Three and a half years later... "Mama... sakit paa, Cayden!" Itinigil ni Lara ang ginagawang pagsasampay, yumuko siya para lingunin ang anak. Hila-hila nito ang laylayan ng suot niyang duster. Umupo siya para magpang abot sila. "Bakit, ano'ng nangyari sa baby ko?" nag aalala na tanong niya rito. Hinaplos niya ang maamong mukha ng anak. "Takbo bilis, tapos dapa bato," kwento nito habang tinuturo ang malaking bato sa labas ng kanilang bakuran. "Ha! Bakit ka kasi tumakbo? Patingin nga ng paa mo?" Binuhat niya ang anak at iniupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Kinuha niya ang kaliwang paa nito at sinuring maigi. May nakita siyang maliit na hiwa sa ilalim ng hinlalaki nito. "May sugat nga, pero maliit lang naman. Halika, pumasok muna tayo sa loob ng bahay linisin natin at lagyan n