Episode One

1236 Words
Episode One “Nate! Okay ka na ba?” tanong ni Mama. “Opo Ma! Pababa na,” malakas na sigaw ni Nate sa kanyang nanay. Unang araw niya sa Princeton Academy bilang freshmen kung kaya’t hindi siya pwede malate ngayon sa kanyang klase. Nang matignan niya ang sarili sa suot niyang maayos na uniporme sa malaking salamin ay saka naman niya nagmamadaling isinukbit ang kanyang di-kalakihang bag bago bumaba sa kanyang kwarto. “Bilisan mo at kumain ka na. Ihahatid ka pa ng Papa mo sa dorm mo,” mahabang litanya sa kanya ng ina. Umupo naman siya sa upuan at nagsimula na kumain ng agahan. Ang Princeton Academy ay kilala sa pagiging prehistiyosong eskwelahan sa Metropolis. Puro mayayaman lang na estudyante ang nag-aaral doon kaya nang maging available ang scholarship para sa mga taong gusto mag-aral doon ay kaagad na kinuha ni Nate ang pagkakataon na ‘yon. “Si Cedrick, nasaan? Hindi ba ay may pasok din ‘yon?” “Mamaya pa ang pasok no’n. Hayaan mo muna matulog ‘yon ng ilang oras,” sabi naman ng kanyang ina. Tumango na lamang si Nate at ipinagpatuloy ang pagkain ng agahan. Hinatid siya ng kanyang papa sa dorm kung saan siya tutuloy pansamantala. Nagkataon kasing malayo ang bahay na tinitirhan nila sa eskwelahan at kung doon siya titira sa bahay ay puro sa pamasahe lamang mapupunta ang allowance niya at hindi makakaipon. Bukod pa roon ay malapit lang sa dorm ang bake shop kung saan siya nagtatrabaho bilang part timer upang magkaroon ng sariling pangtustos sa araw-araw. “Nate!” Isang nakakabinging pagtawag ang kanyang narinig. Boses pa lang ay kilala na niya. Agad siyang tumingin sa kanyang likuran at nakita ang kanyang matalik na kaibigan na su Gregorio o mas kilala sa tawag na Green. Tumakbo ito papunta sa kanya na tila natutuwa na nakita siya rito sa Princeton. Katulad niya ay nakasuot din ito ng unipormeng kulay puti na long-sleeve na may necktie na itim na pinaresan ng itim na pantalon. Sa kanan ay ang logo ng Princeton na parang shield ang itsura na dilaw ang kulay. Sa loob ng shield ay ang korteng libro. Sa ilalim ng libro ay nakalagay ang ‘Princeton Academy’ sa maliliit na letra. “Ui!” masayang bati ni Nate sa kanya. Kursong Business Management ang kinukuha ni Green sa Princeton. Masaya at excited silang dalawa ni Green dahil bukod sa ito ang unang nila sa Princeton ay plano rin nilang makahanap ng bagong kaibigan dito. Walang masyadong klase noong araw na ‘yon kaya naisipan nilang dalawa na magkita sa cafeteria para doon magtanghalian dahil lunch time naman na. Tahimik lang silang naglalakad ni Green papuntang cafeteria. Laking pasasalamat nga niya na hindi sila nagawang maligaw dahil sa laki ng Princeton. Nagchat naman si Nate sa dalawa pa nilang kaibigan ni Green na si Jastin at Gavin or mas kilala sa tawag na Gun. Pare-pareho silang Business Course kagaya ni Green at scholar din sa Princeton. Jastin: Bukas pa kami papasok ni Gun. See you na lang sa inyo ni Green. Pinaghanap ni Nate si Green ng upuan nila sa caf dahil baka maubusan sila ng pwesto sa daming estudyante na kumakain. Ayaw naman nilang makishare ng table sa iba dahil paniguradong lalayuan nila ito. Naging malaking usap-usapan ang pagtanggap ng Princeton sa mga scholar students na kagaya nila. Dapat daw ay hindi sila tinatanggap dahil nga isang prestigious academy ang Princeton. Hindi maiwasan ni Nate na hindi makaramdam ng inis sa mga mayayaman na ganoon ang thinking. Porket mahirap ay hindi na pwede mag-aral sa prehistiyosong eskwelahan katulad ng Princeton? Samantalang pare-pareho lang naman silang estudyante. Ang pinagkaiba lang ay sanay silang kumayod para makuha ang gusto nila habang ang mayayaman ay hindi ganoon. Naglakad si Nate papunta roon sa counter upang bumili ng pagkain nilang dalawa ni Green nang biglang magkagulo ang mga estudyante dahilan para ma-stranded ito sa kanilang lahat. Malakas na tili ang umalingawngaw sa tenga ni Nate. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang apat na lalaki ang naglalakad papasok ng cafeteria. “ROZEN ~” rinig nilang sigaw. “Tumabi nga kayo riyan,” maangas na sabi noong isang lalaki. Lalong nagkagulo ang mga estudyante dahil sa sinabi nito. Wala siyang maintindihan sa nangyayari. Hindi niya ito kilala. Basta ang alam ni Nate ay apat sila at tinitilian sila ng mga babaeng estudyante rito. “Levi! Anakan mo na ako!” “Kiroooooo!” “Daleeeee!” “Saint!” Pilit na umalis si Nate sa mga estudyanteng nagkukumpulan pero sadya atang pinanganak si Nate na nakadikit sa kanya ang kamalasan dahil tumilapon lang naman ang kanyang bagong bili na cellphone na matagal na niyang pinag-ipunan sa gitna ng daan. Pilit niyang hinabol-habol iyon dahil nga kakabiliniya lang no’n at ilang buwan din niyang pinag-ipunan ‘yon pero ngayon ay wala na. Bakit? Dahil natapakan lang naman ng lalaking miyembro na may bitbit na gitara ng sinasabi nilang ROZEN ang cellphone niya. Halos manghinayang siya nang makita niyang basag ang screen nito at mukhang hindi na maaayos pa nang kuhain niya ‘yon mula sa sahig. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng inis kung kaya’t hinabol niya ang lalaking may bitbit na gitara sa likuran. “Hoy! Ikaw!” malakas na sigaw niya pero hindi nila ito pinansin. Tumingin sa kanya iyong Saint ata ang pangalan at tinapik ang kanyang kasama.   “Hoy! Ikaw na may hawak na gitara!” malakas ulit na sigaw ni Nate. Tinapik noong nasa kaliwa ang lalaking nasa gitna na tinutukoy niya kaya bahagya itong napatigil. Mabilis na pumunta si Nate sa harap niya dahil mukhang wala siyang balak na lingunin ito.   Tinitigan ni Nate ang lalaki. Nakasuot ito ng turtle neck na kulay itim at leather jacket na kulay brown na pinartneran ng itim na pantalon. Sukbit nito ang kanyang gitara habang ang kanyang buhok naman ay nakabrushed up. Mas matangkad ito kesa sa kanya at sa katunayan ay parang nanliit bigla si Nate dahil sa height difference nilang dalawa. “Tinapakan moa ng cellphone ko. Kailangan mo ito bayaran!” sigaw ni Nate sa kanya. Nagsimula magbulungan ang mga estudyante na para bang isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Nate sa kanila. Maging ang kaibigan niyang si Green ay naririnig nitong tinatawag na ang kanyang pangalan. Mabilis na pumunta si Green sa tabi niya at pilit din siyang hinihila nito paalis sa lalaking nakaapak ng kanyang cellphone. “Nate! Tara na! Mapapahamak ka lang sa mga ‘yan!” rinig niyang bulong ni Green sa kanya pero walang balak na magpatinag si Nate. Kailangan ng lalaking kaharap niya ngayon bayaran ang kanyang cellphone na matagal na niyang pinag-ipunan dahil siya mismo ang nakasira nito. Hindi siya makakapayag na hindi niya ito bayaran. Imbes na humingi ng pasensya ay tinaasan lang siya ng lalaking kaharap niya ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ay Levi ang pangalan ng lalaking kaharap niya ngayon na siyang leader ng sinasabi nilang band ana ROZEN ang pangalan. ROZEN? Tss. Saan naman nila nakuha ang pangalan na ‘yon? Masyadong corny. Sabi ni Nate sa kanyang isipan habang nakatitig pa rin sa walang emosyong lalaki na kaharap niya ngayon. Akala ni Nate ay hihingi ito ng tawad pero imbes na iyon ang matanggap niya ay isang masamang tingin lamang ang natanggap niya at pagkatapos ay saka nagsalita gamit ang baritonong boses. “Pakialam ko riyan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD