"OH MY GOD! I CAN'T BELIEVE IT!" Napasapo ako sa aking magkabilang tenga ng matulig ako sa tili ng kaharap ko. Inirapan ko din siya ng bonggang-bongga ng makita kong manghang-mangha itong tinitigan ang kanyang hawak. Itinaas niya pa ito ng hindi ito makuntento. Itinapat sa may liwanag at ininspeksiyong maigi ang resulta. Napatss ako. Kahit bali-baliktarin niya ang puting kit ay ganoon pa rin talaga ang resulta nito. Bale pangalawang kuha ko na 'to. Akala ko kasi nagkamali lang 'yung first test ko. Pero dito sa pangalawang resulta ay hindi maipagkakaila na buntis na naman ako. Hindi dininig ng nasa itaas ang dalangin ko. Hindi ko matanggap na nagbunga na naman ang kagaguhan at kababuyan ni Crayon sa akin. Nakakapanlumo na nabuntis na naman niya ako. Ang lakas lang talaga ng lahi niya. Hi