Chapter 45 Rafael Manong daan tayo sa mansyon ni Tita. Ipag-drive mo kami ni Veron,” utos ko kay Manong Jose. “Sir, naaliw na po yata kayo na ipasyal ang anak ni Ma'am Victoria,” wika ni Manong sa akin. “Wala naman masama, Manong. At least kahit paano nalilibang na rin ako,” sagot ko sa sinabi ni Manong Jose “Sir, paalala lang po marami pa po kayong mga bagay na gagawin. Baka po kasi nakalimot kayo.” Tumango-tango lang ako sa paalala ni Manong jJse sa akin. “Huwag po kayong mag-alala, Manong,” tugon sa sinabi niya. “Tumango-tango lang siya at ipinag-patuloy ang pagmamaneho ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansyon. Mabuti at nakabihis na rin si Veronica. “Iho, mag-iingat kayo, ha? Ingatan mo itong unica jiha ko,” bilhin sa akin ni Tita Victoria kay Veron, nang sunduin ko