CHAPTER 5

1196 Words
MALI ang akala ni Sheila na walang passion sa katawan si Apolinario Montes. Hindi na niya uli ito aasarin pagdating sa bagay na iyon. Kasi kung gaano ito kalamig at indifferent sa normal na pagkakataon, ganoon naman ito ka-passionate na lover. Mainit at mapusok ang halik ng binata, nakakalunod at nakakawala sa katinuan. Ang haplos ng mga kamay nito sa katawan niya, ang sarap sa pakiramdam. Sa isang iglap nawala na lahat ng alalahanin niya. Hinayaan niyang iduyan siya ng nakakakiliting sensasyon na dulot ng halik at haplos nito. Mayamaya pa ay hindi na siya nakuntento na walang ginagawa. Nagsimula siyang gayahin ang bawat galaw ng mga labi ng binata, gumaganti ng mapusok at malalim na halik. Ang mga kamay niya nagsimula na rin humaplos sa leeg nito, pababa sa balat nitong exposed dahil sa nakabukas na mga butones ng polo nito, papunta sa mga braso nito. Sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi, nagkatitigan, tahimik na nag-uusap. Alam niya humihingi ito ng permiso para sa isang bagay na wala man siyang experience ay alam niya by instinct. Kaya tumango siya. Sa isang iglap kumilos si Apolinario at umibabaw sa kaniya. Ang halik nito ay lalong uminit at lumalim. Mabilis nitong nahubad ang coat na suot niya. Pagkatapos nahanap nito ang zipper ng kanyang dress at naibaba iyon. Nahawa si Sheila sa urgency ng bawat kilos at halik nito. Ang mga kamay niya ay napunta sa butones ng polo nito at isa-isang kinalag iyon. Pagkatapos bumaba ang haplos niya sa waistband ng slacks nito, hinubad ang belt at kinalag ang butones. The moment they both got naked she was totally lost. Lumipad na talaga sa hangin lahat ng reservations niya. Ang natira na lang ay ang matinding pagnanais na maging isa sila. Kaya hinayaan niya iyong mangyari. Sa kadiliman ng rooftop, kung saan ang buwan lang ang tangi nilang liwanag, nakipagtalik siya sa kanyang kaaway. It was wrong but tonight it felt so right.                  PAPALIWANAG na ang paligid. Isang oras na lang siguro magsisimula na ang sunrise. Pero gising na gising pa rin si Sheila, nakatitig lang sa langit. Nakapatong sa katawan niya ang coat ng binata para panlaban sa lamig. Nasa sahig pa rin sa tabi niya ang dress niya at ang underwear niya hindi pa rin niya alam kung saan napunta kaninang hubarin iyon ni Apolinaro. Medyo may kirot siyang nararamdaman sa pagitan ng mga hita niya pero kuntento at satisfied pa rin ang feeling niya. Hindi siya romantic by nature at hindi niya naimagine kahit kailan na sa ganitong paraan niya mararanasan ang kanyang first time. It was so much better than she thought. Mahina siyang natawa sa naisip at sinulyapan ang lalaki sa tabi niya.                Nakatihaya ng higa si Apolinario sa reclining chair, mahimbing na natutulog. Nakasuot ang slacks nito pero hindi nakabutones. Hubad ang itaas na bahagi ng katawan nito at bahagyang nakatagilid paharap sa kaniya ang mukha. Nagkaroon tuloy si Sheila ng pagkakataon na matitigan itong mabuti. Sa loob ng maraming taon ayaw niyang inaamin sa sarili pero guwapo talaga ito. Malakas ang dating lalo na kapag gising. Ayaw lang ni Sheila na palagi itong in control. Naiirita siya kasi palagi itong kalmado at authoritative. Minsan sinasadya na lang talaga niyang inisin ito para lang mabawasan ang kontrol nito. Para kahit papaano magmukha itong normal na tao at hindi demigod. Pero ngayong tulog ito ay maamo ang mukha nito, relaxed at parang baby. Umangat ang kamay niya, gustong haplusin ang pisngi nito. Pero bago pa niya iyon magawa umungol na ang binata at gumalaw ang mga pilikmata, patunay na papagising na ito. Binawi niya ang kamay at niyakap ang sarili bago pa nito makita ang balak sana niyang paghawak sa mukha nito.                Unti-unting dumilat si Apolinario. Ngumiti si Sheila, handa nang batiin ito pero bumara sa lalamunan niya ang mga salita nang makita niya ang kislap sa mga mata nito nang makita siya. Panic. Guilt. Regret. Iyon ang mga emosyong sigurado siyang nararamdaman nito sa sandaling naalala nito ang ginawa nila ilang oras ang nakararaan. Namutla ang mukha nito at biglang napabalikwas ng upo. Nanlamig siya at parang may asido na kumalat sa sikmura niya. Hindi niya gusto ang reaksiyon ng binata. Mas lalong hindi niya gusto ang pagkadismaya at sakit na nararamdaman niya dahil doon. Bumuka-sara ang bibig ni Apolinario na parang gusto magsalita pero hindi alam ang sasabihin. Sa huli marahas na lang nitong sinuklay ng mga daliri ang buhok, halos pasabunot na. Uminit ang mga mata ni Sheila pero kinalma niya kaagad ang sarili. Wala siyang dapat iarte kasi alam naman niya bago pa man may mangyari sa kanila na ganito ang siguradong magiging reaksiyon ng binata pagkatapos. He’s currently out of his element and he’s flustered because he slept with someone he hates. Napabuntong hininga siya. “Relax ka lang,” basag niya sa katahimikan. Natigilan ito, na-tense at saka dahan-dahang tumingin sa mukha niya. Para siyang sinasaksak sa dibdib sa desperasyon na nakita niya sa mga mata nito pero masigla pa rin siyang ngumiti. “Never ka ba nagkaroon ng one-night stand? Kung maka-react ka parang ikaw ang virgin sa atin ah,” biro niya. Namula ang mukha ni Apolinario kaya natawa siya. Kumilos siya para abutin ang dress niya sa sahig. Tumalikod siya rito at hinayaang bumagsak ang coat na tanging nakatakip sa hubad niyang katawan. “Magbihis na tayo. Malapit na sumikat ng araw. Sa tingin ko mas makakabuti sa atin pareho kung nasa kani-kaniyang hotel room na tayo bago may magising sa mga kakilala natin.” “S-sheila,” paos na tawag nito sa kaniya. Hindi siya lumingon at mabilis na nagbihis. “It’s okay. We are both consenting adults. Walang problema sa nangyari.”  “God damnit,” frustrated na ungol ni Apolinario sa likuran niya. Hindi pa rin siguro alam ang sasabihin kaya nagmumura na lang. Dumeretso ng tayo si Sheila, pasimpleng huminga ng malalim at saka hinarap ang binata. “Inaantok pa ako kaya gusto ko pa matulog.” Pinaraan niya ang mga kamay sa laylayan ng dress niya, inaalis ang lukot niyon. “Mauuna na ako sa’yo umalis ha?” Nanlaki ang mga mata nito, nakatingala sa kaniya at hindi pa rin kumikilos para magbihis. May bumara sa lalamunan niya pero binalewala niya iyon. Yumuko siya, magaan itong hinalikan sa pisngi at saka bumulong, “Sa susunod na magkita tayo, enemies na tayo uli. Bye.” Saka siya tumalikod, deretso ang tindig at nakataas ang noo na naglakad palayo. Hindi siya lumingon at hindi rin binilisan ang hakbang kasi nararamdaman niyang nakasunod ng tingin sa kaniya si Apolinario. Pagkasakay niya sa elevator, saka lang hinayaan ni Sheila ang sarili na mapaupo sa sahig at mapapikit. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim at niyakap ang mga tuhod. “Ayos lang. Siyempre ganoon ang magiging reaksiyon niya. Palagi kaming nag-aaway at hindi namin gusto ang isa’t isa. Natural na magsisisi siya na may nangyari sa amin. Ayos lang ako. Makakalimutan din namin ang nangyari. Babalik din kami sa normal.”  Huminga siya ng malalim at isinubsob ang mukha sa kanyang mga tuhod. Pero ako hindi nagsisisi. I really hate you, Apolinario Montes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD