"ANG blooming mo naman ngayon bestfriend," nakangiting sabi ni Rosie sa akin nang makita niya ako na papasok ng university namin. Kasama nito si Gyneth na may hawak na mga libro.
"Ganyan talaga kapag in love," sabi naman ni Gyneth na inirapan pa ako. "Ikaw, Shanta, ha. Huwag mo nga akong idinadamay sa pagsisinungaling mo sa Tita Cora mo. Kung gusto mo si Rosie na lang ang idamay mo diyan dahil may boyfriend na iyan," pagrereklamo naman nito sa akin.
"Aysus, nagsalita ang walang boyfriend," magkasabay na sambit namin ni Rosie.
Tumawa ito ng malakas at hinawi ang buhok. "Wala pa nga kasi," mahinhin na sagot pa nito sa akin.
"Teka nga pala, best. Kanino ka galing kagabi at nagsinungaling ka pa sa Tita Cora mo?" mahinang tanong sa akin ni Rosie.
"Ang totoo niyan..." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Galing ako sa bahay ng boyfriend ko kagabi dahil gusto ko siyang makita at---"
"Oh no!" nanlaki ang mga mata ni Gyneth. "May nangyari na ba sa inyo?"
Kinuha ko ang librong hawak ni Gyneth at ipinalo ko sa braso niya.
"Sira ka talaga! Wala pa. I mean, hindi iyon mangyayari dahil sobrang gentleman ng boyfriend ko," pagmamalaki ko rito. "Sorry, Gyneth. Alam ko na mali na maisali pa kita sa pagsisinungaling ko sa tita ko. Wala akong choice, Gyneth." Nag-peace sign pa ako rito.
"Naiintindihan ko naman pero sabihan mo ako kapag kailangan mong magsinungaling para naman aware ako sa dapat kong sabihin sa Tita Cora mo. At hindi ko itini-tolerate na magsinungaling ka sa tita mo, ha. Masama kasi iyon, Shanta," paalala naman sa akin ni Gyneth.
"True, bestfriend," sang-ayon naman ni Rosie sa sinabi ni Gyneth dito.
"Oo na, hindi na iyon mauulit," nahihiyang sambit ko sa aking mga kaibigan. "Tara na baka ma-late pa tayo sa first subject natin."
Magkakasama kaming naglakad patungo sa room namin. At nakita ko roon si Vlad na tahimik lang sa isang sulok. Nakakapanibago ito simula noong isang linggo nang tanggihan ko ang pag-ibig nito sa akin. Bigla tuloy akong nalungkot dahil wala nang nangungulit sa akin.
Siniko ako ni Gyneth na nakatingin din pala kay Vlad.
"Hmm... tahimik ang university playboy natin, ha," bulong nito sa akin. "Talagang tuluyan nang sumuko ang boy next door natin. Ikaw lang ang nakagawa niyan sa kanya, Shanta."
"Nakakakonsensya nga, e," mahinang sagot ko rin dito. "Naiintindihan naman siguro niya ako na wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. At sa tingin ko iginagalang ni Vlad ang naging desisyon ko."
ALAS SINGKO ng hapon nang matapos ang lahat ng subjects namin. Nagkaroon din ng lecture sa bawat groups bago kami umuwi ngayong araw. Next month ay December na kaya naman may community service kami. At napagdesisyunan ng group leader namin na magkaroon ng clean up drive sa mga public places ng Nueva Ecija.
Kabilang ako sa team nina Vlad at Rosie. Nahiwalay naman si Gyneth sa amin at iba pa naming mga kaklase.
"Mukhang magiging masaya ang susunod na buwan para sa atin, Shanta," ani Rosie na kasabay kong naglalakad.
"Kaya nga dahil magpapasko na at maraming mga activities na mangyayari sa school natin. Excited na ako sa community service na gagawin natin next week," nakangiting sabi ko pa rito. "Matuturuan ang mga tao na mag-segregate ng mga basura upang mabawasan ang polusyon ng mundo."
Pinalakpakan ako ni Rosie. "Bilib naman ako sa iyo, Shanta. Nakinig ka talaga na mabuti sa lecture ng team leader natin."
"Ikaw ba naman ang nasa harapan... talagang mapapakinggan mo ang lahat. Tska ngayon lang ako nakasali ulit sa mga group activities."
"Kunsabagay masaya nga naman talaga ang community service pero nakakapagod din kaya hindi ako excited. Last year kasi tumulong kami na magbigay ng mga food packs sa mga nangangailangan," pagkukuwento ni Rosie. "At pamilya ni Vlad ang nanguna sa pagbibigay ng donation. Hindi lang sila mayaman kun'di mapagbigay din sila sa mga kapos-palad."
Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Rosie dahil mukha naman talagang mabait si Vlad, minsan lang kasi mukha itong mayabang at sobrang nakakaasar.
Sumakay na ako ng tricycle pauwi at si Rosie naman ay sumama sa boyfriend nito na si Aries na isang Education Student.
Nagpababa na ako malapit sa bakery ni Tita Cora. Napansin ko kasi si Warren na nakatayo sa tapat ng bakery at nakatingala sa pangalan ng bakery na nakalagay sa ibabaw ng bubong. Nakasuot ito ng puting t-shirt at naka-cap ng kulay black. Naka-pants din ito ng taterred at naka-white na converse.
Nilapitan ko siya ngunit hindi niya ako napansin. Hanggang sa kalabitin ko na ang braso niya at seryosong tinignan siya.
"Huy, okay ka lang ba? Titig na titig ka sa pangalan ng bakery namin, a."
"Ha! Ka-Kanina ka pa ba diyan?" para itong nakakita ng multo nang makita ako sa tabi nito.
"Warren, may sakit ka ba?" pabiro kong tanong dito tska ipinatong ang kamay ko sa noo nito.
"Sorry, napansin ko lang kasi na hindi ganoon katingkad ang kulay na ginamit para sa pangalan ng bakery ninyo. Kanina pa ako nandito para sunduin ka sana. P'wede ba kitang ipasyal sa park man lang o kumain tayo sa labas o sa mall. Uuwi kasi ako sa Manila bukas para dalawin ang kapatid ko at dalawang araw kitang hindi makikita."
"Sabado naman bukas kaya... sige sandali lang at magpapalit lang ako ng damit." Dali-dali akong nagtungo sa loob ng bakery. Nakita ko si Audrey na nag-aayos ng mga pera na ilalagay ngayon sa bangko. "Audrey, p'wede bang umalis ako sandali? May... may importante lang akong gagawin."
"Date?" nakangiting sabi nito sa akin.
"Ha?" Nilingon ko ito na nakasunod ang tingin sa akin.
"Hindi, a. Ka-kaibigan ko lang ang lalaking iyon." Pagtatanggi ko rito ngunit hindi ko naman mapigilan na hindi ngumiti.
"Sinungaling. Alam na alam ko ang galaw mong iyan, Shanta. Papangaralan lang kita, ha. Kailangan alam ninyo ang limitasyon ninyong dalawa. At tsaka sino ba ang lalaking iyon? Ngayon ko lang yata nakita ang mukha niya. Mukhang hindi taga dito sa atin."
"Taga Maynila siya, Audrey. Alam ko naman ang ginagawa ko kaya wala talaga kang dapat na ipag-alala tungkol sa akin. Kapag tumawag si Tita Cora at tinanong niya ako sabihin mo na lang na may importante akong gagawin. Gusto ko lang kasi na hindi mag-alala sa akin si Tita Cora. Ipapakilala ko naman siya kay tita kapag hindi na siya busy at kapag natapos ko na ang semester ngayong taon," sabi ko habang nasa kuwarto ako at nagpapalit ng damit.
Pumili ako ng hanging blouse na pink at nagsuot na lamang ako ng black na pants. Isinuot ko ang white na sapatos ko at pagkatapos ay itinali ko ang aking buhok. Nag-spray lang ako ng pabango at naglagay ng polbo. Hindi na ako nag-lipstick dahil mapula naman ang mga labi ko.
"Ingat ka, Shanta. Tawagan mo ako kung may gawin na hindi maganda sa iyo ang lalaking iyon, ha. Ano nga pala ang pangalan niya?"
"Siya si Warren, Audrey. Sige na aalis na ako. Don't worry. Mabuting tao si Warren kaya hindi ako mapapahamak." Nginitian ko ng matamis si Audrey bago ito iwanan sa may office ng bakery namin.
Nilapitan ko si Warren na nakaupo sa may labas ng tindahan.
"Bakit diyan ka naghintay?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
"Mas okay kasi rito na maghintay dahil maraming nakapila sa bakery ninyo para bumili." Hinawakan nito ang kamay ko at magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa naka-park nitong motor na nasa tabi lamang ng daan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Malalaman mo rin mamaya kapag nakarating na tayo. Isuot mo na iyong helmet at malalaman mo kung saan kita dadalhin. Promise. Susulitin natin ang araw na ito na magkasama tayong dalawa." Kinindatan pa ako ni Warren na nagsusuot na rin ng helmet nito.
Kinilig ako sa sinabi nito sa akin. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makapunta sa lugar na sinasabi nito sa akin.