"Grace! Hindi ganyan ang pagtatanim!" saway ni Martin sa akin nang makita niyang baliktad ang paglagay ko sa palay. "Paano ba? Ang hirap naman nito?! Ayaw ko na. Hindi ako marunong!" Nilapag ko ang hawak na palay sa putikan. Pinakita ko sa kanya na suko na ako. Pagkatapos umatras ako palayo kay Martin. Gusto na lang iwanan ang ginagawa. Sumulyap siya sa akin saglit. Pagkatapos tinuon ulit ang ginagawa sa pagtatanim. Na pansin ko na ang dami na niyang natanim na palay habang ang akin, halos hindi ako maka-usad dahil paulit-ulit ako sa ginagawa. Nahihirapan akong ilagay ang mga palay sa pagkat hindi maayos ang paglagay ko rito. "Sobrang dali lang nito. Sundin mo lang ang ginagawa ko." Pinakita niya nga sa akin ang tamang proseso pero dahil ayaw kong makinig sa mga utos nito agad akong