"Care to explain to me everything?" Tinaasan ko siya ng kilay sabay cross arm. We're here at the kitchen na hindi pa naayos. It's still under renovation. Maraming ring mga alikabok dahil binakbak ang tiles sa counter. Pinalitan ng bago. This is the perfect place to talk to him closely na kaming dalawa lang. "Ano ang gusto mong marinig galing sa akin?" Humilig siya sa may kitchen counter na hindi pa natatapos sa pag giba. Magkaharap kami ngayon. Parehong nakatayo. Seryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. I was being calm. Posturing myself. Hindi pinahalata ang kaba na naramdaman sa mga malalaman ko ngayon. I was a little bit anxious. Hindi rin mapakali. "Tungkol sa pag papanggap mo na isa kang mayaman? Care to explain about that?" I asked strictly. Iniling ko ang ulo, disapp