Chapter 13 ELENA Kinabukasan ng hapon ay sinundo kami ni Manong Jose, siya ang mag-drive sa amin patungo sa mansion ng stepmother ni Rafael. Ang gwapo ni Rafael, sa suot niya ngayon. Kahit nakasuot siya ng sun glasses ay lalo pang dumagdag ang kagwapuhan niya. Simpleng gown lang ang suot ko. Ang aking buhok na lampas balikat ko ay hinayaan ko lang na iwagayway. Alas-singko na ng hapon kami umalis. “Huwag kang humiwalay sa akin, mamaya, Babe, ha?" wika ni Rafael habang naka-holding hand ang aming kamay sa loob ng sasakyan. “Huwag ka mag-alala, Babe dahil hindi dito lang ako sa tabi mo,” tugon ko sa kaniya at bahagyang pinisil ang kaniyang kamay. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. Sa ganitong ganap ay naisip ko si Ate Miranda. Siya dapat ang kasama ni Rafael ngayon. Siya dapat ang