Chapter 3

1683 Words
“Nangibabaw ang isang malakas na sipol sa katahimikan ng burôl at sinundan naman ito ng malakas na huni ng isang Agila na kay tayog ng lipad mula sa himpapawid. Kasing ganda ng mga ngiti ko ang kagandahan ng kalikasan na nakalatag sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng humaplos ang malamig at sariwang hangin sa balbon at malagatas kong balat. Ang lugar na aking kinaroroonan ay napapaligiran ng mga kabundukan at matataas na mga puno na hitik sa bunga. Ngunit higit na mataas kaysa sa lahat ang bundok na aking kinaroroonan. Ang nakamamanghang ganda ng kalikasan ang siyang pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ko. Nakangiti na pinagmasdan ko ang aking alagang agila na kasalukuyang nagpapa-ikot ikot sa kalangitan. Buong pagmamalaki nitong iniladlad at ibinuka ang kanyang malapad na mga pakpak at malayang lumipad ng pagka taas-taas na wari moy isang hari sa himpapawid. Maya-maya ay mabilis itong lumipad paibaba patungo sa aking direksyon. Mabilis naman akong tumakbo paakyat sa pinakang i-tuktok ng burôl at mula sa aking likuran ay siya namang pagsulpot ni Sky, ito ang pangalan ng aking kaibigang Agila. Sinasabayan nito ang bilis ng aking pagtakbo. Pagdating sa tuktok ng burôl ay hinihingal na huminto ako. Habang si Sky ay nilampasān ako nito at malayang nagpatuloy sa kanyang paglipad habang nagpapakawala ng malakas na huni na siyang kinatatakutan ng ibang hayop sa gubat. Walang hirap na nag lambitin ako sa bawat sangâ ng pinakamataas na puno hanggang sa narating ko ang mataas na bahagi nito. Inilagay ko ang dalawang daliri ko sa pagitan ng aking bibig at muling nagpakawala ng isang marahas at malakas na sipol. Napangiti ako ng muling lumitaw si Sky at humuni rin ito ng malakas bilang tugôn. Halos umawang ang aking bibig, dahil mula dito sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang kabuuang tanawin ng Sierra Madre. Maging ang mga kagubatan na nababalot ng makapal na luntiang dahon ng maraming halaman. Kahali-halina ang natural na ganda ng kalikasan na wari moy isang paraiso. Ilang sandali pa ay dumapo sa aking balikat ang alaga kong si Sky, hindi alintana ang matalim nitong mga kuko na halos bumaon na sa aking balat. Isa siyang klase ng agilang Haribon na may kayumanggi at puting balahibo. Matapang ang alaga kong ito, at tanging sa akin lang siya nakikinig at lumalapit. Ako si Zanella, isang simpleng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra Madre, at mula pagkabata ay si Sky na ang lagi kong kasama. Hindi ako tulad ng ibang mga babae na mahinhin at laging may magandang kasuotan na nakikita ko sa tuwing bumababâ ako ng bundok. Hindi ako marunong magbasa dahil hindi ako nakapag-aral. Ang tanging kaya ko lang isulat ay ang aking pangalan. Ang tanging alam ko lang gawin ay mangahoy at mangaso na natutunan ko mula sa aking Abuela. Pinalaki ako ng aking Abuela na malayo sa lahat, kaya hindi ko naranasan ang magkaroon ng kaibigan, ni ang makipag-usap sa ibang tao. Kapag bumababâ ako sa bayan para maghatid ng aming mga ani ay sa iisang tao lang ako pumupunta, At iyon ay sa kaibigan ng aking abuela. “Ang ganda diba?” Nagagalak kong tanong sa aking alaga na parang akala mo ay nauunawaan nito ang mga sinasabi ko. “Sky, nang dagit ka na naman ba ng daga?” Naiinis kong tanong ng makita ko ang mga tuyong dugo mula sa matalas nitong kuko. Humuni ito ng pahapyaw at bago ko pa man siya mahawakan ay mabilis na itong nakalipad palayo. Malakas talaga ang pakiramdam ng ibong ito dahil alam kaagad nito ang gagawin ko. “Yeah! Bumalik ka dito! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang papatay!” Naiinis kong sabi sa malakas na tinig habang nagla-lambitin pababa ng puno. Masyado kasing malambot ang puso ko, at sa lahat ng ayoko ay iyong pumapatay. Pero ang alaga kong ito ay matigas ang ulo dahil madalas itong manila ng ibang hayop. Marahil ay iisipin ng iba na isa akong baliw dahil tila isang tao kung itrato ko ang aking alaga. Masisisi ba nila ako kung wala naman akong ibang makausap maliban sa alaga ko? Isang malakas na sipol ang aking pinakawalan at narinig ko na tumugon naman ito sa akin. Umiiling na naglakad na lang ako pauwi ng bahay dahil siguradong hinahanap na ako ng Lola ko. Pagdating sa aming maliit na kubo ay sumalubong sa aking paningin ang lola kong nahihirapan na sa pag-ubo. Nagmamadali akong tumungo sa kusina at kumuha ng tubig mula sa takurè na nakasalang sa kalan. May ilang piraso pa ng baga sa ilalim nito upang mapanatilling mainit ang tubig. “Lola, uminom muna kayo ng tubig.” Nag-aalala kong sabi bago tinulungan siyang makabangon. Masuyo kong hinagod ang kanyang likod upang kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam nito. Pagkatapos uminom ay humingā siya ng malalim, saka nakangiti na lumingon sa akin. “Nagpunta ka na naman ba sa burôl?” Nakangiti niyang tanong sa akin ngunit ang mga ngiti nito ay walang buhay. Dahil halata sa mukha niya na tinitiis lang nito ang kanyang sakit. Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, natatakot kasi ako na baka pagalitan na naman niya ako. Masungit kasi si Lola Iñes at lagi akong nakakatikim ng sermon mula sa kanya. Ang totoo n’yan ay kinatatakutan ng mga tao ang lola ko dahil sa sama ng ugali nito kaya wala ni isa mang tao ang napapagawi dito. Nauunawaan ko kung bakit siya nagsusungǐt at pilit na tinataboy ang lahat ng nagtatangkâ na lumapit sa aming bakuran. Dahil pinoprotektahan lang ako nito laban sa mga taong may masamang hangarin sa akin. Umangat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ang makinis kong pisngi. “Ang tigas talaga ng ulo mo, kailan ka ba makikinig sa akin?” Panenermon niya sa akin kaya nagbaba ako ng tingin, kilala talaga ako ni Lola at kahit hindi pa ako sumasagot ay nahulaan na kaagad nito. “Huh? Lola, paano mo nalaman? Lumabas ka ba kanina at sinundan ako?” Namamangha kong tanong, “ouch! Masakit La.” Reklamo ko ng batukan ako nito sa ulo. Sa totoo lang ay umaarte lang naman ako dahil ang kamay ng lola ko ay wala ng lakas. Tila ito isang papel sa gaan. “Kita mo na pumunta ka nga sa burol, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na delikado ang pumunta ka pa doon, Z-Zanell...” ani nito ngunit saglit itong natigil sa pagsasalita dahil inatake na naman ito ng ubo. Muli kong hinagod ang kanyang likod at kahit nahihirapan itong magsalita ay pinilit pa rin niya. “M-Makinig ka, Apo, dalaga ka na, at ngayon ang ika labing walong kaarawan mo. Hindi na kayang ikubli ng iyong balabal ang magandang mukha na ‘yan. Kahit magsuot ka pa ng malaking damit araw-araw ay hindi rin mapipigilan nito ang malaking pagbabago ng iyong katawan. Mas lalo kang malalagay sa panganib kung pupunta kang mag-isa sa burôl.” Hinihingal niyang pahayag bago malungkot na ngumiti sa akin. Natahimik akong bigla dahil labis akong naninibago sa kakaibang awra ng aking lola. “Ang mga matang ‘yan ang labis na bumighani sa akin, dahil iyan ang pinakamagandang mata na nasilayan ko sa buong buhay ko.” Madamdaming pahayag ni lola kaya matamis akong ngumiti sa kanya at saka masuyo itong niyakap. Bata pa lang ako ay alam ko na isa lang akong ampon at patunay ang pagkakaiba ng aming mga mata. Dahil ako ay mayroong berdeng mga mata habang ang aking lola naman ay may itim na mga mata. Maging sa balat ay malaki rin ang aming pagkakaiba, ika nga gatas ako, kape naman siya. Dahil ang lola ko ay may lahing Ita kaya maitim ang kanyang balat. Ito ang isa sa dahilan kung bakit inilalayo ako ni lola sa lahat dahil makailang beses na akong kamuntikan ng magahasa. Mabuti na lang ay nandyan si Lola, at si Sky na laging nakabantay sa akin. “Eh, Lola, kasama ko naman si Sky, eh.” Parang bata na sagot ko sa kanya kaya natawa siya sa akin. “Bakit ba masyado kang tiwala diyan sa alaga mo?” Nakangiti niyang tanong habang inaayos ang buhok ko sa gilid ng aking tenga. “Lola magaling si Sky, nakita mo naman kung paano niya ako ipinagtanggol noon mula sa lalaking salbahe. Hindi talaga niya tinigilan sa pag-atake ang lalaki hanggang sa tuluyan itong tumakbo palayo.” Humahanga kong kwento habang inaalala ang insidenteng iyon. “Matanda na ako, Zanell, hindi ko rin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko dito sa mundo. Kaya lagi mong tatandaan na ingatan mo ang iyong sarili.” Malumanay na pahayag ni Lola kaya biglang lumambong ang expression ng mukha ko. Binalot ng pangamba ang puso ko dahil sa matinding takot. Hindi ko yata kakayanin ang mawala sa akin ang pinakamamahal kong lola. Tanging sila lang ni Sky ang meron ako. “La, ano ba ‘yang sinasabi mo? Walang mawawala at walang aalis. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na lang muna, kukuha lang ako ng mga panggatong diyan sa likod bahay.” Nakangiti kong sabi bago siya inalalayan na humiga. Tahimik naman siyang sumunod sa akin. Nang makita ko na pumikit ang kanyang mga mata ay tumalikod na ako upang lumabas ng bahay. Bitbit ang gulôk na tinungo ang masukal na bahagi ng aming bakuran. Nakaka-isang putol palang ako ng tuyong sangâ ng makarinig ako ng isang malakas na pagbagsak ng isang bagay. Sa lakas nito ay halos mayanig ang lupa kaya mabilis kong tinungo ang pinanggalingan ng ingay. Hinihingal na huminto ako malapit sa isang matarǐk na bangin. Namangha ako ng makita ko isang helicopter na nasa gilid ng bangin. Mula sa bintana nito ay nakita ko ang isang lalaki na walang malay habang nakayukyok ang ulo. Halos naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Mabilis akong lumapit ng marinig ko ang ungol ng tao mula sa loob. Matinding awa ang naramdaman ko ng makita ko ang isang matandang lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit? ngunit saglit akong natulala ng magpanagpo ang aming mga mata.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD