Chapter 3

1003 Words
Chapter 3 Sinabi sakin ni Jean ang tungkol sa White at Dark Prince at SFB at SFG. Medyo natatawa nga ako dahil parang hindi maganda pakinggan ang tawag nila sa mga top students. Parang high school o pang elementary kasi.  Si White pala ay si Michael Carl Eisaia. Isa sa sikat dito sa Vnight Academy. Hindi ko naman masisisi kung maraming namamangha sa kanya dahil isa na ako doon. Sobrang bait at palangiti kasi siya.  Kakaiba ang apilyedo ni White, pero bagay na bagay naman sa kanya. Nasanay na akong White ang tawag sa kanya. Bagay sa kanya yung pangalan niya kasi mabait siya, hindi katulad nung isa diyan na saksakan ng sungit. Akala mo daig pa ang babaeng may period.  Pero ang galing ha? Parehas kaming MC ni White. Michael Carl tapos Michie Candee. Wow, bagay. Ano ba itong mga iniisip ko. Alam ko namang masyadong mataas si WHite, kumbaga ay pangarap lang siya.  Sabi sa akin ni Jean na ang laki daw nang pinagkaiba ni White Kay Dark. Halata naman. Una ko palang silang nakita ay pinakita agad nila ang ugali nila. Ayoko talaga kay Dark. Nakakatakot ang mga bantang binibitawan niya. Si Geo Vincent Park naman ay tinatawag na Dark. Minsan nga daw ay Dark Vampire Prince ang tawag sa kanya at kay White dahil sa sobrang puti at tangkad nila. Hindi rin daw kumukupas ang kagwapuhan. Well, hindi ko naman mapoprove yan dahil hindi ko naman sila nakikita noon. Aminado naman ako na gwapo si Dark. Halata naman na mas mabait si White kaysa kay Dark. Titulo palang ng pagiging Prinsipe, alam na eh. Sana ay mas lubusan ko pang makilala si WHite. Gusto ko siyang maging kaibigan kahit napaka-imposible. Si White ay namamansin daw ng kapwa estudyante. Samantalang si Geo, namamansin lang daw kapag iritado. Sabagay, pinansin niya lang ako kasi naapakan ko siya pero hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang nasa likod ko siya diba? Porke naapakan ay magbabanta agad, hindi ata tama iyon. Ang arte niya.  Sabi ni Jean na pag nakita ko si Prince Geo, umiwas na raw ako. Marami na daw na Detention Room gawa niya. Kahit kasalanan niya, nakakalusot siya. Ang masaklap pa, nagmumukhang kasalanan pa ng haharang sakanya ang gulong nangyayari. Well bugbugan portion daw.  ala daw sinasanto kahit babae. Casanova pa ang hinayupak. Sabagay, ang gwapo niya naman kasi kaya halos lahat ng babae ay nahuhulog sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi ako mahuhulog sa kanya.  Parehas sila ni Prince Michael na mukhang sikat na sikat talaga. Hindi talaga ako sanay na Prince ang tawag sa kanila. Pero kailangang sabihin dahil yun ang paraan nang paggalang sa kanila. Kung tutuusin, pwedeng maging modelo ang mga ito. Kay Dark, wala pa daw nagugustuhan na babae yun. Pero ang daming babae na nahuhumaling sakanya. Sus, if ever na makita ko siya, ako pa ang mang-iignore sa kanya. Mas gusto ko si White. Ayoko kay Dark kasi ang pangit ng ugali niya. Sayang talaga kagwapuhan niya, baguhin niya sana ugali. Natawa naman ako sa iniisip ko. About Sa Super Famous Girls and Boys, Top 2 pala si Jean. Ang galing niya talaga kaya mas lalo akong humahanga sa kanya e. Ang ganda ganda pa ni Jean, mala Ariana Grande ang mukha. Tsaka ang galing niyang manamit.Matalino, mabait, maganda at fashionista pa.  Nagtataka naman ako kung bakit wala pa siyang kaibigan. Sa bait niyang yan, tiyak lahat ay magugustuhan siya pwera nalang sa insecure sa kanya. Mabait din naman ako kaso natakot na akong mag-approach sa mga tao. Sanay na akong palaging iniiwan. Nakakalungkot mang isipin, pero ganoon na e.  Ganito na ba mga tao ngayon? Kung sino pa ang magaganda, siya pang walang kaibigan. Syempre, biro lang sa sarili. Masaya ako na naging magkaibigan kami ni Jean. Halos parehas kami nang pinagdaan sa mga kaibigan. Mahirap talagang humanap ng loyal ngayon. Ang magkaklase ay ang SFG at SFB at ang dalwang Prinsipe sa highest Section. Gusto kong mapabilang dito kaya gagalingan ko sa exam. Gusto kong makasama si Jean kasi nga, wala rin naman akong magiging kaibigan sa ibang section. Nagtataka ba kayo kung bakit May SFG at SFB agad? Nung highschool kasi, sila ang laging nasa Top. Kaya ayan. Tapos ang mga prinsipe naman ay stable daw. Siguro sobrang talino din nila no? Ang swerte naman nang makakatuluyan ng dalwang prince na yun kung nagkataon. Bakit ko ba iniisip yun? Dapat wala akong pakialam. Si White kaya? Ilan na kaya ang naging kasintahan niya? Katulad niya kaya si Dark na playboy ang datingan? Huwag naman sana. Ang hirap atang maging SFG, nakapanghihina ng loob pero kailangan gawin ko ang lahat para maging isa sa kanila. Nandoon kasi si Jean at si White . Gusto ko talaga siyang maging kaibigan kung pagbibigyan ng pagkakataon. Sobrang bait niya kasi sakin e.  Alam ko rin na may gusto sa kanya si Jean pero hindi ko talaga maiwasan na hindi humanga sa lalaking yun. Hanggang doon lang naman. Hindi naman siguro aabot sa punto na mai-in love ako sa kanya. Mahirap na, isa lang akong normal na tao tapos siya ay isang Prinsipe para sa mga mata ng iba. Nagbasa nalang ako ng novels. Mahilig kasi talaga ako sa mga novels, lalo na action, vampires, thriller at science fiction. Ayoko nung pure romance lang.  Para tuloy akong nasa dreame stories na may gusto sa isang prinsipe. Teka, aminado agad na talaga ako na gusto ko si White? Umiling-iling nalang ako. Basta natutuwa ako na para bang kinikilig kapag ngumingiti siya. Yun na yon. Basta hanggang paghanga lang ako. Mataas siya, hindi ko siya kayang abutin.  Masaya na ako dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na laging nasa tabi ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko. Naisipan kong i-text si mommy at i-update siya.  To: Mommy Thanks, mommy dahil dito mo ako pinag-aral. Nagkaroon ako ng isang mabuting kaibigan. I'm doing well here in Vnight Academy. Love you! Ingat kayo ni Daddy! Miss you already.  Pinindot ko naman ang send button. Mamimiss ko sila mommy. Ilang araw o buwan pa siguro bago kami magkita-kita ulit. Busy na naman sila sa aming business.  Kakayanin ko to! Tiwala lang. Makakapasok ka sa Top section, Michie. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD