Chapter 7 Remember I don't give a second chances.

1964 Words
Zenni * * " Hahaha! Gago." Natatawa na tugon ko " Naging suki ka ng kidnapers, Nakakapag taka ganon kaba kasiraulo?" Tanong ni Jaleel Nagsalen ako ng alak sa baso tinungga ko yon bago sumagot " Kaya gusto nila laging ako nakikita. Salamat nga pala sa paulit-ulit na pagligtas saakin. Huwag mo na akong alalahanin." Wika ko sumandal ako sa balikat ni Jaleel " Oh C'mon! ikaw lang naman ang babaeng kaibigan ko. Tara sa Secret place ko. Ipagpatuloy natin ang pagsasanay mo." Aya niya Tumayo ako inakbayan ako ni Jaleel naglakad kami palabas ng night club " Ito na ang hinihingi mo. Yan ang listahan ng mga taong may galit sa asawa mo. Last day na natin to. Nagseselos saakin ang Asawa mo, Kung hindi lang kita kailangan hindi na ako makikipag kita sayo. Kaibigan ko din si Alazne huwag na huwag mo siyang pakawalan. Walang kapantay ang pagmamahal niya sayo." Wika Ko sabay abot ng flashdrive Sa nakalipas na tatlong taon palihim ako tinuroan ni mommy sa iba't ibang uri ng pakikipag laban. Nakiusap din ako kay Jaleel na turuan ako makipag laban. Pati kay Lolo Larry na nakilala ko ng 16 Year's old ako. Tatlong tao ang nagsasanay saakin kaya iba't ibang pakikipag laban ang nalalaman ko. Yan ang dahilan kung bakit madalas kami magkasama ni Jaleel. " Oh c'mon! Sabi ko sayo huwag natin pag-usapan ang personal na buhay natin. Pagkasama tayo labas na sila sa pagiging magkaibigan natin. " Tugon ni Jaleel pinagbukas ako ng pinto ng sasakyan napatingin ako sa hawak ko na cellphone " Saan kayo pupunta? May asawa na ang lalaking kasama mo. May relasyon ba kayo?" Bungad na wika ni Axel sa kabilang linya Pinatay ko ang tawag niya Day off niya ngayon bakit siya nakasunod saakin. " Iligaw mo ang mga tauhan ni mommy." Utos ko " Nagseselos saakin ang bodyguard mo?." tanong ni Jaleel " Gusto ko siya, Pero may mahal syang iba, Tatlong taon siya nanunuyo saakin, Paulit-ulit ko siyang pinagtatabuyan nanligaw siya saakin pero patago lang. Kahit na baliktarin pa ang Mundo tauhan parin siya amo niya ako. Magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Pilit kong inilalayo ang sarili ko sakanya pero para siyang baliw na patuloy sa pang-aakit saakin. Ang gulo ng utak ng gagong yon! May kasintahan pero bakit siya nagtapat ng pag-ibig saakin? " Mahabang Saad ko " Baka kapatid lang ang pagtingin sayo, Pagmamahal ng isang kapatid." Tugon ni Jaleel habang nagmamaneho " Hinalikan niya ako sa labi gabi-gabi sa tuwing natutulog ako. Pumapasok siya sa silid ko ninanakawan niya ako ng halik sa labi, Simula pa ng 16 Year's old ako, 19 na ako ngayon hinahanap ko nga ang dampi ng labi niya sa tuwing gabi. " Namumula ang pisnge na tugon ko nanlaki ang mga mata ni Jaleel Ngumisi ng nakakaloko " Inlove sayo ang gagong yon! Sigurado ako, Subukan mong tumanggap ng manliligaw." Nakangisi na wika ni Jaleel " Hindi ako naniniwala, Pero aaminin ko gusto ko na sana pagbigyan ang sinisigaw ng puso ko. Pero mahirap kasi sumugal lalo na may mahal siyang iba." Paliwanag ko " Wow! Ikaw na maganda, Ang dami mong tinatago kahit ako na lagi mong kasama walang kaalam-alam sa mga nangyayari sayo. " Nakangiti na wika ni Jaleel Akmang magsasalita ako ng biglang tumunog ang cellphone niya Saglit siya nakipag usap tapos tumingin saakin " Pasensya kana. May emergency akong pupuntahan. Okay lang ba ku--- " Itabi mo lang magtaxi nalang ako pauwi." Nakangiti na tugon ko " Zen! Salamat." Nakangiti na wika ni Jaleel huminto sa tabing kalsada " Ako ang dapat magpasalamat sayo, Marami akong natutunan sayo pero hindi pa sapat ang nalalaman ko para ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko pa kaya makipag laban pagmarami ang kalaban. Pero huwag mo na ako alalahanin. Hindi na tayo dapat magkita baka makasama pa sa pagsasama nyong mag-asawa. " Nakangiti na wika ko Hinalikan ko sa pisnge ni Jaleel bago ako tuloyan lumabas ng sasakyan niya. Nakatayo ako sa tabi ng kalsada habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng ni Jaleel nakasunod sakanya ang mga tauhan niya. Binigay ko ang resulta ng imbistagasyon na pinagawa ko kay Lolo Larry. Gusto kasi malaman ni Jaleel kung sino-sino ang kalaban ng asawa niya. Ako lang naman may kakilala na secret agent kahit na matanda na si Lolo Larry magaling na agent parin sya. Huminga ako ng malalim nag umpisa maglakad Pinili ko sumakay ng taxi bumaba ako sa parke naupo ako sa ilalim ng malaking puno. " Makikipag-usap kaba saakin o magtatago kalang?" Tanong ko Naghintay ako ng Ilan minuto bago ko natanaw si Axel papalapit saakin kumakamot siya sa kanyang ulo " Beer." Alok niya saakin sabay abot ng can beer Tinanggap ko yon at binuksan uminum muna ako bago nagsalita. " Bakit ka nakasunod saakin?" Walang emosyong tanong ko " Marami akong gustong sabihin sayo pero sobrang daming nakamasid. Hindi ko rin kayang harapin sila Tita. Isa lamang akong hamak na taga-silbi sa pamilya nyo. Pwede bang sumama ka saakin? Hindi ka naman siguro hahanapin agad ni Tita nasa business trip sila ni Tito." Tugon ni Axel sa malungkot na boses " May nakamasid sa paligid." Tugon ko " Wala na pinatulog ko na silang lahat. Nasa kanto ang bigbike ko."Masaya na tugon niya Hindi ako umimik tumayo ako hinawakan niya ang kamay ko hinayaan ko siyang hilahin ako. " Sobrang saya ko na makasama ka, Tatlong taon na simula ng huling pag-uusap natin. " Masaya na tugon niya Kahit kasi sabay kami lumaki ni Axel iba makikitungo niya saakin sa harapan ng mga magulang ko, Kahit sa labas ng bahay, Masungit at malamig ang pakikitungo niya. Kung hindi mo kakausapin hindi mo maririnig magsalita. Simula ng 16 ako hindi ko na siya pinapansin nag-iba ang pakikitungo ko sakanya. Kahit na sila Daddy nagtataka sa pagiging tahimik at malamig na pakikitungo ko kay axel. " Dahan-dahan lang." Nag-aalala na wika ni Axel sumampa ako sa bigbike " Yumakap ka saakin baka malaglag ka." Utos niya magdadalawang isip ako kung Susundin ko ang utos niya pero wala akong nagawa kundi ang yumakap sakanya. Bigla kasi niyang pinaharorot ang motor dahilan para matakot ako na malaglag Walang imikan ang namagitan saamin umabot ng isang oras ang byahe bago kami pumasok sa private property may sariling gate at malawak lang na kakahuyan hindi ko masyado makita ang paligid dahil sa dilim, Huminto kami sa bahay, sempli lang ang bahay walang second floor. Pagbaba ko sa motor hinayaan ko si Axel na hubarin ang suot kung helmet. " Nabili ko to galing sa sarili kung sahod sa pagiging bodyguard mo, Sa ngayon nag-iipon ako para magbukas ng sariling negosyo. " Wika niya hinila ako papasok sa bahay Lahat ng kagamitan gawa sa kahoy pati sofa gawa sa kahoy. Native house maganda ibang-iba sa mansion na kinalakihan ko. Naupo ako sa sofa natanaw ko si Axel nagtimpla ng kape napatingin ako sa wall may mga nakasabit na picture frame Simula baby ako habang lumalaki kompleto ang larawan pati ang pagtatapos ko sa elementarya at highschool at ang unang araw ko sa college. " Magkape ka muna." Nakangiti na wika ni Axel " Umpisahan mo na inaantok na ako." Masungit na wika ko, Dimampot ko ang tasa humigop ako ng kape. " Gusto kita bilang babae." Biglang wika niya naibuga ko ang kape sa pagkagulat " Sorry! Sorry nagulat kaba?" Nag-aalala na tanong niya agad na pinunasan ang labi ko gamit ang tissue " Okay lang ako." Tugon ko Naupo naman siya ng maayos tumitig saakin huminga ng malalim bago nagsalita. " Akala ko pagtingin lang ng isang kapatid ang nararamdaman ko. Pero habang nagdadalaga ka mas lalo akong nalito sa naramdaman ko. Sa tuwing tumititig ako sayo para bang gustong-gusto ko angkinin ang mapula mong labi. Hindi ako makatulog sa kakaisip sayo. Sinikap ko ibalin sa ibang babae ang pagtingin ko pero mas lalo lang akong nababaliw sayo. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo. Mababaliw ako sa tuwing hindi mo ako pinapansin. Sa tatlong taon malamig ang pakikitungo mo saakin mas lalo kong mapatunayan na hindi kapatid ang pagmamahal ko sayo. Mahal kita bilang babae Zenni, Nag-iipon ako para makapag negosyo. Gusto kong maging karapat-dapat sayo. " mahabang paliwanag niya Napangiwi lang ako lasing na ata ako sa haba ng sinabi niya naintindihan ko lang mahal niya ako. " Sinabi ko sayo! dati isang beses lang ako magtatanong at hindi na mauulit. Nagtapat ako ng pag-ibig sayo ng 16 ako pero tinanggihan mo ako. Pinapili kita hindi mo ako pinili. Kasal nalang ang kulang sainyo ng longtime girlfriend mo. Huwag mo na ako gulohin. Maayos ang kalagayan ko ngayon." Tugon ko " Wala na kami, Tatlong taon na ang nakakaraan. Nang gabing nawala ka at ilang linggo bago umuwi. Pinagsisihan ko yon. Pinili ko puntahan ang ex girlfriend ko para makipag talik, Samantalang naiwan ka mag-isa sa mansion. Halos mabaliw ako ng gabing yon. Pag-uwi ko wala ka pinarusahan ako ni Tito sa kapabayaan ko. Nakipag hiwalay ako sa kasintahan ko dahil sa pangyayari na yon. " Malungkot na paliwanag niya Naalala ko yon! Kasama ko si manong Rex nakipag kita ako kay Lolo Larry,, yon din ang gabing nag-umpisa ako sa pagsasanay kay Lolo Larry tatlong taon na ako nagsasanay ng palihim. Sa tingin ko kaya ko nang protiktahan ang sarili ko. Pag-uwi ko non! May mga pasa si Axel alam ko naman ang nangyari sakanya dahil sinabi ni mommy Pero nanindigan kami ni mommy na dinukot ako at pinahirapan. Tamang-tama pag-uwi ko non pumayat ako at ulitim ang balat may mga galos sa iba't ibang parte ng katawan. " Zen! Mahal kita, Pangako hinding-hindi kita iiwan, Please pagbigyan mo naman sana ako?" Pakiusap niya " Patunayan mo. Harapin mo ang mga magulang ko. Ipaalam mo sakanila na mahal mo ako. Para paniwalaan kita, Alam mo gusto naman kita, Pero sa ugali mong sinungaling at babaero yan ang ayaw ko sayo. Ayaw ko magpakatanga, Pagbibigyan kita ng pagkakaraon patunayan ang sarili mo saakin. Patunayan mo na karapat-dapat ka sa pag-ibig ko, Pero sa oras na sinaktan mo ako Hinding-hindi na kita mapapatawad, Hindi ako nagbibigay ng second chance ayaw ko sa sinungaling at cheater." Walang emosyong tugon ko Tumayo ako naglakad ako palapit sa kwarto na nasipat ko binuksan ko yon at pumasok nahiga ako sa kama. " Talaga? Pagnapatunayan ako sa mga magulang mo na mahal kita papayag kana maging kasintahan ko?" Masaya na tanong ni Axel " Kung puso ko ang susundin! Gusto kita, Hindi pala mahal na kita. Pero sabi ng utak ko huwag ako papaluko sayo. Nahihirapan na nga ako tanggapin na may ibang babae ka, Na balang araw hindi na kita malalapitan. Yon pa kaya na masaktan ako. baka ikamatay ko pa. Kaya pakiusap kung sasaktan mo lang ako huwag mo na ako gulohin pa. Makakalimutan din kita panahon nalang siguro ang makakapagsabi kung kilan." Tugon ko sa malungkot na boses " Hinding-hindi kita sasaktan! Pangako, Papatunayan ko sayo at sa lahat ng tao kung gaano kita kamahal. Ginagawa ko ang lahat para lang maging karapat-dapat sayo. Magkaiba man ang estado natin pinapangako ko Hinding-hindi kita sasaktan." malambing na tugon niya " Bakit parang kinabahan ako sa mga sinabi niya? Para bang hindi siya sensero sa mga sinasabi niya. Para bang hindi sapat ang 19 years na pagkakilala namin para paniwalaan ko ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Masaya naman ako na nakakasama ko siya kahit na hindi ko siya pinapansin. Sapat na saakin ang makita siya araw-araw." Piping sambit ko " Remember I don't give second chances. I want to be honest and I don't want to play games with you. I'm an honest person, I I'm not a liar or a cheater. Remember that." Walang emosyong wika ko Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD