Maghahapon na ng makarating ako ng Maynila. Hindi pa ako nagtatanghalian kaya pagkapasok ko ng bahay ay agad na nagtungo ako sa kusina para maghanap ng pwedeng makain pero napailing ako nang makita kong walang laman ang refregirator ng buksan ko iyon. Puro coke in can at water lang ang laman noon. Mabuti na lang at may nakita akong mansanas. Iyon na lang ang kinuha ko para kainin. Nagtungo ako sa kwarto ko. Napangiti ako nang makita ko ang ayos nitoo na tila walang pinagbago. Limang taon na rin mula ng bumalik ako ng probinsya namin. Inalis ko ang puting tela na nakatakip sa kama ko at sa isang sofa na nasa kwarto ko. Nagpunas muna ako ng ga alikabok bago ko hinakot anag mga gamit na dala ko. Isang bag at isang malaking maleta lang naman ang dala ko. May mga naiwan pa naman akong gamit d