Hindi matapos-tapos ang luhang dumadaloy sa aking pisngi habang nakatitig ako sa aking kawangis. Nanginginig ng husto ang aking katawan at gusto kong bumunghalit ng malakas. Hindi ko alam na magiging ganito ang reaksiyon ko kapag nakita ko si Clex Angelo. Hindi ko alam na bibigay agad ang aking pinipigilang emosyon. "C-Clex...a-anak..." Mangiyak-ngiyak kong pagtawag. Gusto ko siyang lapitan para mayakap siya ng mahigpit. Ngunit hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Parang na-stock na ang mga ito sa aking kinatatayuan. Sobrang shock kasi ako na makitang kamukhang-kamukha ko nga ang anak kong lalaki. Kanina pa kami nakarating nina Sasa dito sa kanilang mansiyon. Nakausap ko na ang kanyang Mommy at masayang-masaya ito na maayos na ang relasyon namin ni Sasa. Nashock din ito sa nalam