Graduation day. Nagpa-picture kaming buong pamilya. May isa pang kuha na kasama ko si Stella. Dumating ang mga magulang ko mula sa probinsya para samahan akong umakyat sa entablado at tanggapin ang diploma ko. Maraming pamilya ang nandito at napi-picture-picture. Nakita ko si Kuya Sandro na pini-picturan si Stella na todo pose pa. Dahil dala ko ang camera na niregalo sa akin ay kinunan ko rin silang dalawa. Lumapit ako sa kanila at nakigulo ako kay Stella. Meron din kaming kuha na kasama na namin si Kuya Sandro. "Let me take a picture to the two of you," ani ni Stella at kinuha ang hawak kong camera. Ibinigay ko naman iyon sa kaniya. "Smile!" sigaw ni Stella nang itutok niya sa amin ang camera. May iba't-ibang angulo kaming kuha. May nakahawak ako sa braso niya meron namang pabirong n