Pinilit kong maging kampante sa sagot nito lalo na sa pinapakita nitong emosyon na pinapakita niya sa akin na wala talaga siyang pakialam sa Annika na iyon kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Biglang natulala habang iniiisip pa rin kung sino iyong babaeng kumausap kay Martin kanina. I do really know her. She's Annika Salvantes. Kaya pala familiar sa akin ang pangalan nito noong sinigaw iyon sa hallway at inutusan siya na lapitan si Martin, dahil siya nga pala talaga ang Annika na nakilala ko noong highschool. Iyong babaeng binuhusan ko ng juice ang bag niya. Dahil binuhusan niya rin ng softdrink ang aking palda. Anak siya ng Governor rito sa Manila. Siya ang dahilan kung bakit dinala ako ni Daddy sa Hacienda dahil pinatulan ko ang pagiging childish nito. I can't believe that I would see