MEBG CHAPTER 7.

1030 Words
"Daddyyyyyy! Mommyyyyy!" Isang malakas na tili ang naging dahilan para maudlot ang pagmumuni-muni ko. Kaagad na napangiti ako ng matamis ng marinig ko ang matinis na boses. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at masayang sinalubong ng ngiti ang batang mabilis na kumakaripas ng takbo papunta sa kinatatayuan ko. "Daddy, goodmorning po! Where is Mommy?" Pautal na bati niya sa akin ng yakapin ko siya at kalungin. Iginala nito ang paningin sa buong kwarto na parang may hinahanap. Napakunot-noo ako. Saka ko narealized iyong sigaw at tanong niya. Ipinagkibit-balikat ko iyon. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang pisngi at ilong. Hinihingal siya at pawis na pawis. Mukhang tinakbuhan na naman nito ang yaya niya para makapunta agad dito sa kwarto ko. Pasaway talaga na bata. Nagbilin pa naman ako kagabi sa yaya niya na hwag muna siyang papasukin dito sa kwarto ko dahil ang alam ko ay hindi pa makakauwi ang bisita ko. Kaya lang hindi naman siya nagstay dito kaya ayos lang na pumunta dito ang bata. I sighed. I already miss her. Nais ko pa sana siyang manatili dito ngunit bigo akong mapanatili siya dito dahil sa kapusukan ko. I know how much she hated me. I'm such a noob para saktan siya. Tapos makukunsensiya at malulungkot na naman ako pagkatapos. I can't control myself last night. Nakakainis naman kasi dahil parang balewala na ako sa kanya. All I can see is anger and disgust from her eyes. Wala na iyong pagmamahal na madalas ay makita ko sa mga mata niya. Siguro nga kinalimutan na niya ako. Ang pesteng Angelo na iyon marahil ang mahal niya. I groaned. It should be me. Only me. "Goodmorning my beautiful princess. How was your sleep? Pinagod mo na naman ba si yaya?" Malambing kong tanong ng ilapag ko siya sa kama. Naupo ako sa tabi niya at hinawi ang makapal na bangs na tumatabing sa mga mata niya. Napakaganda talaga ng mga matang iyon. Napakaamo at mapungay. Parang tinitigan ko na rin ang Mommy niya. Lahat ng kabuan ng mukha niya ay nakuha niya sa kanyang ina. Carbon copy siya. Maging ang galaw at mannerism nito ay kuhang-kuha niya. Pakiramdam ko kasama ko ang Mommy niya kapag nakikita ko siya. Ngunit hindi sapat iyon sa akin dahil gusto ko ring makasama namin siya ng anak ko. Pero papaano? "Yes Daddy. Ayaw po kasi niya akong papuntahin dito sa kwarto ninyo. I thought nakauwi na po si Mommy kaya I insisted to come here. But I'm disappointed dahil wala naman po pala si Mommy." Tumamlay ang masiglang aura nito. Napahawak ako sa noo ko. Hinilot ko ito na parang matatanggal ang mga bagay na nanggugulo sa utak ko. Heto na naman po kami. Mapupunta na naman sa Mommy niya ang usaping ito. Mahihirapan na naman akong humabi ng mga kwento para mapaniwala siya at maalis ang lungkot niya. Hindi ko pa naman nais na makita siyang malungkot dahil ako man ay nahahawa. It's all my fault. Kasalanan ko na hindi namin siya kasama. "Alexa...malapit ng umuwi ang Mommy mo. Please be patient baby, malapit na natin siyang makasama." Napapikit ako. Nagsisinungaling na naman ako. Malabo ang iniisip kong mangyari. But I have to try. Anong silbi ng paghihintay ko? Kailangan ko ng umaksiyon dahil hindi ko na kayang humabi pa ng kasinungalingan dahil umaasa lang ang anak ko na uuwi na ang Mommy niya at makakasama na namin siya. "Kelan po Daddy? I'm waiting...sabi po ninyo uuwi siya sa birthday ko. Pero hindi po siya dumating. Malapit na naman po ang birthday ko at baka hindi na naman po siya dumating. Tell me Daddy, mahal po ba ako ni Mommy? Mahal po ba niya tayo? Kasi kung mahal po niya tayo, uuwi po siya dito sa atin di ba?" Napanganga ako sa mga salitang lumabas sa bibig ng anak ko. Kahit utal siya ay naintindihan ko naman ang sinabi niya. Minsan nga naiisip ko bata ba talaga ang kausap ko? Matured kasi siya mag-isip. I bite my lower lip. How can I explain to her na ako ang may kasalanan kung bakit wala siya sa amin. I am the one who pushed her away from our lives. Tapos hindi pa niya alam ang napakalaking kasalanan ko sa kanya. Patung-patong na ang atraso ko at sa tingin ko ay madaragdagan na naman ang pagkamuhi niya sa akin. Anong klaseng utak ba meron ako? Anong klaseng puso din ang tinataglay ko? Puro nalang pansarili kong kapakanan ang iniisip ko. Ni hindi ko man lang naisip na nahirapan siya noon. Na marahil nagdusa siya dahil nawala sa kanya ang kinuha ko. Tapos hindi niya ako pinaghinalaan. Hindi niya hinanap ang bata. Sabagay wala siyang alam na ako nagnakaw. Hindi niya alam na alam kong buntis siya ng iwan niya ako. Napapikit ako sa isiping sobra siyang nagdurusa sa pagkawala ng anak niya sa kanya. Tapos ang makita siyang masaya ay kinagagalit ko. Fuck! Bakit ba ganito ako? Bakit ba puro sakit nalang ang ibinibigay ko sa kanya? Wala ba talaga akong puso gaya ng sabi niya? Nila? "S-She loves you princess...ako ang hindi niya mahal." Nais ko sanang isatinig ngunit pinigilan ko ang aking bibig. I know magtatanong na naman siya. "Don't worry malapit na natin siyang makasama... Kasama natin siyang magcecebrate ng 5th birhtday mo. I promise." Well, I doubt that. Sa nagawa ko kagabi ay malabo ng mapaamo ko siyang muli. Baka nga isinumpa na niya ako ng paulit-ulit. Binibigyan ko na naman ng false hope ang bata. Ngunit ngayon ay sisiguraduhin kong matutupad iyon. Kung kailangan kong magmakaawa sa kanya gagawin ko. Isasantabi ko muna ang aking pride. Tatanggapin ko lahat ng isusumbat niya at ibabatong masasakit na salita sa akin. Kung hindi niya ako tatanggapin. Sana kahit para sa bata nalang. "Talaga po Daddy? Uuwi po talaga si Mommy? Paano po ninyo siya nakausap? Tinawagan ninyo po ba o tumawag siya? " Excited at masayang bulalas niya. Nagniningngning ang kanyang mga mata sa excitement. Patay! Baka mabigo ko naman siya!Napahawak na naman ako sa noo ko. Sige, try ko sumugal. Lulunukin ko na talaga ang matayog kong pride. "Gusto ko po siyang makausap Daddy." Shit! Patay na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD