Naglalakad ako sa hallway habang dala-dala ang cap and gown na susuutin ko para sa graduation. Sa isang araw na ang graduation namin, kaya abala na ang lahat ng graduating students. Tanging kami na rin lang ang makikitang pagala-gala sa loob ng campus dahil bakasyon na ang mga undergrad. Nag-iisa lang ako ngayon dahil nagmamadaling umuwi si Stella. Magpapa-rebond pa raw kasi siya. Hindi naman na ako magpapaayos ng buhok ko dahil tuwid na tuwid naman na iyon hindi gaya ni Stella na curly hair. Lumabas na ako nang gate para maghanap nang taxi na masasakyan ko. Dahil may dala ako ngayon ay magtataxi na lang ako. Ang hirap kasi kapag makikipagsiksikan ako sa jeep. Napatingala ako nang biglang may humawak sa ulo ko. "Kuya Sandro," nakangiting saad ko sa pangalan niya nang makita ko ang mukh