Chapter 2

1780 Words
It's already 12pm. I need to go at baka malate pa ako. Ang bilis nga naman ng oras taapos ang init init pa kaya kailangan pang magpayong. Sobra kasi akong napapaso sa sinag ng araw. Ang hapdi. Simula palang noong bata ako ay allergic na ako sa sinag ng araw.  Matagal mawala ang pagkapula ng balat ko kapag nasikatan ako ng araw. Palagi tuloy akong excused sa mga outdoor activities noon. "Manong, let's go na. Baka malate pa kasi ako. Hindi ko alam anong pamamalakad doon. Baka mayy aasikasuhin pa pala ako pagdating doon." Medyo kinakabahan ako pero kailangan kong isawalang tabi yun.  Kailangang palagi akong kalma. Kung mahina ako, lagi akong mabubully at aasar-asarin. Hindi naman ako makapapayag na magyari iyon. Hmm, since nasa likod naman ako at ang cute ng sumbrero, naisip kong magpicture muna. Inilabas ko yung phone ko. Normal lang naman ang ganitong gawain para sa mga babae eh kaya wala namang masama. Tinignan ko muna si Manong. Focus lang siya sa pagdadrive kaya makakapagpicture ako. Minsan laman ako magselfie kaya nilubos ko na. Hindi ako ganoon kahilig magpost sa mga social medias. Siguro ay wala pang one hundred photos ang nasa gallery ng phone ko. "Lady Michie, we're here na po." Nagpasalamat naman ako asa kanya.  Bumaba na ako para makapasok sa Gate. Agad naman akong napatingin dito.  Parang nanginginig ang buong katawan ko sa nakita ko. Gosh, parang palasyo ang school na ito. Ang laki-laki pa ng Gate. Tago pa ang lugar na ito. Nakakatakot!  May ilan-ilan namang nadaan na pampasaherong sasakyan. I have to back out. Ayoko sa malademonyong aura na school. Kulay puti at itim ang pintura ng Malapalasyong building tapos kulay itim ang napakalaking gate. Sino ba namang hindi matatakot sa ganitong itsura? Parang paaralan ng mga bampira? Bampira? Well, hindi ako naniniwala sa mga iyon kahit na ang hilig kong manood ng movies about them.  Marami ring pumapasok, pero halos lahat sila ay may Tatak na VA sa leeg. Anong ibig sabihin noon? VA students ganoon? Ganon ba ang identification nila?  Baka nagkamali ako nang pinuntahan? Pero lahat naman nakaitim eh. Tapos dun sa kabilang gate, may mga nakaitim na uniform. Mukhang mga highschool students. Magbaback-out na sana ako nang bigla akong may nabunggo. "Hey, be careful or else" Napatingin ako sa likod ko. Naapakan ko yung sapatos niya kasi humakbang ako patalikod. Hindi niya tinapos ang pagsasalita niya. Ramdam ko ang awtoridad sa tono niya. At one thing, ang gwapo niya, pero nakakatakot. Aanhin niya ang gwapong mukha kung ganan naman ang ugali niya? Ang sama-sama nang tingin niya sa akin na para bang gusto niya na akong patayin. Porke naapakan lang ang sapatos? Paltan ko yan ng mas mahal e.  "Ah, I'm sorry." Tapos yumuko nalang ako bilang pag hingi ng paumanhin. Aminado naman ako na kasalanan ko e.  Pupunta sana ako dun sa kotse ko nang bigla niya akong hilahin pabalik. Medyo nagulat ako pero naalalayan naman niya ako agad. Nakahawak siya sa aking bewang. Agad ko namang inalis yung kamay niya.  "Where are you going?"  Eh ano, wala akong magandang maisagot kasi napapatingin ako sa gwapo niyang mukha. Totoo palang maraming gwapo dito. Ah mali, lahat pala nang pumapasok dito ay magaganda at gwapo. Hindi ko maitanggi na nakakaakit nga ang itsura niya. Urgh, basta masama ang ugali niya!  "Magba back-out." Napakamot nalang ako sa ulo. Muntik na akong pumuyok dun. Buti nalang at nacontrol ko ang sarili ko. Ayokong mapahiya sa napakasungit na lalaking ito. "What? There's no turning back when you're already here. You must finish your studies before leaving, or else you will die.” Tama ba narinig ko? May ganoong treatment ba ang ibang school? Parang dito ko lang narinig yun. Tinatakot niya ba ako o nakikipagbiruan lang siya? Inirapan ko nalang siya pero napansin ko namang ngumiti siya na para bang nanalo. Whatever. Napakasama niya. Siya na ata ang pinakamasamang taong nakilala ko.  Kinabahan naman ako noong mas lumapit siya sa akin. Mas tumalim ang tingin niya. Ako naman ay walang ibang ginawa kundi ang umatras nang umatras hanggang sa mapasandal ako sa pader.  "Back off, bro. Ako na ang bahala sa kanya." Malamig na sabi ng isang lalaki. Napalingon naman ako sa kanya. Parang familiar siya sa akin. Ang gwapo niya. Sa lahat ng taong nakikita ko rito, silang dalwa ang pinakagwapo. E bakit parang may alitan sa pagitan ng dalwang to? Magkaaway ba sila? May problema ba sila sa isa't-isa? Pero ang gwapo talaga nila. Tsaka, maganda ang hubog ng katawan. Oh my, ano bang nangyayari sa akin. Stop thinking that, Michie! Nawawala na naman ako sa sarili. "Whatever, I don't care, White." Sabi naman nung lalaking naapakan ko. Hindi pa rin nawawala ang tinginan nila nang masama.  "Dark, you should follow the rules." Dark ang pangalan nung naapakan ko? White naman sa lalaking ito? Ang weird. Kambal ba sila? Pero hindi naman sila magkamukha. Mas malapit pa nga ang itsura ni White sa akin? Ah, assuming lang ako. Masyadong gwapo si White para maging kamukha ko no. Nasa gitna lang ako habang nanonood sa bangayan nila. Ang awkward kasi ang lapit lapit ng katawan nung Dark sa akin. Nakalagay pa yung kaliwa niyang kamay sa pader na para bang kino-corner ako.  "What?" Iritadong tanong ni Dark. Mukhang hindi sila close.  "Just don't hurt her. " Tapos tumingin sa akin si White. Parang may meaning yung sinabi niyang yun pero hayaan na nga. Ayaw niya lang siguro akong masaktan physically.  "Let's go." Bigla naman akong hinila ni White palayo kay Dark. Aba, hindi kami close para gawin niya sa akin ang ganoon. Pero salamat na rin dahil naiwasan ko yung masungit na nilalang na iyon. Nagpahatak nalang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang room. Tinignan ko naman yung nakalagay sa itaas. Room for freshmen. Ah kaya pala. Nanlaki ang mga mata ko noong pagkapasok namin dahil may nagtitilian. Kaya pala may mga tatak na VA ang mga estudyante rito. May bakal na nakaukit na VA tapos tinapat nila sa apoy tapos isinawsaw sa Black Liquid. Black liquid? Hindi ba masama yan sa skin? Wala bang halong chemical yan? Ang daming tanong ang nabuo sa isipan ko pero wala ako sa lugar magtanong dahil nakakatakot ang mga tao dito.  "AH!" Napapatakip nalang ako ng tenga habang umiirit sa sakit yung mga nauna sa akin. Hay, mararamdaman ko rin yun. I DON"T LIKE IT! Mas lalo akong natatakot sa Academy na ito. Kakaiba talaga. Parang hindi normal ang mga tao dito. Pero teka? So hindi ako normal? Hindi, baka iba lang talaga ang pamamalakad nila. This is it, my turn. Sign of the Cross muna. Sobrang kinakabahan ako pero syempre kailangan kong magpakatatag kaya nagpanggap ako na hindi ako kabado. Stay cool. Hindi ito biro.  Itinapat na sa akin yung bakal. Gusto kong pumikit pero sabi ng utak ko ay huwag kaya sinunod ko ito.  Nakatingin lang sakin si White. Ewan ko ba kung bakit ba ako hinihintay neto. Pumikit nalang ako para mapigil ang luha kung may lalabas man. "Done." Sabi nung Doctor. Doctor pa gumagawa neto? Mas nawe-weiduhan lalo ako. Ano ba kasing kababalaghan ang mayroon sa paaralan na ito? Bakit bawal umalis kapag hindi pa nakakagraduate? Bakit hindi man lang ako nasaktan? Parang wala naman akong naramdaman na dumikit sa akin? Kainis abnormal nga ata ako? Manhid ko. Napatingin ako kay White. Nakangiti lang siya. Anong problema nun?  Tumayo na ako para puntahan siya sa may pinto. Mga nakatingin sa akin yung new students tapos ngumiti nalang ako. Oh, na-amaze ata sa akin dahil hindi ako nasaktan, pero ang weird pa rin. Natatawa ako sa kaweirduhan. Panay weird nalang nasasabi ko.  Nawala na yung mga ngiti ni White tapos naging seryoso. "May papakilala ako sa’yo." Sabi niya kaya tumango nalang ulit ako. Nahihiya ako sa kanya. Grabe, siya lang ang ngumiti nung hindi ako nasaktan. Yung iba nakanganga. Yung Doctor poker face. Ang gwapo niya lalo kapag ngumingiti. Sana palagi nalang siyang nakangiti. Parang napangiti nalang ako dahil ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. "Hello, Michie!" May babaeng lumapit sa akin sabay yakap.  "Eh, seriously? Who are you?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sino ba siya para basta basta nalang akong yakapin? Tapos tinulak ko siya. Ang higpit makayakap. Daig pa ang magbestfriend. Bigla siyang ngumuso. Inirapan ko naman siya. Hindi ako sanay na may ganito makitungo sa akin. Sanay akong mag-isa. Ayoko kasi sa mga palstic na tao.   "I'm Calleigh Jean Bautista! I'll be your best friend FOREVER" Kailangang i-emphasize? At kailangan siya ang magdedecide? Ang kapal dn ng mukha nito ah. Inirapan ko nalang ulit siya. "Bakit kita magiging best friend?" Taas kilay pa rin ako. Nakatingin lang sa amin si White. Nakasandal siya sa may puno.  "Kasi, your mom and my mom are best friends! So tayo rin!"  Siya siguro yung sinasabi ni mommy na sure akong magkakaroon ako ng kaibigan. Pero totoo naman ba ito? Baka mamaya napakiusapan lang siya e. Ayoko sa plastic. Tsaka parang ang arte niya? "And?" E sa hindi ako satisfied sa sagot niya e. Gusto ko muna siya kilalanin bago ituring na totoong kaibigan.  "I don't have friends. I'm alone here, though I'm one of the Super Famous Girls." Oh, same pala kami. Ayaw din makipagfriend sa akin ng iba. Naalala ko si White.  "What about him?" Turo ko kay White. "He's not my friend!" Bigla nalang siyang namula. Mukhang may gusto siya kay White. Mukhang sikat na sikat ang lalaking ito. Sabagay, ikaw ba naman mabiyayaan ng sobrang gwapong mukha. "Then?" Tanong ko.  "He's the White Vampire. Don't tell me, you don't know that?" Napatingin naman ako kay White na kanina pa nakikinig sa amin. White prince? Bakit may Prince dito? Ibig sabihin ay Dark Vampire si Dark? "I have to go." Nginitian muna ako ni White bago siya umalis. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit iba ang nararamdaman ko kapag ngumingiti siya? Napailing nalang ako.   Humarap naman ako kay Jean.  "Hey, Jean. I don't know about this school." Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko siya tinatarayan. Di ko lang siguro siya feel. May binigay siya sa aking papel na “About Vnight Academy”. Binasa ko naman. May mga pictures doon ng White and Dark Prince. Napatingin ako sa isang Picture. "What the hell? He's the Dark Prince? I thought his name is Dark! Totoo pala talaga ang hinala ko na Prince siya." Nakiusyoso naman itong si Jean. Nagulat naman siya. "You know him already? What the hell? Where? When? How?" Sunud-sunod naman niyang tanong. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang mga nangyari. Kinuwento ko kay Jean yung nangyari kanina tungkol kay Dark at White. Tapos pati doon sa tatak sa leeg thingy na yun. Well, habang tumatagal ay gumaan naman loob ko sa babaeng ito. "Hey, Michie. Bakit nga pala Jean tawag mo sakin? You must call me Calleigh!"  "Oi, choosy ka pa! Mas feel ko ang Jean eh! Bakit ba?" Ang taray ko ngayon. Humingi naman ako ng pasensya sa kaniya. Naiintindihan naman daw niya kasi babae rin daw siya. Siguro nga siya na yung kauna-unahang babaeng magiging kaibigan ko. Napangiti nalang ako knowing na magkakaroon na ako sa wakas ng kaibigan. Totoong kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD