Kabanata 14 Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay malabo ang paligid. Paulit-ulit niyang kinurap ang mga iyon at inaninaw ang lugar kung saan siya nakaupo. Ilang segundo siyang naroon lang sa lugar na ‘yon nang mapagtanto niyang nasa tunay na mundo na ulit siya. Sinubukan niyang gumalaw at tumayo pero sumakit ang kanang braso niya. Nang kaniyang tingnan ay nagdurugo iyon. Ilang segundo rin ang lumipas nang mapagtanto niyang galing iyon sa bala ng baril na tumama sa kaniya. Naalala niyang hinahabol nga pala siya ni Tristan. Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang humingi ng saklolo, pero hindi niya narinig ang kaniyang sariling boses. Para bang bumuka lang iyon ngunit walang tunog na lumabas. Hindi niya alam kung hindi niya lang ba narinig ang sariling boses o wala lang talagang lumal