CHAPTER 19 ELENA Ayaw ko sana na pag-aawayan pa namin ni Rafael, ang tungkol sa pagtawag o pagbibigay niya ng contact number niya sa bruha niyang madrasta. Kaso kumulo ang dugo ko nang tumawag ang bruha niyang madrasta sa kaniya. Inilapag ko ang mga dala ko sa upuan at kinuha at cellphone ni Rafael, na nakapatong sa lamesa. Kinalkal ko kung sino ang tumawag sa kaniya. May bagong number akong nakita at 39 minutes na ang lumipas na tumawag ito. Sa sobrang inis ko kinuha ko ang sim card ni Rafael, sa cellphone nito. Pinutol-putol ko ito at itinapon. “Ilang beses ko bang sabihin sa’yo sa'yo na huwag mong ipamigay ang number mo kahit kanino?” panenermon ko kay Rafel. Para siyang bata na pinapagalitan ko. "Ano naman ang masama kung ibigay ko kay Tita ang number ko? Hon, pamilya ko si Tita