bc

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
arrogant
boss
heir/heiress
bxg
lighthearted
musclebear
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mula sa mahabang hapag kainan ay tahimik na nakaupo ang may nasa limang tao. Si Gracia, ang bunso sa magkapatid na Aragon. Makikita sa maganda niyang awra ang pagiging elegante, walang kasing hinhin ang bawat kilos niya kaya nagmukha siyang high class sa paningin ng lahat. Ang kanyang balat ay wari moy kailanma’y hindi nasayaran ng pekeng ginto. Patunay ang kumikislap na malaking dyamante mula sa mamahaling kwintas na nakasabit sa kanyang leeg. Sa tapat ng inuupuan ni Gracia ay si Esmeralda, siya ang pangalawa sa magkapatid na Aragon. Mula sa tabi nito, sa kanang bahagi, ay ang kanyang asawa, si Lucio na may seryosong mukha. Tahimik man silang tingnan ngunit kay bigat ng kanilang mga awra. Mula sa tuwid na pagkakaupo at matapang na expression ng kanilang mga mukha ay mahahalata mo na may ugaling arogante ang mga ito. Sa kaliwang bahagi ni Esmeralda ay ang anak na si Patricia. Mula sa kilay nito na tila perpektong iginuhit ay hindi maikakaila ang pagiging mataray ng dalaga. Ang bawat kilos nito ay wari moy inaral, hindi nalalayo ang malahigh class nitong dating na maihahalintulad sa kanyang ina. At hindi rin maikakaila ng expression sa kanyang mukha ang mataas na tingin niya sa sarili. Nag-iisa siyang anak nina Esmeralda at Lucio. Ang dalaga ay may mataas na pinag-aralan kaya inaasahan ng mag-asawa na ang anak nila ang isa sa magmamana ng kumpanya ng mga Aragon. Mula sa kabilang bahagi ng lamesa ay tahimik na nakaupo si Rosario Aragon. Siya ang asawa ng yumaong si Ismael Aragon, ang nakatatandang kapatid nina Esmeralda at Gracia. Mula sa pagiging simple nito ay makikita mo ang malaking pagkakaiba niya sa lahat. Maihahalintulad siya mula sa panahon ni Maria Clara dahil masyadong conservative ang klase ng pananamit nito. Kapansin-pansin ang matalim na sulyap ng magkapatid sa kanyang direksyon, ngunit nanatiling patay malisya si Rosario na wari mo’y sanay na sa presensya ng mga taong nasa paligid niya. “Gracia, nakapagtataka na hindi mo ngayon kasama ang iyong asawa na si Manuel?” Ang tanong ni Esmeralda sa kanyang bunsong kapatid bago dinampot ng namimilantik nitong mga daliri ang isang mamahaling tasa na may nakaukit na isang magandang disenyo ng floral. Normal mang matatawag ang tanong na ito ngunit para sa lahat ng naroroon ay ramdam nila ang sarkastikong tono sa pananalita nito. Ito ang katanungan na siyang bumasag sa katahimikan nilang lahat. Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Gracia, kasunod nito ay ang pag-angat ng kaliwang kilay niya na wari mo’y nagtataray. “Salamat at naalala mo ang aking asawa, Ate, kasalukuyang abala ngayon si Manuel ko sa aming mga negosyo. At wala na siyang oras pa para dumalaw dito.” Mahinhing sagot ni Gracia ngunit sa huli ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa namumula nitong mga labi. Napalis ang ngiti sa mga labi ni Esmeralda at naging seryoso ang expression ng mukha nito. At muli, katahimikan... Ilang sandali ay pumailanlang sa buong paligid ang tunog ng isang bagay na tila tumutoktok sa sahig na may kasamang ilang mga yabag. Nang marinig ito ng lahat ay inihanda nila ang pinakamaganda nilang ngiti at tila nasasabik na makita ang nagmamay-ari ng ingay na ‘yun. Maya-maya mula sa pintuan ng dining room ay lumitaw ang isang matandang lalaki na may dalang itim na tungkod. Halos sabay-sabay na tumayo ang lahat at hinintay na makalapit ang matandang lalaki sa pinaka sentro ng lamesa. Siya si Don Rafael Aragon ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Aragon real estate & Development company sa bansa. Sa lawak ng lupain nito at sa dami ng mga ari-arian ay labis siyang tinitingala ng lahat. Ngunit sa kabila ng yaman nito, ang buhay niya ay nababalot ng kalungkutan. Dahil isa siyang biyudo na tanging sa mga negosyo lang umiikot ang kanyang buhay. At ngayon, ang isa sa kanyang problema ay kung kanino ipapamana ang kanyang maiiwang ari-arian. Ang lahat ay pawang nakayuko ang mga ulo, bilang pagbibigay respeto sa haligi ng kanilang tahanan. Nanatiling seryoso ang mukha ni Don Rafael, dahil higit siya ang nakakakilala sa mga tao na nasa kanyang harapan. Imbes na magdiwang ang kalooban dahil kumpleto ang kanyang pamilya ay tila bumigat lang ang loob ng matanda. Batid niya ang dahilan kung bakit laging nandito ang kanyang mga anak kasama ang mga pamilya nito. Ilang buwan na lang ang natitira niyang panahon dito sa mundo dahil may taning na ang kanyang buhay. Ngunit alam niya na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagkukumahog ang mga ito na makuha ang kanyang atensyon. Iyon ay walang iba kundi ang kanilang mga mana. Pinuno ni Don Rafael ng hangin ang kanyang dibdib at ilang segundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan. Labis siyang nalulungkot kung bakit ang mga ito ay tila nagsaulian na ng kandila, nang dahil lang sa pera. Kinalimutan na nila ang salitang pamilya na labis na paghihinagpis ng kanyang kalooban. Nang makalapit siya sa lamesa ay kaagad na hinila palayo ng personal maid nito ang silya upang siya ay makaupo. Nang makaupo na ang Don ay saka naman nagsi-upo ang lahat sa kani-kanilang upuan. Maingat na kinuha ni Don Rafael ang news paper na nasa kanyang tagiliran at saka binuklat ito. Binasa ang nilalaman nito gamit ang kanyang mga mata. “Papa, may pasalubong para sayo ang apo mong si Brian, isa itong mamahaling tsaâ na nagmula pa sa Wuyi Mountain, ang Da hong pao tea.” Si Gracia na kasalukuyang inilalabas mula sa magandang paper bag ang isang may kalakihang kahon na naglalaman ng sinasabi nitong tsaâ. Halos nagkakahalaga ito ng klahating milyon. Nakangiti na inabot ito ni Gracia sa katulong na kaagad naman itong tinanggap at inilapag sa harapan ng Don. Tanging buntong hininga lang ang naging tugon ni Don Rafael habang ang kanyang mukha ay nanatiling seryoso. “Hmp! sipsip.” Anya ng isip ni Esmeralda bago palihim na inismiran ang kanyang kapatid. Maya-maya ay isang magandang ngiti ang lumitaw sa bibig nito bago humarap sa kanilang Ama. “You know, Papa, I have a good news, Patricia is Valedictorian sa kanilang klase, and she want you there sa araw ng kanilang graduation.” Ani nito na may pagka sophisticated ang pananalita. Dahil sa sinabi ni Esmeralda ay isang ngiti ang lumitaw sa bibig ng kanilang Ama na tila ba ikinatuwa nito ang kanyang narinig. “That’s good news, Iha, I am so proud of you, ipagpatuloy mo lang at siguradong malayo ang mararating mo.” Nakangiting pahayag ni Don. Rafael. Biglang nagliwanag ang mukha ng mag-asawa at lalo pang tumaas ang mga noo nito na tila malaking achievement ang kanilang narinig. Matamis na ngumiti si Patricia at masayang hinarap ang kanyang Abuelo. “You know naman, Grandpa na nagmana ako sayo, and I see myself becoming a successful business woman like you in the future.” Tila proud na pahayag ni Patricia na siyang ikinatawa ni Don. Rafael. Kapwa natawa din ang mag-asawa na halatang tuwang-tuwa sa kanilang anak. “It's great that you see yourself becoming a successful entrepreneur one day. Keep working towards your goals, and stay determined, Iha.” Nakangiting sabi ni Don. Rafael sa kanyang Apo. Habang sa kabilang bahagi ng lamesa ay nakapaskil ang pekeng ngiti sa mga labi ni Gracia. Mula sa kanyang dibdib ay matinding inis ang nararamdaman nito. Samantalang si Rosario ay nakangiti na tila natutuwa din sa usapan ng maglolo, ang reaksyon nito ay walang halong pagkukunwari. “Ehem, by the way, Rosario, nasaan si Alexander?” Seryosong tanong ni Don. Rafael sa kanyang manugang. Napalis ang ngiti sa mga labi ng lahat at inabala ang kanilang mga sarili sa pagkain ng kanilang hapunan. “Ahm, pasensya na Papa, ngunit hindi ko rin alam kung nasaan ang batang iyon.” Nahihiya na sagot ni Rosario. Naudlot ang sanay paghigop ni Don. Rafael sa kanyang mainit na kape at bahagya pa itong umiling. Disappointment, ito ang makikita sa mukha nito, lihim na napangiti si Esmeralda sa nakikita niyang reaksyon ng kanilang Ama. Si Alexander kasi ang napupusuan ng matanda ngunit ang binata ay abala sa sarili nitong buhay. “Kailan niya balak na magpakita sa akin? Kapag patay na ako?” May halong hinanakit na tanong ni Don. Rafael na siyang ikinatahimik ng lahat...

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook