Chapter 34 RAFAEL Madilim ang kalangitan at makulimlim. Walang bituin na kumukutikutitap sa malawak na kalangitan. Nasa terrace ako ng aking silid. Nakasampa sa raeling ang aking dalawang kamay. Para akong naghihintay na may lumitaw na liwanag sa kailaliman ng gabi. Sunod-sunod ang aking pagbuntong-hininga bago ko napagpasyahan na pumasok sa loob ng aking silid. Naupo ako sa kama. Hihiga na sana ako nang mapansin ko ang maleta ni Miranda. Parang may kung ano na nagtulak sa akin na kunin iyon. Kinuha ko iyon at pinatong sa aking kama. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng maleta niyang iyon. Naglakas loob ako na buksan iyon. Dahan-dahan kong binuksan ang zipper. Masakit pa rin isipin na ito na lang ang mga naiwan niya sa akin. Binuklat k