NANGANGALUMATA pa si Rika nang maupo siya sa bakanteng lamesa ng coffee shop. She is up all night working on her latest artwork when her sister called to meet up with her.
“Ano na naman kayang trip nang isang `yon at kailangang makipagkita pa sa akin ng ganito ka-aga?” Habang naghihintay ay namingwit nalang siya ng natuyong pinturang sumiksik sa kanyang mga kuko.
Erika Martinez is an up and coming visual artist known for her modern take on abstract painting. Kamakailan lang ay nagbukas siya ng isang art gallery kasama ang mga dalawa niyang kaibigan na kapwa artists din na gaya niya. So far, maganda naman ang itinatakbo ng GALLERIA.
“Hi, sis!” came the familiar voice of her sister.
Rika instantly saw herself wearing loose classy sundress, a two-inched wedge sandals and nude-tone make-up on her face framed by sophisticated wavy hair. Kumurap siya upang gisingin ang sarili. Hindi siya ang nakikita niya kundi ang kakambal niya.
“OMG! Is that… Riza Martinez?!”
“The latest addition to the Victoria’s Angel! And she’s Filipina!”
“That’s her, alright! Damn! Ang ganda!”
“Ang sexy!”
“Here they go again…” anas ni Rika habang naririnig ang kaliwa’t kanang bulungan ng mga tao sa paligid niya.
Sopistikada at babaeng-babae ang hitsura ni Riza kumpara sa ayos niya na parang katropa ng mga Minions dahil sa suot niyang lumang maong jumper-suit at flat sneakers. Basta nalang niyang ibinuhol ang buhok niya gamit ang isa sa mga lapis na nahablot niya mula sa mga art materials niya. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya dahil ilang araw na rin siyang walang tulog para sa artwork na pinagakaabalahan niya.
Nahinto sa paglalakad si Riza nang may grupo ng mga teenagers na humarang dito upang magpa-authograph. Maya-maya pa’y nakigaya na rin ang ibang miron. Hindi nagtagal at nagkaroon na ng instant photo op session sa gitna ng cozy coffee shop na iyon.
Napailing nalang si Rika. Iyon ang malaking pagkakaiba nila ni Riza. While her twin sister loves the attention of the crowd, Rika would prefer being on the shadows and mind herself as always. In fact, she resists being the center of attention.
Mayamaya’y pasimple niyang ibinagsak ang hibla ng buhok niya upang tabingan ang kanyang mukha.
“Hey, I saw that!” pukaw ni Riza nang makalapit ito.
“What?”
“Nilugay mo ang buhok mo.”
“So?”
“Bakit ba gustong-gusto mong tinatakpan ang mukha mo?”
“Kasi po, nasisilaw ako sa kagandahan mo.”
“Silly! Kambal tayo kaya pareho tayong maganda! Ikaw lang diyan ang ayaw mag-ayos. You always look like that…” Pagkuwan ay itinaas nito ang isa nitong kamay upang imuwestra sa kanya.
“You just motioned your hand on me, sister.”
“Well… you know what I mean.”
Tumaas ang kilay ni Rika. “What’s wrong with my look?”
Bumuntong-hininga ito. “Nevermind. Artists like you have your fashion that I cannot understand so… whatever!”
Nginuso nalang ni Rika ang kaibayong silya. “Sige na, maupo ka na. Kapag nagiba itong coffee shop dahil sa mga taong naging instant paparazzi dahil sayo, ikaw ang malalagot sa may-ari.”
Riza turned to the still gawking people behind her and shrugged her delicate shoulders before turning back at Rika.
“Why, I don’t see it as a problem. Nakatulong pa nga ang presence ko para madagdagan ang kita ng coffee shop na `to…”
“At nagyabang na po siya mga kaibigan!”
“I’m just kidding!” Natawa si Riza. Kahit ang pagtawa nito ay tila isang-daang beses na mas maganda kumpara sa kanya.
“Well I’m not kidding. Sasabunutan talaga kita kung hindi ka pa uupo. Sumasakit na ang leeg ko kakatingala sayo.”
“You don’t need to look up to me, Rika. That, you must know,” wika ni Riza bago tuluyang maupo.
Hindi alam ni Rika ngunit tila may may ‘double meaning’ ang sinabing iyon ng kakambal. Gayunman ay hindi na niya iyon pinagka-abalahang usisain pa. Matapos makaorder ng kape para sa kakambal ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at inusisa ang dahilan ng biglang pakikipagkita nito sa kanya.
“So, what is this ‘urgent matter’ that you want to tell me?”
“I need your help sis…”
Ah! Why I am not surprised? Sa isip-isip ni Rika. Lagi kasi siyang takbuhan nito kapag mangangailangan ito ng tulong.
“Mas mayaman ka kesa sa akin, kaya huwag mo akong utangan. Wala akong pera.”
“Ows? I heard, GALLERIA is picking up many clients lately.”
“Well, ganyan talaga. Magagaling ang artist doon eh. Lalo na `yung Erika Martinez.”
“Oh, sino ngayon sa atin ang mayabang?”
“Kumapara sa mga kasama ko sa gallery, humble pa ako ng lagay na `to.”
“Thank God I have a ‘humble’ sister then!”
“Amen! Pero hindi pa rin kita pauutangin `no!”
“Don’t worry, walang kinalaman sa pera ang tulong na hihingin ko sayo…”
“Mabuti naman. Dahil wala rin akong ipapangutang sayo.”
“Ang sabihin mo, kuripot ka lang kamo! Manang-mana ka kay Daddy!”
“Oo, kuripot na nga ako. Pero huwag mong idamay si Daddy. Nananahimik na siya sa langit. Tsk! Humahaba ang usapan eh… Ano bang tulong ang kailangan mo?”
“Pwede bang magpanggap ka bilang ako this coming weekend?”
“Magpanggap?” Na naman?
Di lang kasi minsan nilang nagawa ang bagay na iyon. Noong nasa elementary sila at biglang nagasakit si Riza, siya ang kumuha ng periodical test para rito. Magkaiba sila ng section at schedule ng exam kaya hindi nahalata ng teacher ang ginawa niya. Noong high school naman at nabunot siya bilang bida sa school play nila, si Riza ang agad na pumalit sa kanya dahil batid nito na ayaw na ayaw niya ang humaharap sa tao.
“May photoshoot ako sa Palawan at kailangan kita para—”
“No.”
“What ‘no’?”
“You know it’s not my thing posing in front of the camera.”
“Well, yeah. I know that very well.”
“E bakit gusto mo pang magpanggap ako bilang ikaw? Magkamukha lang tayo, pero hindi tayo magkapareho ng confidence level, Mariza.”
“Silly! Hindi ko naman sinabing magpose ka sa camera. I need you somewhere else.”
“Where else?”
“There’s someone I need to meet at the airport on Friday. Ang problema, iyon din ang araw nang alis namin papuntang Palawan for the weekend photoshoot.”
“Oh! I get it now. You can’t be in different place at the same time. That’s why you need me to go to the airport in your behalf?”
“At samahan siya for the entire weekend habang wala ako.”
“Bakit ako pa? Hindi ba pwedeng ibang tao nalang ang pakiusapan mo?”
“Dahil mahalaga sa kanyang ‘ako’ ang makita niya at hindi ibang tao. And since we have ‘the same’ face. There won’t be a problem kahit na ikaw ang sumundo sa kanya.”
Rika thought about it for a moment. Natutukso siyang tumanggi lalo pa’t busy rin siya sa kaniyang mga pinipinta. Ngunit nang balingan niya ang kanyang kakambal ay nawala na iyon sa isip niya. Simula pagkabata, siya na palagi ang takbuhan ni Riza sa tuwing may pinoproblema ito. They may be different in many ways, but still they do have this twin-obligation-sort-of-thing between them.
“Fine. I’ll do it!”
“Have I ever told you, you’re the best twin sister I’ve ever had?”
“Ako lang naman ang twin sister mo `no!” She took her cup of coffee and sip from it. “So, sino ba itong VIP na kailangan kong sunduin sa airport?”
“Oh! Kilala mo siya actually.”
“Sino nga?”
“My boyfriend…Dylan Delavine!”
Bigla niyang naibuga ang hinihigop niyang kape.
IBINAGSAK NI RIKA ang kanyang sarili sa kama. Magmula nang maghiwalay sila ni Riza ay lumutang na sa kawalan ang isip niya.
Dylan Delavine. How could she ever forget that name? Schoolmate nila ito ni Riza `nung college at naging classmate niya rin sa ilang minor subjects. Bida ito palagi sa mga popularity contest sa kanilang paaralan dahil nangingibabaw ang kagwapuhan at kakisigan nito. Maganda ang naging kombinasyon ng genes ng ama nitong Aussie at nanay nitong Filipina kaya nagmistula itong Moreno version ni Liam Hemsworth— tall, athletic built, brownish-haired, with wide playful smile and tantalizing pair of eyes.
Present ito noong debut party nila ni Riza. He looks so tall, so dreamy, and so handsome! Especially that time when he wears the royal blue prince attire. Bago pa mag-focus si Rika sa abstract painting, una na niyang nakagiliwan ang Surrealism o `yung genre ng art na para bang sa panaginip lang nag-e-exsist. Masasabi niyang binuhay ni Dylan ang artistic bones niya sa katawan at naging muse niya, in an instant.
Malapit si Dylan kay Riza dahil madalas na ang mga ito ang magkapareha sa contest na sinasilihan ng mga ito noon. Lihim na nagdidiwang si Rika sa tuwing dumadalaw si Dylan sa bahay nila noon dahil nasisilayan niya ang binata. Ngunit kaagad ding naglaho ang pantasya niya para rito nang malaman niyang nililigawan na nito si Riza.
She saw that coming though. Ever since then, she knew that Dylan is specifically eyeing for Riza. Kaya hindi na siya nagtaka nang sumunod ito sa Australia kung saan din nagtugo si Riza upang pasukin ang mundo ng pagmomodelo.
It’s been five years since she last saw the guy. At sa loob ng limang taon na `yon, alam niya sa sarili niyang naisantabi na niya ang dati niyang damdamin para rito. `Yun nga lang, hindi pa rin niya maiwasang makadama ng tensyon para sa gagawin niyang pagpapanggap. Afterall, Dylan is the very first guy she had laid her eyes with eversince.
“SA DAMI NG ARAW, na magpapalate ka Rika. Bakit ngayon pa?”
Panay ang pagkondena ni Rika sa kanyang sarili habang tumatakbo patungo sa terminal kung saan niya dapat aabangan si Dylan. Kagabi pa tumulak si Riza patungo sa Palawan.
“Excuse me, Miss! Dumating na ba `yung flight galling sa Melbourne?” humihingal na tanong ni Rika sa namataan niyang airport attendant.
“Yes Ma’am. One hour ago na po.”
One hour ago?! “O-Osige, salamat!”
Nagpalinga-linga si Rika sa pag-aasang mamataan niya si Dylan na naghihintay sa kanya. Abala siya sa pagsuyod sa paligid nang biglang tumunog ang cellphone niya.
“Hello?” she answered while still looking around.
“Hi,” wika ng hindi pamilyar na boses.
Napahinto si Rika. Sinilip niya ang cellphone upang alamin kung sino ang tumatawag ngunit hindi iyon nakaregister sa phonebook niya.
“Sino ka?”
“Don’t you recognize my voice?”
“Tatanungin ko ba kung sino ka, kung kilala kita?” naiiritang sabi niya.
“Well, can you guess then?”
Umikot ang mga mata ni Rika. “Look, I don’t have time for this nonsense. Humanap ka ng ibang bubulabugin! Bye!” She ended the call swiftly. Ngunit muli iyong tumunog kaya asar na sinagot uli iyon ni Rika. “Ano ba?!!”
“Bakit mo ako pinatayan ng telepono?”
“Duh! Malamang dahil ayokong makipag-usap sayo!”
“Ang sungit mo naman. Isang taon na nga tayong hindi nagkita, tapos ayaw mo pa akong kausapin. You are hurting me, babe.”
Babe?
Parang pinompyang ang ulo ni Rika nang may bigla siyang mapagtanto.Tsaka lang niya naalala na sinabihan nga pala siya ni Riza na ibinigay nito kay Dylan ang number niya upang ma-contact siya pagdating nito.
“D-Dylan?!”
“Yes. It’s me.”
Mabilis nakadama ng magkahalong excitement at kaba si Rika lalo’t napagtuunan na niya ng pansin kung gaano kagwapo ang boses nito sa kabilang linya.
Damn! What a voice!
“Is this the consequence of having a long distance relationship with you? Hindi mo na nga ako sinalubong sa pagdating ko, tinatarayan mo pa ako…”
“Sorry! Akala ko kasi kung sino…”
“So you really didn’t recognize my voice?”
“Medyo maingay kasi dito sa kinatatayuan ko kaya hindi ko nakilala ang boses mo. Sorry talaga,” palusot niya. “And I’m so sorry, I’m late!”
“I will only accept your apology in one condition.”
“What condition?”
“Hug me.”
“Hug… you?” Kala ko naman kung ano na! “E nasaan ka ba?”
“Behind you.”
Kaagad lumingon si Rika. Ngunit mabilis ding natigilan nang sumubsob ang mukha niya sa isang malapad ngunit napakabangong bagay.
“Sor—”
“Nevermind. I’ll just hug you myself…” wika ng lalaking nakatayo sa likod niya. Pagkuwan ay naramdaman niya ang pagpulupot ng dalawang braso sa bewang niya saka sinundan ng pagbulong. “I’ve missed you so much, babe.”
Parang nayanig ang mundo ni Rika hindi dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Dylan kundi dahil sa ginawa nitong pagbulong sa kanya!
A taunting sensation immediately crept on her system when she felt his warm breath touched the sensitive skin of her right ear.
Anak ng!