BADUY NA BADUY si Rika sa tuwing nakakapanuod ng ganitong eksena sa mga palabas sa TV. Para kasing hindi natural ang biglang pagfi-freeze ng paligid sa tuwing nagyayakap ang mga bida sa isang ‘reunion scene’, but she just proved herself wrong having experienced it personally! She really did freeze on the spot.
Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto silang nasa ganoong ayos ng lalaki bago ito nagpasyang bumitaw sa kanya. Ngunit kapareho nang hindi niya pagiging handa sa ginawa nitong pagyakap at pagbulong sa kanya, hindi rin niya inasahan ang makita ang lalaki ng harap-harapan.
This is… Dylan?!
Hindi na ito `yung mala-drawing sa fairytale books na biglang nagkabuhay. Rather, he looks as if he jumped out from the glossy cover page of GQ Magazine!
Mas matangkad pa ito kaysa noong huling beses niya itong nakita. He seemed to be around six feet or even taller. His physique and body features are more defined and firm-looking. Wide chest, broad shoulders, robust arms. His once before boy-cut brownish hair has grown a bit longer and ruffled. A trace of five o’clock shadow accentuates his gorgeously-shaped jaw. That pair of slightly-bluish eyes seem to glitter against the light of the airport as he looks down at her.
Parang gustong i-angat ni Rika ang kanyang isang kamay at padaanin ang kanyang daliri sa arko ng mga kilay ng lalaki papunta sa matangos nitong ilong hanggang sa makurba nitong mga labi para lang mapatunayan na totoong nag-e-exist nga ang ganoong kagwapong nilalang sa kanyang harapan.
“I… uh…” Tumikhim siya. “I… missed you too?”
Kumunot ang kilay nito. “Bakit parang labas sa ilong `yan? And here I thought you’re sorry for being late.”
“I mean it! Nagka-aberya lang ako kaya ako natagalan.”
“Nagka-aberya? You mean, work?”
Tila nagkaroon ng apprehension sa tono ng binata. Bigla siyang natauhan. Kaya nga pala siya nandoon ay para maiwasan ang ‘ganoong’ dilemma ni Dylan.
Okay, Rika. It’s showtime!
“It’s not about work. Naipit lang ako sa traffic kaya medyo na-delay ako.”
“Is that right?”
“Don’t you believe me, hmm?” Kumapit siya sa isang braso ni Dylan na tila naglalambing. Huwag kang maiilang, Erika! Huwag kang maiilang!
“Well…”
Mas hinigpitan ni Rika ang kapit niya sa braso ng lalaki. Grabe! Ang firm ng arm muscles, in fairness! “Come on! I’m telling the truth!”
Bahagyang natawa si Dylan. “Fine, naniniwala na ako. HUwag mo nang panggilan ang braso ko.”
“Oops! S-Sorry!” tila napahiyang dumistansya siya rito.
“Oh, bakit lumayo ka?”
“S-Sabi mo kasi…”
“Wala akong sinabing lumayo ka, silly. I like it when you’re near me. Come here…”
Hindi na nakahuma si Rika nang bigla nalang siyang kinabig ni Dylan upang akbayan. He even locked his one arm across her shoulders and put her one arm around his taut hips! Dikit na dikit ang mga tagiliran nila, kahit hangin ay hindi makakadaan sa pagitan nila. Pagkuwan ay bahagyang kumilos si Dylan upang samyuin ang buhok niya.
“Hmm… you changed your shampoo?”
Biglang nanigas si Rika. How can a simple act of smelling her hair gives a tiny wave of shiver in her spine?
Hallucination mo lang `yan, Erika. Magfocus ka na nga!
“I… uh…” Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. “May nakita akong bagong commercial sa TV. Mukhang okay naman, kaya sinubukan ko. Pero babalik na ako sa dati kong ginagamit,” wika niya nang mapansin niyang tila nagulumihanan si Dylan sa sinabi niya. Or was it just because, he likes the smell of Riza’s shampoo very much, he can’t seem to understand why she’d changed it.
Well duh! Malay ko bang adik siya sa amoy ng shampoo ni Riza?!
Hahalungkatin nalang niya sa stock cabinet niya ang mga beauty products na ibinigay sa kanya ni Riza. Siguradong may shampoo doon.
“Something’s different about you,” wika ni Dylan pagkuwan.
“I know. The shampoo.”
“Hindi lang `yon.” Biglang humalukipkip si Dylan at hinagod siya ng tingin.
MATAMANG TINITIGAN ni Dylan ang ayos ng kanyang nobya. Wala kasi sa hinagap niya na haharap ito sa kanya ng ganoon ang hitsura.
“For instance, you dress differently. You don’t wear any make up. And you don’t have nail polish,” Dylan said as he points out every details he found different about her.
Not that there is something wrong in her outfits. He actually preferred her looking simple as much as possible. It’s just that he knew very well how much his girlfriend pays great deal of attention in grooming herself. Although she doesn’t look bad—she would never look bad—she just looks… different.
Mabilis niyang binalikan ang panahong nakasama niya itong tumira sa Australia. Nagsisismula palang ito sa pagmomodelo habang siya nama’y nagsisimula rin sa pagpapapatakbo ng textile company ng namayapa niyang ama. Magkasama silang nagkolehiyo sa Pilipinas at masasabing may matatag nang pinagsamahan kaya nang niligawan niya ito ay hindi siya nito binigo.
Subalit mas prioridad ni Riza ang career nito, at bilang nobyo, sinoportahan niya ito. Kahit pa ang ibig sabihin noon ay ang pagbalik nito sa Pilipinas at iwan siya sa Australia. Limang taon na niyang nobya si Riza ngunit noong isang taon lang ay nagtiis siya sa long-distance relationship nila.
Sa eroplano palang ay inaaticipate na niya ang muli nilang pagkikita kaya aminado siyang nadisappoint siya nang hindi siya nito sinalubong kanina. But then, his disappointment was automatically wiped out when he saw her rushing towards the open space of the arrival area. Nalibang siyang panuorin ito habang parang hilong-talilong ito sa paghahanap sa kanya—which is kinda cute dahil ngayon lang niya nakitang mawala sa poise ng ganoon si Riza. Palagi kasi itong sopistikadang gumalaw.
Hindi na kinaya ni Dylan ang paghihintay na mahanap siya nito. Siya na mismo ang lumapit dito. Ni hindi na rin niya nahintay na magawa nito ang ‘kondisyon’ niya—una na siyang yumakap dito ng mahigpit.
Which reminds him; even on the way she hugged him back is different. Para bang nagho-hold back ito na hindi niya mawari.
“ANG SHUNGA MO TALAGA!” Binatukan ni Rika ang sarili sa kanyang isip. Sa kanyang pagmamadali kanina, nakalimutan na niyang mag-ayos ng kagaya ng kakambal niya.
This is Rika’s usual get-up—plain shirt topped with dark cardigan, pair of ripped-jeans and flat sandals. Hindi rin siya naglagay ng nail-polish dahil abala lang `yon sa pagpipinta niya. Isa pa, madalas rin namang makulayan ang mga daliri niya ng mga pinturang ginagamit niya.
Pero hindi mo naman pwedeng idahilan iyon kay Dylan dahil hindi naman ikaw si Rika. Ikaw ngayon si Riza, paalala ng konsensya niya. Kaya mabilis siyang umisip ng palusot.
“Oh, this? Let’s just say, I am in disguise,” kalmadong sabi niya. “Ayaw ko kasing makilala ako ng tao habang nasa public place ako. But don’t worry, I’ll definitely dress up next time…”
“I like it.”
“I know. Kaya nga next time, mag-aayos na talaga ako. Promise.”
“No. I mean, I like how you look right now.”
“Ha?” Nabingi ata si Rika. Gusto daw nito ang hitsura niya na mukhang napadaan lang at bibili ng something sa grocery store? “Seryoso ka?”
Dylan chuckled. “I told you, I don’t care how flambouyant you may look in your flashy clothes. I like you dressing simple. Kahit pa magsuot ka ng basahan ngayon, maganda ka pa rin sa paningin ko. At para sa akin, mas maganda ka kapag walang make-up.”
Parang kiniliti ang puso ni Rika dahil sa sinabi ni Dylan. Ibig bang sabihin, nagagandahan ito sa kanya ngayon?
Asa ka naman, Rika! Ang alam niya, si Riza ang kausap niya. Girlfriend niya. Natural, hihirit `yan ng ganong pambobola!
“Let’s go?”
Dylan took her hand and entwined their fingers as he tags her along and leads the way. Wala nang nagawa si Rika kundi ang magpatianod at sumunod sa lalaki.
Ganito pala ang pakiramdam ng may kaholding-hands-while-walking?
You mean, ganyan ang pakiramdam ni Riza kapag magkahawak-kamay sila ni Dylan?
So mukhang napaniwala nga niya ang lalaki na siya si Riza. Kung ganoon, wala siyang dapat na ikabahala. Feeling giddy and excited is part of being Riza. And she’s feeling giddy and excited right now!
SA EMERALD PALACE sila dumeretso ni Dylan pagkagaling sa airport. Pigil na pigil ni Rika ang mapa-wow nang makatapak siya sa engradeng lobby ng nag-iisang seven-star leisure hotel na nakatirik di lamang sa buong Manila kundi sa buong Pilipinas. Kabilang din ito sa top-ten luxury hotel sa buong Asia kahanay ang Burj Al Ahrab sa Dubai at Marina Sands sa Singapore.
“Here’s your room key, Mr. Delavine. Welcome to Emerald Palace,” wika ng receptionist na kausap ni Dylan.
“Thanks.”
Napapantastikuhang sinulyapan ni Rika ang binata. Hindi niya alam kung manhid o sadyang hindi lang nito pinansin ang impit na kilig na pinakawalan ng receptionist. But obviously, he was used to this kind of situation.
“Malapit na akong matunaw…”ani Dylan habang naglalakad sila patungo sa elevator.
“Huh?”
Bumaling ito sa kanya. Nakangiti. “Kanina mo pa kasi ako tinitingnan, babe. And honestly, I feel like I’m melting right now.”
“I’m just wondering how I was able to survive not seeing you for the entire year,” muli ay palusot niya.
“You tell me. Ikaw `tong palaging busy sa trabaho mo, you barely answer my video calls to you.”
“Really?!”
“Di mo akalaing isang taon mo akong tinikis?”
“Ah eh… Buti di ka nagalit?”
“I understand that your priority is your work. And I support you on that. But if you’re gonna asked me how I survived without contact with you for a year, madali lang ang sagot ko diyan. I just look at your picture everytime I miss you.”
“Sigurado ka bang picture ko ang tinitingnan mo? I’m sure, maraming girls ang nagkakandarapa sayo sa Australia.”
Based from his undeniable charisma and great reputation in the Australian business industry, Dylan will never be off the limelight. Besides, he is still a bachelor—so naturally, women swoon around him.
A thin mischievous smile started to curve on the corner of his lips.
“Is that a sound of jealously I’m hearing right now?”
“Why, is there a reason to get jealous?”
Biglang napahinto sa paglakad si Dylan at hinarap siya. Nagsukatan sila ng tingin. Lalo lang tuloy napatunayan ni Rika na kulay asul ang mga mata nito. He must have inherited that to his Aussie father. Unti-unti itong yumuko upang magkatapat ang height nilang dalawa. Until they are literally face-to-face with one another.
“Hmm, I didn’t know you can be so possesive, babe…”
“I-I’m not being possessive. Wala naman akong magagawa kung titingin ka sa ibang babae habang magkalayo tayo…” I mean kayo, ni Riza.
Tinangka ni Rika na iiwas ang tingin niya sa lalaki ngunit pinigilan siya nito. He held her chin and gently turned her face towards him.
“Why would I look to other girls if I already got mine? Loyal ako sa`yo kaya wala kang dapat na ipagselos. Hmm?”
Rika was supposed to be relieved dahil sa kaalamang hindi nagtataksil ang lalaki sa kanyang kakambal, ngunit hindi niya magawang pakalmahin ang pagdagundong ng kanyang dibdib na resulta nang pagkakalapit ng mukha nila ng lalaki. Sa halos isang dangkal na distansya ng mga mukha nila, nakita niya ang kapilyuhan sa mukha ni Dylan habang patuloy siya nitong pinagmamasdan.
“E-Edi mabuti!”
“How about you? I hope you’re not messing around while we are apart…”
“Messing around? You know I don’t have time for that,” giit niya.
Kilala niya ang kakambal niya, hinding-hindi nito magagawang makipag-flirt sa ibang lalaki gayong may ka-relasyon ito. Besides, Dylan has already the full package, tanga nalang si Riza kung pakakawalan pa nito ang lalaki.
“Yes, I know. You’ll never cheat on me, right babe?”
“Of course not!”
“And you’ll never lie to me.”
Hndi siya kaagad nakasagot. Palibhasa aware siya sa katotohanang ‘nagsisinungaling’ siya ngayon dito.
This is a white lie. White lie is not bad…