MARTIN SALAZAR'S POV "Bakit hindi mo sinabi sa akin na magiging bodyguard pala kita?" Tumingin ako kay Grace nang bigla niya itong tinanong. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe papunta sa kanyang skwelahan. Hindi ako nagkakaroon ng konsentrasyon dahil na rin panay tanong siya sa akin nang kung ano-ano. Sinasagot ko naman ng paunti-unti. "Hindi ako sigurado noong una kung papasukin ko ba ang pagiging bodyguard. Pinag-iisipan ko pa ito noong huling usap natin," kalmado kong sagot. Tinuon lalo ang mga mata sa karsada. "Kaya hindi ko sinabi. Ayaw ko rin mangako." Ako ang bodyguard niya magmula ngayon. Hindi ko mapagtanto kung bakit na punta ako sa sitwasyon na ito. Basta gusto ko lang siyang sundan rito. Dahil nangako ako. O baka gusto ko rin na makita siya. "Ganoon ba. Pero ang daya. Sin