog bagay na ikinagagalit na ni Rod at Daniel pero walang magawa ang mga ito. Hindi na muling na ungkat ang tungkol sa pag aakala ni Daniel na may nangyari sa kanila. Back to normal ang routine nila bodyguard nya ang dalawa si Diego naman ay kay Britany pero si Zian hindi na nila nakita. Nag awol daw ito at di malaman kung saan nag punta. Pero nag sabi daw ito sa lolo na babalik ito aa araw ng birthday nito na inihahanda ng husto ng pamilya ni Zian. Wala na syang naging balita kay Tamara kung anong nangyari. Sinubukan din nya itong hanapin pero kung sa taguan rin naman talaga napakagaling ng kakambal nya. “Excellent Ms. Pasig, Hindi na ako magugulat kung makakasama ka sa top 3.” papuri ng nag tatrain sa kanya. Matipid lang syang ngumiti saka nag excuse para sa water break. “Have you heard the news? nagulat talaga ako until now di pa rin ako makapaniwala. Shocks talaga.” wika pa ni Britany na tumabi sa kanya habang may hawak na bote ng mineral. Hindi nya ito pinansin dahil alam na nya kung anong tinutumbok nito. “Bakit di mo man lang sinabi sa akin na bigatin pala ang head ng security mo before. Akala ko puro guwapo at yummy lang sila. Yun pala Zian Gatchalian is actually Lolo thomas only heir and grandchild.” ngisi pa nito na waring kilikilig. “Kung alam ko lang si na sana ako nag sayang ng oras. Sana pala noon palang pinikot ko na sya pero well tadhana naman na ang tumulong sa akin.” ngisi pa nito sabay bundol sa siko nya. “Di ko sure kung invited ka bukas para sa birthday party ni z pero para di ka na magulat. Sabihin ko na din. Ipapakilala na ni lolo thomas si Zian sa buong mundo bilang nag iisa nyang tagapag mana and also our engagement.” wari kinikilig pa nitong sabi. “Congratulations then humayo kayo at mag pakarami.” ani Amara na nag antanda ng krus sa hangin saka tumalikod na bago pa sya mapikon rito. ****** “Wala naman siguro masama kung sasama ka sa akin sa dinner diba? and beside di ko naman pinag babawal ang mga bodyguard mo na isama natin.” ani Rupert ng puntahan sya nito sa hotel kung saan sila naka check in nila Rodney kasama ang ibang kandidata para sa isang pictorial na katatapos lang. “Okay fine pero saglit lang tayo ha.” napilitan ng sagot nya. Tuwang tuwa naman inalalayan sya nito na tumayo mula sa pag kakaupo nya. “May restaurant naman dito bakit lalabas pa tayo.” tanong nya habang nag lalakad na sila kasunod sila Daniel at Rodney. “Mas maganda yung ambience na pag dadalhan ko sayo dito sa tagaytay im sure your going to like it.” Palabas saktong labas nila ng elevator bumukas din ang kabilang elevator at iniluwa si Zian at Britany sa likod ng mga ito si Diego. Sandali nyang tiningnan ang mga ito at nag panggap na wala syang pakialam sa mga ito. Ngunit bago pa sila tuluyan makalabas ng hotel. Pinigilan sya ni Zian sa braso saka hinila sya pakaladkad. Agad naman sumaklolo sila Rod at Daniel pero nag labas ng baril si Zian ng nasa parking na sila. Na alarma naman si Amara ng biglang nag sulputan ang napakaraming tauhan ni Ruppert na senenyasan nito. “Zian! Ano bang ginagawa mo.” sigaw ni Britany. “Wag kayong makikialam.” banta pa ni Zian na balak sana syang ipasok sa kotse na binuksan nito pero ng makita nya na meron red dot sa noo ni Zian. Mabilis nya itong siniko sabay harap at tinuhod ito sa harapan kaya napangibit itong napaluhod habang sapo sapo ang harapan. “Sa susunod. Piliin mo ang babaeng tataluhin mo.” aniya sabay talikod agad naman dinaluhan ito ni Britany lalapit sana si Diego kay Zian ng harangin nya ito at pasimpleng may sinabi. “11 O’clock my sniper si Zian ang target.” bulong nya kay Diego saka ito nilampasan. “Ayoko ng lumabas rupert nawalan na ako ng gana. Let’s go back Rod Dans..” malamig na wika ni Amara saka sinabihan ang dalawa na balikan si Zian at tiyakin na ligtas itong makakaalis.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD