"The main branch. They are in need of marketing and sales staff. Isn't that your plan? To work in a luxury hotel." Napalingon ako kay Ate Ren. She knows that I want to work there before kaya nga Hotel and Management ang kinuha kong kurso. Iyon talaga ang unang plano ko pero dahil nga may iniiwasan ako maging ang pangarap ko pala ay naantala dahil doon. Bakit nga ba binago ko ang plano ko sa buhay dahil lang sa isang bagay na hindi natupad? Hindi ako naging aware na masyado pala talaga akong naapektuhan. Biglang lumiko ang mga plano ko dahil lang sa kaniya. Isang bagay na hindi ko dapat ginawa. "Are you going to hire me?" tanong ko kay Ate Ren. Ngumisi ito sa akin. "You know that, I don't own that hotel. The owner is mine, but not the hotel." Hindi ko maiwasang malukot ang mukha sa sin