Chapter 8 Betrayal

2001 Words
Zenni * * " Akmang lalabas na ako sa pintuan sa kitchen ng marinig ko ang galit na boses Daddy " Siguradohin mo lang na hindi mo sasaktan ang anak ko Axel, Nag-iisa lang siya. Para mo na siyang kapatid kaya ipagkatiwala ko siya sayo. Kung ano ang pasya ng anak ko susuportahan namin sya. Pero sa oras na masaktan mo sya hinding-hindi mo na siya makikita kailan man." Pagalit na wika ni Daddy Napangiti ako naglakad nalang ako papasok sa study room ko. Nagbasa ako ng Books habang nagkakape Kahit anong pagbabasa ko hindi ko maintindihan ang binabasa ko dahil sa naiisip ko na seryoso si Axel sa panliligaw niya saakin. Hindi ko mapigilan ang kiligin para bang gusto ko magtatalon sa tuwa. " Oh My goodness! Sa wakas magiging akin na si Axel. " Piping sambit ko " Naintindihan mo ba yan binabasa mo?" Tanong ni Daddy Napatingin ako kay Daddy nasa harapan ko lang pala siya. inayos niya ang libro na hawak ko kaya pala hindi ko maintindihan baliktad pala " Hehe!" Alanganing na ngiti ko naupo si daddy sa upuan sa harapan ko nilapag ko sa table ang libro tumitig ako kay Daddy " Nanliligaw ba sayo si Axel?" tanong ni Daddy " Opo! Magsimula siya tatlong taon na 16 palang ako nanliligaw na siya saakin. Hindi ko naman siya pinapansin ayaw ko kasi padalos-dalos babaero kasi." Deritso na sagot ko " Natural sa lalaki ang magkaroon ng fling's, A man want many more s3x partner. Kaya ang payo ko sayo sundin mo ang tinitibok ng puso mo. Kasal muna bago ang lahat. May tiwala ako sayo anak. Alam mo ba kahit na siraulo mommy mo ako lang ang lalaki sa buhay niya. Malinis ko siyang nakuha." Nakangiti na wika ni Daddy " Kaya ba sabi ni mommy huwag ko sya gayahin na nagpakatanga daw sya sayo? " Pagbibiro ko Tumawa lang si daddy " Mahal ko naman sya. Pero sadyang naging malupit lang ako sakanya. Huwag mo gayahin mommy mo. " Wika ni Daddy " I don't give second chances! Pagsinaktan ako ng isang beses, Hinding-hindi ako magbibigay ng pangalawang pagkakataon, Mas gugustohin ko makasama ang lalaking hindi ko mahal kaysa magpakatanga sa lalaki na paulit-ulit ako sasaktan. " Seryoso na tugon ko kay Dad " Nakakatakot ka anak, Parang nag-iba ang pananaw mo sa buhay." Nakakunot noo na wika ni Daddy Tumawa lang ako Marami pa kaming pinag-uusapan ni Daddy. Pumayag siya na ligawan ako ni Axel Kinabukasan nagising ako na may bulaklak sa tabi ko. Inamoy ko yon at napangiti ako hindi ko maiwasan kiligin. Ginawa ko ang morning routine ko Paglabas ko natanaw ko si Axel at Daddy nagkakape sa garden seryoso nag-uusap may ilan documentary ang nasa table. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. " Good morning Dad! Si mommy?" Nakangiti na bati ko " Ako hindi mo ba babatiin?" Pagbibiro ni Axel Natawa si Daddy ng umirap ako " Sa Kubo sa tabing dagat hinihintay ka. Doon daw kayo mag-almusal sabi ng mommy mo." Tugon ni Daddy Nakatitig lang saakin si Axel nagkunwari ako na hindi siya napapansin. Pagkalabas ko ng gate saka lang ako ngumiti. Pero sa tuwing masaya ako yon tipong kilig na kilig na ako. Para bang bigla akong kinakabahan. " Luke! Future husband mo." Bakit ko ba siya naalala? Nasaan na kaya siya ngayon? " Piping sambit ko naalala ako ang minsan tinulongan ko makasakay ng bus pauwi ng kanilang probinsya. Balang araw sa probinsya na yon ako maghahanap ng matitirhan. " Bakit nakangiti ka?" Tanong ni mommy nakaupo sa loob ng kubo may pagkain sa harapan niya may maliit na thermos. din, Nagtimpla siya kape Hinalikan ko si mommy sa pisnge " Morning Mom! Kilig much." Nakangiti na wika ko " Yan ang pag-uusapan natin ngayon. Nag-aalala kasi ako para sayo anak. " Nababahala na wika ni mommy " Bakit naman?." tanong ko bakas ang pagtataka saakin " Natatakot ako na baka masaktan kalang. Sampong taon ang tanda ni Axel, Kilala naman natin sya, mapagkakatiwaan gusto din namin sya para sayo pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako?" Paliwanag ni Mommy " Bakit hindi nalang natin hayaan ang mga bagay na mangyari, Tatanggapin ko ang lahat ng kahihinatnan ng mga mangyayari saakin. Tatlong taon na nanliligaw si Axel balak ko na siya Sagutin sa mga susunod na buwan." Nakangiti na tugon ko " Mom! Kahapon habang palabas ako ng school may nagsalita sa likuran ko. He said, You will soon be mine. I will make you slave. Yan ang mga salitang narinig ko pero sa dami ng mga nasa likuran ko wala akong idea kung sino yon." Sumbong ko kayo mommy Nabahala si mommy bakas ang labis na pagkabahala sa kanyang mukha " Kumikilos na sila. Ikaw ang sadya nila, Hindi ko kasi malaman kung Xie clan ba o may iba pa. Dalawang pamilya kasi ang may tangka sayo. Ang magagawa lang natin ang maglaho ka sa panginin ng lahat. Kung paano natin gagawin yon wala akong alam. Dapat ang mapanatili na walang alam ang iyong ama." Nababahala na pahayag ni Mommy " Seryoso ata nag pinag-uusapan nyo?" Wika ni Daddy habang papalapit saakin " Ito kasing anak mo. Plano na daw Sagutin si Axel sa susunod na buwan." Tugon ni Mommy " Pinagpaalam ka ni Axel ipapasyal ka daw, May tiwala naman ako sa isang yon. May tiwala naman ako sayo, Kaya pumapayag ako na sumama ka." Nakangiti na wika ni Daddy " Mamaya nalang. Lunch date kami ni Jaleel mamaya." Pagsisinungaling ko wala naman akong gagawin abala si Jaleel sa personal na problema niya. Wala na nga ako nagawa kundi ang sumama kay Axel, Nakasimangot ako habang nakaupo sa tabi ni Axel nakangiti naman siya habang nagmamaneho " Thanks! Sapat na ba ang ginawa ko para maniwalaan mo ako?" Tanong niya habang nakangiti Nagtatalo ang puso at isipan ko may bahagi ng isipan ko na gusto ko na siyang paniwalaan pero sumasagi sa isip ko na huwag magtiwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin sigurado kung hiwalay na nga sila ng girlfriend nya. Sa mga nakaraan taon wala naman akong nabalitaan na nakipag tagpo pa siya sa kanyang kasintahan baka nga naghiwalay na sila. Tinahak ni Axel ang daan palabas ng manila. " Bakit tahimik ka?" Tanong niya Hindi ako umimik para bang tutol ang isipan ko sa lahat ng pinapakita niya saakin. " Baka gus---- Hindi naituloy ni Axel ang sasabihin bigla nalang nabasag ang salamin ng kotse napayuko ako sunod-sunod ang pagtama ng bala sa sasakyan namin. Isa lang ang ibig sabihin hindi lang iisa ang kalaban namin kundi marami Binilisan ni Axel ang pagmamaneho pero kapansin-pansin na hindi siya gumanti ng putok, kinabahan ako ng bigla siya tumigil sa pinakagitna ng kalsada Nagulat ako ng lumabas si Axel naglakad paikot hanggang sa buksan niya ang pinto sa tabi ko. " Pasensya kana, Buhay ng mag-ina ko ang nakataya dito, Huwag kang mag-aalala pagnakuha ko ang girlfriend ko babalikan kita sisiguradohin ko na ibabalik kita sa mga magulang mo ng buo at walang bawas. Patawarin mo ako Zenni, Buntis ang girlfriend ko at nasa panganib ang buhay niya. Ikaw ang hinihingi nilang kapalit." Malungkot na wika ni Axel Para akong binuhosan ng malamig na tubig, Buong buhay ko hindi ko akalain na magagawa akong traidorin ni Axel. Simula ng magkaisip ako magkasama na kami, Sa tuwing nasa panganib ako siya ang laging nagliligtas saakin. Pero ngayon siya mismo ang nagdala saakin sa kapahamakan. " It's All lie's." Garalgal na wika ko " Sorry! " Tanging sambit niya parang sinaksak ang libo-libong patalim ang dibdib ko " Sinusumpa ko! Hinding-hindi kita mapapatawad, Sa ngayon bilang kabayaran sa kabutihan nagawa mo hindi ko to sasabihin sa pamilya ko. Pero hindi kita mapapatawad." Umiiyak na Wika ko Tinanggal ko ang pagkakahawak niya saakin naglakad ako palapit sa mga armadong kalalakihan. Habang patuloy sa pag-iyak nakita ko na lumabas ang magandang babae sa kotse hila-hila siya ng Lalaki habang napangisi. " Kusa akong sasama sainyo, Hindi nyo na ako kailangan pa kaladkarin." Pagalit na wika ko sa akmang paghawak ng lalaki sa braso ko naglakad ako palapit sa kotse " Good! Dahil sa tinupad mo ang naging kasunduan natin. Walang galos na ibabalik namin sayo ang kasintahan mo." Pasigaw na wika ng may edad na lalaki Pumasok na ako sa back seat ng kotse Namalayan ko nalang nasa byahe na kami Kinalma ko ang sarili ko, Huminga ako ng malalim pinagana ko ang utak ko " Magkano bayad sainyo? Triplehin ko, Kung hindi pa sapat 10x ang ibabayad ko sainyo, Ngayom mismo kaya kong ibagay ang pera, Dalhin nyo lang ako sa pinaka malapit na bangko. Kapalit ng pagpapalaya saakin." Walang emosyong na wika ko Hindi na ako nagsalita pa habang nasa byahe kami nagtatalo ang driver at kasama nito. Nasa gitna ako ng dalawang armadong lalaki dalawa sa harap isa driver " Siraulo kaba? Kaya nga tayo nagtratrabaho dahil sa kakarampot na sahod natin kay Mr Xie. Pwede naman natin palabasin na natambangan tayo. " Pagalit na wika ng driver Hinayaan ko sila matalo-talo hanggang sa huminto sila sa bangko. Inakbayan ako ng isang lalaki hinayaan ko naman siya tinanong ko kung magkano kailangan. Walang kahirap-hirap na nakakuha ako ng halagang kailangan ko. may malaking halaga sa bank account ko bigay ni mommy. sa pagkakaalam ko million ang nasa account ko. Hindi alam ni daddy " Oh! bakit namamaga yan mata mo?" Nag-aalala na tanong ni Daddy pagpasok ko sa bahay " Wala po, " Tugon ko " Axel nandito na ang alaga mo. Pasensya kana sa katigasan ng ulo nito. Hayaan mo pagsasabihan ko." Wika ni mommy " Bakit mo tinakasan si Axel? nag-aalala sayo ang tao." Paninirmon ni Daddy " Dad! Pagod po ako magpapahinga lang po ako." Malungkot na tugon ko " Hey! Magsabi ka ng totoo?" Tanong ni Mommy Umiling ako bigla ako niyakap ni mommy humagolhol ako sa pag-iyak na parang namatayan. " Halika sa kwarto mo. Sabihin mo ang problema mo, Nandito lang ako makikinig ako." Nag-aalala na wika ni Mommy Umiiyak lang ako wala akong sinabi sakanila. Sobrang sama ng pakiramdam ko hindi ko matanggap na ganon lang niya ako ipagkakanulo. Nagawa niyang ipagpapalit ang buhay ko sa babaeng yon. Inalalayan ako ni Daddy papasok sa kwarto. " Hayaan na muna natin siya mapag-isa." Wika ni Daddy " Mommy dito kalang." Umiiyak na pakiusap ko Tumango si Daddy naglakad siya palabas nilock ang pinto kami lang mommy ang naiwan " Mommy, Gusto ko magpakalayo-layo. Gusto ko lumayo ng walang nakakakilala saakin. Gusto ko baguhin ang buhay ko gusto ko mamuhay ng malayo sa lahat. Please mommy tulongan mo ako. " Umiiyak na pakiusap ko " Sigurado kaba sa hinihiling mo?" Tanong mommy tumango ako " Mamaya inumim mo ang gamot nato Ubusin mo inumim Gagamitin ko si Alazne sakanya ko isisi ang lahat papadala ako ng assassin. Hindi ko naman siya papatayin. Ito ang pinaka magandang plano para mapalayas ka ng Daddy mo hindi niya gugustohin na makalaban ang Cuizon at Shoun. Wala kang ibang gagawin kundi ang sumunod sa mga sinabi ko. Pagkatapos nito bahala kana kung saan ka pupunta. Iwanan mo lahat-lahat ng gamit mo. Phone I'd at gamitin mo ang secret account na bigay ko sayo. " Mahabang paliwanag ni Mommy " Opo! Salamat Mom. Pangako hinding-hindi ako babalik hanggat hindi ako handa. Maghintay kalang sa pagbabalik ko wala nang makakapag panakit saakin." Pagalit na wika ko Niyakap ako ni mommy at paulit-ulit na hinalikan sa pisnge " Mahal na Mahal kita. Ginagawa ko to para sayo, Gusto ko maging malakas ka, Makaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Mag-iingat ka lagi ipagpatuloy mo ang pagsasanay. Gagawa ako ng mga listahan ng underground fight magsanay ka doon.." Naluluha na wika ni mommy " Gagawa ako ng sarili kong pangalan. Maghihiganti ako sa pagbabalik ko. Papatayin ko ang lahat ng taong nanakit saakin. " Walang emosyong tugon ko " Sabi ko na nga ba! Sasaktan lang ako ni Axel. " Piping sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD