TATAWAGAN ko ba siya o hindi? And why the hell am I thinking like this, for God’s sake? Frustrated na binitawan ni Apolinario ang kanyang cellphone. Inis na sumandal siya sa kanyang swivel chair at tumitig sa kisame ng opisina niya. Naiinis na naman siya kay Sheila kasi sa loob ng ilang araw mula nang magkita sila sa birthday ng ama ni Jesilyn ay wala na siyang ginawa kung hindi ang isipin ito. Alam niya na may mali sa naging approach niya rito pero hindi rin niya kayang patawarin basta ang mga sinabi nito sa kaniya. Yet… malapit na niya kalimutan ang pride niya at tawagan ito. Nakatitig pa rin siya sa kisame nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Imbes na batiin siya ay may inilapag ito sa lamesa niya, paharap sa kaniya. “Anong ibig sabihin nito, Papa?” tanong ni Apo