Chapter 33 RAFAEL Isang linggo ako hindi makakain ng maayos. Parang pinapabayaan ko na ang aking sarili simula ng malaman ko na wala na si Miranda. Parang mas gusto ko pang maulag basta kasama siya, kaysa may mga mata ako na nakakakita kung hindi ko naman siya makita. Wlang kasing sakit ang pangungulila na nararamdaman ko. Kaya pala na kahit anong away namin pinili niya pa rin na manatili sa tabi ko. Iyon pala iiwan niya na ako. Ano ang nagawa kong mali? Bakit ako pinaparusahan ng langit ng ganito? Bakit si Miranda pa? Palagi akong nakakulong sa aking silid. Walang gana na lumabas. Kahit sa pagkain hindi ko na rin binibigyan ng halaga. Lugmok na lugmok ang pakiramdam ko at hindi alam kung paano bumangon. Habang nakahiga ako at nakatanaw sa maleta ni Miranda, kumakatok nam