Eksaktong alas singko ng umaga ng tumunog ang alarm ng cellphone ni Lara. Iminulat niya ang mga mata at kinapa ang telepono na nakapatong sa side table. Agad niyang ini-off ang alarm upang hindi na lumikha pa ng ingay. Hinatak niya ang comforter para sana tiklupin. Nagtataka siya kung bakit mabigat iyon na para bang may nakadagan dito. Nilingon niya ang kaniyang tagiliran at napaawang ang bibig niya ng makita si Marcus sa tabi niya, nakadapa ito at tulog na tulog. Tinanong niya ang sarili kung paanong nasa tabi niya ngayon ang lalaking ito samantalang sinilip pa niya ito kagabi sa bintana ng kaniyang silid habang papalayo ang sasakyan nito? Napangiti siya sa isipin na bumalik ito para sa kaniya. Imbes na bumangon ay muli siyang humiga at nagsumiksik sa tabi nito. Napag-desisyunan niyang