Chapter 3

1276 Words
I just found myself running away. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila after tanungin ni Wayne si Juliet.   Ni wala akong idea kung anong sinagot niya.   I just ran. I don't know why? Pero parang ayoko ko nang makita pa 'yung susunod na mangyayari o kahit na marinig pa 'yung sagot ni Juliet.   I'd rather be alone than to watch them being romantic. Nakarating na 'ko sa parking lot.   "Look who's here guys." Napatingin ako sa pwesto ng nag-salita.   Napairap ako. This b***h, Kristine!   "Let me guess. The lonely girl... being so dumb stupid, watching her best friend with someone else more special than her." Mataray na sambit ni Trisha. Hindi ko na sila pinansin at nilaktawan nalang.   "And acting like she's not affected even if it hurts. Poor little girl." Sigaw ni Kristine na parang nang aasar.   Napahinto agad ako. I looked back at lumapit sa kanya. "And you. Let me guess who are you... A desperate girl. Seeking for attention, pretending to be something she's not, and loves describing herself in the reflection of others. Am I right b***h?" Akala niya hindi ko siya papatulan? Kunwari pa siya! Siya nga 'tong may gusto kay Wayne ever since. 'Di lang niya matanggap na hindi siya 'yung tipo ni Wayne.   Yung itsura niya na parang nag-iinit na yung ulo. How funny! "Who are you to said that?"   Tinaasan ko siya ng kilay at iniangat 'yung ID ko. Iniharap ko iyon sa kanya. "Stacy Michelle Villafranca. Now if you don't mind, I shall go."   Tumalikod na 'ko at dali daling nag-lakad.   "f**k you!" Sigaw niya nang makalayo na 'ko.   I smile. "Thank you!"  Sigaw ko. Pang- asar lang syempre.     Nang makarating na 'ko sa kotse ko. Bigla nalang ulit akong nakaramdam ng lungkot.   Tahimik na naman. Naalala ko nanaman 'yung kanina.   Ano na kayang nangyayari do'n?   Napailing-iling ako. Hindi dapat ako nag o-over think. Okay. Huminga ako nang malalim. Bago ini-start 'yung engine.     ~     Nang makarating ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko.   Kinuha ko agad 'yung laptop ko at agad na nanuod ng MV ng BTS. Yung blood sweat & tears.   Isa 'to sa mga ginagawa ko para malibang ako at hindi masyadong mag- isip at makungkot.   Pag-nakakanuod kasi ako ng video nila parang kahit papaano nagiging masaya ako.   Pero after no'n may mga bagay din akong nare-realized kasi after kong manuod tahimik ulit, malungkot nanaman 'yung paligid ko.   Napapangiti nalang ako kada tatapat kay V 'yung camera. Siya talaga pinakabias ko rito.   "Hi!" Napa-angat 'yung ulo ko nang biglang may pumasok sa kwarto ko.   "Alexa anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Jusko! Kaya nga may pinto diba? 'Didn't she know how to knock? Ugh I remember the line of Olaf from frozen. Oh I love Olaf! Ang cute niya.   Hindi niya sinagot 'yung tanong.   "Oh my God! Jimin's so hot." Bigla 'kong sinara 'yung laptop ko at tinignan siya nang masama.   Napatingin siya sa'kin at nag pout. "Damot neto."   "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Tsaka hello! Uso pong kumatok." Sambit ko.   Bigla siyang ngumiti. "Mangongopya lang ako ng notes. Pwede ba?"   "'Yan diyan ka magaling eh. Kunin mo do'n sa bag ko."   Mas lalong lumawak ngiti niya. "Yes thanks. The best ka talaga."   Napairap ako. "Last mo na 'yan tanga!"   "Ay grabe siya oh." Umupo siya sa kama ko after makuha 'yung notes.   "Oh ano pang kailangan mo? Baka gusto mo rin ng ballpen."   Nag pout siya at umaktong nag iisip. "Hmm.. Pwede ba?"   Binatukan ko siya. "Estudyante ka ba talaga?" Sarcastic kong tanong.   Tumawa naman siya. "'To naman joke lang, makikibalita lang ako sa'yo tungkol sa nangyari kaninang surpise chuchu na sinasabi mo."   Inirapan ko siya. "Ang tsismosa mo talaga noh."   Tiningnan niya 'ko nang masama. "'To naman! 'Di ba pwedeng concern lang? Alam mo namang number one supporter ako ng tandem niyo."   "Kulit mo rin eh noh. Mag-kaibigan lang kami. No more. No less."   Ngumiti siya nang kakaiba. "Sus. 'Wag mag salita nang tapos."   Sabi niya nang may pang-asar na tono ng boses.   "Hindi ako nag-sasalita nang tapos. Shut up kana nga lang."   Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok.   "Pasok." Sigaw ko.   "Ma'am si Mr. Wayne po nasa baba. Hinihintay kayo."   Nagkatinginan kami ni Alexa. Kakaibang ngiti nanaman ang bumalot sa mukha niya. Aba buti pa nga tong si Wayne 'di basta basta dumi-diretso sa kwarto ko. Di kagaya ng iba diyan!   "So.. I think I better go now. Baka maka abala pa 'ko. Bye!" Sambit niya nang may kakaibang tono at saka kumaway.   Bigla nanaman akong nakaramdam ng kaba. Ugh! Wayne! Ano bang ginagawa mo dito?   Binusted ka ba at kailangan mo ng kadamay? Oh come on. I'm not the right person.   Hindi nanaman ako mapakali. Chineck ko agad yung itsura ko sa salamin.   Mukha na 'kong Haggard, pero tss! Ayos na 'yan.   Sanay naman na siya sa mukha ko eh. Kahit nga bagong gising minsan nakikita niya 'ko. Pero! Bakit gano'n? Bakit parang habang tumatagal nagiging conscious na 'ko pag dating sa kanya? Bakit?!   Tss! Hinga nang malalim Stacy... Buga.   Okay. Okay na 'to.   Lumabas na 'ko ng kwarto ko para puntahan na siya. Natanaw ko agad siya sa baba.   "Oh napadpad ka nanaman dito?" Tanong ko nang medyo malapit na 'ko sa kanya.   Agad siyang tumayo at lumapit sa'kin then he end up hugging me.   "Thank you. Thank you! Sobrang thank you talaga."   Kumalas siya sa yakap habang hawak pa rin 'yung dalawang mag kabilang braso ko.   Mukhang alam ko na 'to, at mukhang ayaw ko na marinig yung sasabihin niya, pero wala eh. Kaibigan niya 'ko. My role is to support him and listen.   "Ba't ka nag tha-thank you?"   Naiilang ako sa mga matang nakatingin sa'kin. Ngayon lang ako nailang sa kanya at alam kong may mali. Mali 'to.   "Wala wala. Masaya lang ako kasi pumayag siyang manligaw ako. s**t! Eto na ata 'yung pinakamasayang araw sa buhay 'ko unless sagutin niya na 'ko."   Sobrang saya niya. Ang saya-saya niya at ngayon ko lang siya nakitang gano'n kasaya, and I know I should be happy for him, pero bakit parang salungat 'yung nararamdaman ko?   Ngumiti nalang ako.   "Congrats." Tipid kong sambit.   Nakangiti pa rin siya. Niyakap niya ulit ako na parang gigil na gigil. "Ang saya ko talaga."   "Oo na alam ko na. Masaya ka." Sambit ko habang yakap niya pa rin ako.   Inalis niya 'yung pag-kakayakap niya sa'kin at tumingin sa'kin.   "Eh ba't parang hindi ka masaya?" Tanong niya.   Pinilit kong ngumiti. "Ako? Masaya kaya ako oh."   Nag-pout siya.   "Halatang pilit. Gusto ko 'yung labas 'yung ngipin."   Agad kong nilabas ngipin ko.   "Pilit pa rin eh."   "Basta masaya ako! Hindi lang obvious."   "Sus. Smile ka kasi 'yung totoong ngiti."   Sinimangutan ko siya. "Totoo naman 'yung ngiti ko kanina ha."   "Hindi. Kilala na kita. Hindi mo 'ko maloloko."   "Grabe ka. Oh." Ngumiti ulit ako.   Umiling-iling siya. "Pilit pa rin 'yan."   Hinampas ko siya. "Kulit neto. Masaya nga 'ko!"   Umiling-iling siya. Ugh! Ano bang gustong ngiti ng lalakeng 'to?   "Hindi 'yan totoong ngiti. Bukas mall tayo. My treat, since masaya ako." Sambit niya.   "Really? Okay." Ayos makakalibre ako sa kanya.   Bigla nalang siyang sumimangot. "Ba't ganyan ka?" Inis na tanong niya.   Napakunot ang noo ko. "Anong ba't ganto ako?"   "Bakit parang ang cold mo? May problema ba?" Eto talagang lalakeng 'to. Napaka mausisa.   "Wala nga 'kong problema. Masaya nga 'ko oh. Oh." Ngumiti nanaman ako.   "Tss! Ewan ko sayo. Basta bukas ha. Susunduin kita. 5pm. Goodnight at kung may problema ka sabihin mo lang. What are friends for right? Sige na alis na 'ko. Bye ulit. See ya." Pilit pa rin akong ngumiti.   Tumango-tango ako. "Sige po. Ingat po. See you tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD