"Ang tagal mo namang mag-ayos." Sita ni Wayne. Ang tagal ko kasing nag-hanap ng magandang susuotin na bagay sa'kin. Hirap kayang pumili!
"Let's go." Hindi na 'ko nakipagtalo pa at for sure hahaba nanaman 'yung convo namin.
Pinagbuksan niya ko ng pinto sa front seat at umupo agad ako.
Nakapag isip-isip na rin ako. I should be happy for Wayne. Tama nga, kaya dapat nga kaming mag celebrate. Pero...
"Bakit hindi si Juliet 'yung inaya mong mag mall?" Tanong ko sa gitna ng byahe namin.
"Kasi ikaw 'yung gusto kong yayain. Bukas pa kami mag-kikita. Mag- sisimba kami." Nakangiting sambit niya habang nakatingin ng diretso sa daan.
Tumango nalang ako at nag- pangalumbaba habang nakatingin sa bintana.
Naguguluhan na talaga 'ko. Bakit kahit gusto kong maging masaya hindi ko magawa.
"Bakit bigla ka nalang nawala kahapon?" Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang tanungin 'yon.
"Ah-e-eh... sumama 'yung tiyan ko eh. Kaya nauna na 'ko." Palusot ko.
Tumango lang siya. "I see."
Nakarating na kami sa mall and we decided na kumain muna.
Tinuon ko nalang sa pagkain 'yung pansin ko.
Napansin kong nakatingin sa'kin si Wayne. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya habang nakangiti.
"Tinitingin-tingin mo diyan?"
Umiling-iling siya habang nakangiti pa rin. "Takaw mo noh. Buti 'di ka tumataba."
Inirapan ko siya. "Wala kang pake. Mabilis kasi metabolism ko. Not like you." Sambit ko at tumuloy na sa pagkain.
"Mabilis din akin noh. Sa katawan na 'to. Sobrang bilis." Sambit niya habang inaangat-angat pa braso niya.
"So anong pinaglalaban mo?" Ani ko, habang nakatingin pa rin sa pagkain.
"Grabe ka! Sungit mo ha." Napairap nalang ako sa sinabi niya.
Uminon na 'ko ng tubig since tapos ko ng kainin ang napakasarap na pepperoni pizza.
"Diba sabi mo libre mo lahat?" Tanong ko.
"Oo nga." Sambit niya. Ngumiti naman ako.
"Good. Let's go." Tumayo ako at hinatak ko siya papalabas ng fast food chain.
"Hoy sa'n naman tayo pupunta?" Tanong niya.
"Kalma ka lang." Sambit ko habang hatak-hatak pa rin siya.
Papasok na 'ko nang bigla niyang hinablot kamay niya.
"Seriously?" Sambit niya habang nakatingin sa may papasukin namin.
It's a boutique. Boutique na puro pang girls gamit.
"Yes. Seriously." Sambit ko at hinatak ulit siya.
Narinig ko ang pag-hinga niya nang malalim at parang lantang nag- pahatak sa'kin.
"Welcome ma'am and.." Ilang segundong sinulyapan nung sales laday si Wayne.
"Sir." Si Wayne na ang nag-tapos ng dapat sasabihin ng sales lady. Hindi ko naiwasan ang lihim na pag-tawa.
"Oh my God Wayne. Look ang daming new good dress." Nakanginting sabi ko habang tinitignan ang mga mannequin na may suot ng magagandang damit.
"As if I care."
Tinignan ko siya nang masama.
"'Wag kang gaganyan-ganyan ha! Sabi mo libre mo 'to, so panindigan mo."
"Oo na. Daldal ka pa nang daldal eh. Pumili ka na, nang maka-alis na tayo dito." Bored na sabi niya. Sabay upo sa isang upuan at kinatikot 'yung phone niya.
Kumuha ako ng dalawang dress.
"Hey! Black or white?"
Tanong ko kay Wayne habang hawak 'yung dalawang napili kong damit.
Nakasimangot siyang tumingin.
"Kahit ano diyan." May inis sa boses niya.
"'Wag ka ngang sumimangot. Panget mo!" Sambit ko.
"Kung panget ako, ano ka pa?" Aba 'raulo talaga 'to!
"Dyosa." Taas noo kong sambit.
"Oh bayaran mo na." Binato ko sa kanya 'yung dalawang damit.
"Seryoso ka? Ako pag-babayarin mo niyan?" Kunot noong tanong niya.
"Oh bakit? Sabi mo libre mo diba? Oh edi bayaran mo na."
Napailing-iling siya at lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang kinuha niya 'yung wallet niya sa bulsa ng pants niya at inabot sa'kin. "Oh bayaran mo do'n." Iritadong sambit niya.
Padabog ko 'yong kinuha at 'yung damit.
"Arte mong bakla." Pang-aasar ko.
"Tomboy!" Narinig kong sambit niya habang papunta ako sa cashier.
After kong mag-bayad lumapit na ulit ako kay Wayne.
Napatingin siya sa'kin.
"Now you're done. Let's go."
Bigla niya na 'kong hinatak palabas ng boutique.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko.
"Nope." Hinatak niya 'ko papasok sa isang private room ng videoke. Dito pa rin sa mall.
"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong ko..
"Obviously. Eh di kakanta." Sagot naman niya.
May inayos siya sandali then inabutan niya 'ko ng mike. "Oh. Mamili kana ng song mo, then sing." Utos niya at inabot sakin ang song book.
Ayoko nga! Ano siya sine swerte.
"Ayoko. Kung gusto mo ikaw nalang." Sambit ko.
"Ang arte mo talagang tomboy ka. Akin'a nga! Ako na mauuna tapos ikaw naman." Sambit niya sabay hablot sa'kin ng song book.
"Fine." Hahaba lang 'yung prosisyon kapag hindi pa 'ko sumang ayon sa gusto niyang mangyari kaya fine nalang.
Lumapit na siya sa videoke at tinype yung kakantahin niya
nag simula ng tumgtog.
Tumingin siya sa'kin. Tumingin siya ng diretso sa mata, at naiilang ako. Sobrang naiilang ako, but all I need to do is to pretend na hindi ako affected.
"Para Sa'yo by JK labajo."
Mga lumuluhang mata. Kalungkutan na 'di matago tago.
Sa isang tingin akala mo ay okay lang.
Andito lang ako.
Para sa'yo.. Para sa'yo..
Pinilit kong 'wag umilang at mag focus sa pag kanta niya. Sobrang ganda talaga ng boses niya.
Akala mo hindi ko pansin.
Ikaw lang naman 'tong hindi umaamin.
'Wag ng mabagabag sa kahahantungan.
Andito lang ako.
Para sa'yo, para sa'yo..
Pag narinig mo siyang kumanta tagos talaga sa puso. 'Yung damang dama niya. Napaka swerte talaga ni Juliet kasi nagustuhan siya ni Wayne. Si Wayne na gwapo na, matalino pa at kahit hindi obvious mabait 'yan. Napaka swerte niya.
Pwede mong sabihin sa'kin.
Mga bagay na alanganin.
Nandito lang ang balikat ko.
Nandito lang ako.
Para sa'yo, para sa'yo..
Para sa'yo, para sa'yo..
Gusto ko mang isipin na parw sa'kin 'yang kantang 'yan, alam kong hindi. Kasi hindi naman ako 'yung babaeng gusto niya eh. Hindi ako si Juliet.
Huwag ng malungkot.
Kalimutan ang galit na nadarama.
Bibigyan kita ng halaga.
'Wag ng umiyak hindi kita pababayaan.
Pangako nandito lang ako.
Para sa'yo, para sa'yo.
Para sa'yo, para sa'yo.
Nakatingin lang siya sa'kin habang kinakanta 'yon. Bakit gano'n? Bakit alam kong kahit hindi, hindi ko parin mapigilang umasa?
Mga lumuluhang mata.
Kalungkutan na hindi matago tago.
Sa isang tingin akala mo ay okay lang.
Andito ako.
Bakit gano'n? Sana para sa'kin 'yung kanta. Kahit alam kong hindi. Kahit alam kong imposible.
Pagkatapos niyang kumanta ay pumalakpak na lang ako, para di niya mahalata na may iniisip ako.
"Galing mo po baklang idol." Puri ko.
"Compliment ba 'yan? Kailangan talaga may panglalait? Baka magulat ka nalang at patunayan ko sa'yong lalake ako."
"Ay. Sorna po. Galing mo po fafa."
Ngumti nalang siya at napailing iling.
Lumapit siya sa'kin at iniabot 'yung mike. "Oh your turn magandang tomboy."
Plastik akong ngumiti at kinuha sa kanya 'yung mike. Nag tingin ako ng kanta sa song book.
"'Yung dedicated sa'kin ha." Sambit niya aba ayos ha.
"Ang arte mo." Sambit ko.
"Dali na."
"O sige game."
"Ako'y isang serena--"
"'Yung seryoso kasi, isa pa. Magugulat ka sa gagawin ko, tignan ko lang kung asarin mo pa 'kong bakla." Ay nanakot si bakla.
Tumawa ako. "Sorry na po. Galit na agad si gwapito oh. Di mabiro."
Tinignan niya 'ko nang masama. "Dali na kasi."
Tumawa ako. "Eto na nga po oh."
Lumapit na 'ko sa videoke at nag type...
Hindi ko alam ba't eto napili kong kanta. Basta eto agad pumasok sa isip ko.