GRACELYN VILLAMONTE POV "Dad? I thought you will get me a bodyguard? Bakit walang dumating?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin ng agahan. Naalala ko bigla ang sinabi nito na hahanapan niya raw ako ng bodyguard one of these days, pero naka balik na lang siya rito sa probinsiya, walang dumating na magiging bodyguard ko. Iniisip ko na lang baka nakalimutan niya. But my dad is not like that. Kapag sinabi nito gagawin niya talaga. "Oh...about that, iha. I'm still hesitant," he answered. Alas syete pa 'yon ng umaga at kasabayan naming dalawa sa pagkain si Javier na tahimik lang sa harapan ko. Nasa gilid ko naman si Dad. Javier stay in our house for a while until we go back to Manila, sasabay na siya sa amin sa pagbalik. Dito muna siya manatili sa bahay namin since may guest room n