"Mamaya na kayo umuwi. It's too early. Have a shot of tequila, Mr.Martin!" ngisi ni Blaire. Pinipigilan si Martin na makalapit sa akin. Nag-iwas ako ng titig sa kanilang dalawa. Umigting ang panga ko. Hindi ako dapat makaramdam ng ganitong galit sa kalooban dahil alam kong friendly lang si Blaire pero sa puntong ito. Hinayaan ko siyang kausapin ni Blaire sa aking likuran. Ayaw ko pa rin umuwi lalo na't nag-enjoy na ako. Panay tingin na rin ang mga kaibigan ko kay Martin kaya nagkaroon kami ng oras ni Javier na mag-usap. "Mabuti na lang pumunta ka rito sa club. Akala ko, ako ang magyaya sa'yo nito pero inunahan mo na ako." Medyo lumapit siya sa aking tenga para marinig ko iyon. The sounds was too loud. I acted normal. May tubig sa lamesa kaya iyon ang ininom ko. Hindi ko matingnan si J