"Grace? May nilagay na namang bulaklak ang manliligaw mo!" Kadarating ko lang sa classroom nang agad akong sinalubong ng mga kaklase para sabihin iyon. Kumunot ang noo ko saka ako nagdire-diretso sa paglalakad palapit sa upuan. May pink roses doon na nakasilid pa sa isang malaking lalagyan. Nasa desk ko ito nakapatong. Agad ko itong kinuha saka ako luminga sa labas. Nagbabakasaling makita ko ang nagbigay nito. Nahagip ng mata ko si Martin sa may pintuan ng classroom namin, nakatayo siya roon. He was looking at the flower I am holding. Tumigas ang pagmumukha nito saka siya nag-iwas ng tingin. Kahit wala siyang emosyong pinapakita. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya. He is hurting, simula noong huling usapan namin sa sasakyan. Mas lalong naging visible sa akin kung gaano siya na ap