CHAPTER 18 ELENA Narito kami ngayon ni Kuya Nathan sa hospital. Tinawagan niya ako at gusto niyang alamin kung ano ba talaga ang nangyari kay Ate. Sinabi ko na rin sa kaniya ang buong pangyayari. Hindi siya makapaniwala nang makita niya si Ate Miranda na nakahiga sa bed at may dextrose na nakakabit sa kaniyang kamay. “Miranda?’’ mahinang tawag ni Kuya Nathan kay Ate Miranda. Nagulat pa nga si Ate Miranda, nang makita si Kuya Nathan. "Nathan, a-anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Ate kay Kuya Nathan. Dali-daling lumapit si Kuya Nathan kay Ate Miranda. Hinawakan nito ang kamay ni Ate Miranda. “Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Kuya Nathan kay Ate. Makahulugan na bumaling ng tingin si Ate Miranda sa akin, kaya agad din akong lumapit sa kaniya. "Ate, sorry. Hin