Chapter 2

1877 Words
KINABUKASAN tanghali na akong nagising dahil no'ng gabing hinatid kami ni L, ay nagka-lagnat agad ako. Siguro sa pagod, lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ni L, at sa paa kong sumasakit. All in one package na. "Cait? Cait gising ka na ba?" Boses ni Nanay mula sa labas at kumakatok ito. "Papasok na ako, hah?" Abeso pa niya at saka bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako. Mayamaya ay ininda ko na naman ang sakit ng aking paa, at agad iyon napansin ni Nanay. "Oh? Ayos ka lang ba?" Umiling ako. "Masakit talaga, 'nay," napa-ngiwi ko pang sabi. Napa-buntong hininga si nanay at saka niya ako nilalayang makalayo. "Ang tigas naman kasi ng ulo mo... bakit kasi kailangan mo pa magtrabaho, ayan tuloy ang nangyari sa'yo," Lumabas kami ng kwarto. "'Nay isang linggo gagaling din ito, sa tulong ng hilot hilot para maibalik sa tamang wisyo ang naipit na ugat ay gagaling din ito," paniniwala ko sa kanya. Ayaw kong labis labis ang pag-aalala niya sa'kin, lalo na't may sakit pa si Nanay sa puso. Nang makaupo ako, ay saktong may kumatok mula sa labas. "Diyan ka muna titingnan ko muna kung sino iyan," Tumango na lamang ako at inaayos ang pagkakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Sino naman kaya 'yon?" Monologue ko. "Anak? May bisita ka," Bisita ko? Sino? Si Mengay ba? "Nay? Sino po?" Napa-tanga nalang ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit ang bango-bangi niya ngayon? Parang 'di naman bagong ligo, kasi hindi naman basa ang buhok niya. Ang aliwalas ng mukha at mukhang walang trabaho. "I-ikaw?" Seryosong naka-titig siya sa'kin at bumaba ang titig na iyon sa aking paa. "Kumusta ang paa mo?" Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil iyon agad ang inalala niya. Naka-titig parin siya doon habang ako ay titig na titug sa kanya. "Caitlyn? maiwan ko muna kayo, hah? May bibilhin lang ako sa talipapa, may gusto ka bang kainin anak?" Matagal ako bago nakasagot. "W-wala po 'nay," "Ah, sige... may iniwan nga pala akong samalamig at saka puto sa itaas ng mesa. Kainin niyo 'yon, hah? Hindi ako tatagal, alam kong uuwi agad si Señiorito," Tumango ako. "S-sige po 'nay," Nang makaalis si Nanay ay tahimik ulit ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang tama kong sasabihin sa kanya. Ayain ko kaya mag merienda? O, kumustahin siya? Tatanungin kung anong ginagawa niya dito? O, pauwiin ko nalang? Ay! Maling ideya ang huli. Ka-walang galang naman kung pauuwiin ko kaagad. Nagulat nalang ako ng mag half bind siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang paa ko at saka hinilot na naman. Parang may boltahe ng kuryente na lumakbay sa katawan ko dahil sa paghawak niya. Ang init ng palad niya, parang pinapaso ako. O, baka guni-guni ko lang iyon. "L—" "Huwag malikot," Aba! Ang taray ng koya niyo. Galit ba siya? "K-kwan kasi... ayos lang naman ako," Napa-kagat labi ako ng umangat ang tingin niya sa'kin. Ang mga mata niya ay seryoso at walang  nakitaang pagbibiro doon. Bakit ba napaka-seryoso ng lalaking 'to? Bigla akong kinabahan, lumakas ang t***k ng puso ko na parang hinahabol ng isang karera. "B-bakit?" Imbes na sagutin ay tumayo siya. Tumukod at inilapit ang mukha niya malapit sa tainga ko. Gusto ko tuloy himatayin sa sobrang kaba. Bakit kasi sobrang lapit niya? Anong gagawin niya? "L?" Tawag ko. "M-may s-sasabihin ka ba?" Napalunok ako. Ang bawat hangin na lumalabas sa ilong niya ay dumadampi sa aking balat. "Can I kiss you?" Ano daw? Kiss? Halik? "A-anong sabi mo?" Ayaw kong gumalaw o kumilos man lang, dahil kapag ginawa ko 'yon ay siguradong katapusan na nga kaberhinan ng labi ko. Uusog pa sana ako ng maistatwa ako sa aking kinauupuan dahil sa ginawa niya. Hinalikab niya ako sa pisngi at tumagal ang pagdampi ng labi niya doon ng ilang segundo. "Ito ang tamang gamot para sa'yo," pabulong niyang sabi. Sunod sunod akong napalunok dahil s kaba. Hindi ko man lang siya nagawang pigilan o suwayin, bagkus ang bilis niya. Ang buong akala ko ay tapos na iyon, wala na iyon at hanggang pisngi lang iyon. Pero... nagkamali pala ako, dahil sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ulit ako, pero hindi na sa pisngi... kundi malapit na ito sa gilid ng aking labi. "Best prescribed medicine for you," pabulong niya ulit na sabi. "Hindi mo kailangan ng synthetic medicine o natural na gamot. Ako lang sapat na, halik ko lang gagaling ka na," Dahil lumakas ang t***k ng puso ko at hindi ko napigilan ang sarili ko... pumaling ang ulo ko sa kanya, at doon naglapat ang aming mga labi. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay para akong lumulutang sa kawalan. Parang dinuduyan dahil  sa dami ng paru-paro sa loob ng aking tiyan. Napausog ako ng konte sa'king kinauupuan ng mapagtanto ko na mali iyon. "K-kwan... h-hindi naman k-kasi 'yon sinasadya, 'di ba?" Hindi siya sumagot. Naka-titig lang siya sa'kin nang umayos ang tayo niya. Ang isang daliri niya ay naka-hawak sa ibaba ng kanyang labi. "Your taste is good, Cait" napalabi pa nitong sabi. "Pero..." Napa-awang na naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Hays! Bakit ba naghihintay ako? Nakakainis. "H-hah?" Inosente kong tanong. "A-anong... pero?" Umiwas na ako ng tingin at kinurot ang sarili. Ano ba 'tong pinag-sasabi ko? "Pero... mas masarap siguro kung titikman ko ulit," Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Binalingan ko siya na ngayon ay titig na titig sa'king mga labi at saka niya ako tiningnan. Sunod sunod na naman ang paglunok ko ng lumapit na naman siya at hinawakan ang baba ko upang umangat pa lalo. Napa-pikit nalang ako ng kusa nang tuluyang lumapat ang malalambot niyang labi sa natutuyo kong labi. Binasa niya iyon ng laway niya, hanggang sa nagpatianod na ako. Ang bawat galaw ng labi niya ay nagmistulang ritmo sa'kin. Nang huminto siya ay dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nando'n parin siya at naka-titig  sa aking. "Feeling better?" Hindi ako naka-sagot. Bakit hinayaan ko ang aking sarili na halikan niya ako? Baka kung ako ang iisipan  niya sa'kin. Baka sabihin niyang easy to get ako. Nakakahiya. Ang landi ko. Ang harut ko talaga! "What are you thinking?" Agad akong napabaling sa kanya dahil sa tanong nito. "W-wala..." Mahina kong sagot at saka uminom ng juice. "K-kumain ka," anyaya ko pa sa kanya nang nasa kusina na kami. "Naiilang ka ba sa'kin? Kinakabahan? Nahihiya?" Sunod-sunod akong umiling. "B-bakit naman a-ako mahiya sa'yo? B-bahay namin 'to," Tumango siya. "Iniisip mo ba 'yong halik?" Napa-kagat labi akong hindi naka-sagot. "I'm sorry... inaakit mo kasi ako," Kumunot ang noo kong tiningnan siya. "Anong sabi mo? Inakit kita? Wow! Ikaw nga 'yong lapit ng lapit diyan, e." Ngumisi siya. "Kasalanan ko ba na malakas ang epekto mo sa'kin?" Pinamulahan ako ng pisngi. Ano naman ba ang ibig niyang sabihin? "Hwag mo nang ulitin 'yon, hah? Bawal 'yon sa hindi magkasintahan. Tama. Bawal talaga 'yon, at sa susunod huwag kang masyadong lumapit sa'kin! Naintindihan mo ba ako?" Nagkibit ito ng balikat. "Susubukan kong umiwas. Pero... kapag 'di kinaya, ikaw ang iiwas, naintindihan mo rin ba ako?" Kindat pa niya. "Dahil kapag nakita kita at nahuli kita, wala ka ng kawala, Caitlyn." Bumilis ang t***k ng puso ko. Agad akong lumagok ng tubig at umiwas sa pagkaka-titig niya. Diba, dapat masaya ako? Dahil, nakakausap ko siya, at may halikan pang nangyari na 'di inaasahan. Siya 'yong lalaking hanggang tingin nalang sa malayo. Pero ngyon heto siya sa bahay, at bisita ko siya. Lumipas ang isang linggo medyo okay na ang paa ko. Pwede na akong pumasok ngayon. Sa loob ng isang linggo ay dalawang beses lang dumalaw si L, sa bahay. Mas maigi nga 'yon dahil umiiwas talaga ako sa kanya. Ayaw kong mangayari ulit. Baka masanay ako at sa huli aasa rin pala. Sa 'di kalayuan. Natanaw ko siya at kasama niya ang mga pinsan nitong 'di malayo sa edad niya. Sa 'di inaasahan ay pumaling siya sa gawi ko. Naging alerto ako at niligpit ang ilang kwarderno sa itaas ng mesa na gawa sa bato. Kumalipas ako ang lakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ngayon, medyo okay na ako dito botanikal harden sa likod ng dalawang tatlong palapag na gusali. Nakahanap ako ng bench doon na gawa sa bakal. Walang tao at sobrang tahimik. Doon ko naisipan mag-aral nang sa gayun ay maiwasan ko si L. Kinakabahan talaga kasi ako sa tuwinv nakikita ko siya, at hindi pa ako naka-get over sa halikan namin sa bahay isang linggo na ang nakalipas. Ramdam ko pa ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Napa-hawak ako sa ibabang labi ko. Wala sa sarili na ngumiti na parang baliw. Buti nalang at walang taong nakakakita sa akin. Tumikhim ako. "Concentrate, Caitlyn... concentrate! Huwag momg isipin si L, at 'yong matatamis niyang halik sa'yo. Mawawala din iyon at makakalimutan niya. Tama! Makakalimutan niya din iyon." "Talaga? Makakalimutan ko iyon?" Napako ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang boses na iyon. Paano niya ako nasundan dito? E, kanina lang kasama niya mga pinsan nito, tapos ngayon... parang kabute na bigla lang sumusulpot. "Ah... k-kwan... w-wala 'yo! Oo. Wala 'yon." Napatungo ako. Gusto kong magpalamon na ngayon mismo dito sa'king kinauupuan. "A memorable first kiss from someone are very special. Paano ko naman iyon makakalimutan kung espesyal iyon sa'kin? Huh? Can you explain it?" "M-malay ko ba! Bakit ka ba nandito?" Rinig ko ang yabag ng sapatos niya na papalapit pa sa'kin. Nanghihiya na ako, maging tuhod at buong sistema ko. Nakakainis na talaga siya! Iba na ang epekto sa'kin. Mayamaya lang ay naramdaman ko nalang na tumabi na siya sa'kinh kinauupuan. Inayos niya ang buhok ko na humaharang sa aking mukha at inilipat niya iyon sa likod ng tainga. "Dahil dito ako dinala ng mga paa ko. Bakit? May problema ba?" "W-wala naman. S-sige aalis na ako." Sinikap kong tumayo kahit nanghihina ang aking mga tuhod. Akma na akong hahakbang ng hinila niya ako pabalik. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na maigalaw ang aking katawan dahil naigapos niya na ako sa mga bisig niya, sa mismong bewang ko habang nakaupo siya. "Stay... Please?" "Lord?" Hindi siya sumagot. Isiniksik pa niya ang ulo nito malapit sa'king tagiliran. Nag mukhang batang paslit ang lalaking kanina ay seryoso. "Dito ka lang, dito lang tayo." "Pero..." "Please?" Napa-buga ako ng hangin. Napahawak ako sa balikat niya at saka ko hinagod ang likod nito. "I'm more comfortable when you're with me, next to me. You're always looking for my eyes, even my mind. So, please... stay beside me, Caitlyn." Nananatiling ganun ng posisyon ko. Nakayakap parin siya sa'kin at wala nga atanh balak na umalis dito. "Okay ka na ba? Balik na tayo sa mga klase natin," "Ayaw mo ba akong makasama?" "Hah? H-hindi sa ganun, L! Ano kasi... may may klase pa at baka hanapin tayo. Lalo ka na—" Sa wakas ay kumawala rin siya. Umangat ang tingin niya sa akin at saka ngumiti. "Thank you!" "Wala 'yon, maliit na bagay." Tumango siya at saka tumayo na rin. Inaayos niya ang kanyang polo at ganun din ang buhok na magulo. Gwapo parin siyang tingnan kahit magulo ang buhok. Kahit saan anggulo talaga tingnan ay gwapong gwapo na. "Let's go?" Inilahad niya ang kamay nito sa aking harapan. Matagal ko iyon tinitigan at lumipat ang tingin ko sa kanya. "Bakit?" Tanong niya. "Wala naman... awkward lang kasi," Tumango siya at ipinasok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Mauuna na ako?" "S-sige," Tumango ulit siya. Tatalikuran niya na sana ako ng humarap siya ulit. Humakbang papalapit sa'kin at saka niya ulit ako hinalikan sa pisngi. "Let me remind you, Cait," "Hah?" "Huwag mong kalimutan ang mga magagandang alaala natin. Nakuha mo ba ako? I do not want to faded or remove them, because for me it is important." Bakit ang lalim ng mga salitang binitawan niya? Ako tuloy ang napapaisip sa mga salitang iyon. "Alcantara... Alcantara..." Bigkas ko at bumuga ng hangin sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD