Chapter 3

2160 Words
Naomi's pov   3-B   I groaned, sawakas ay nahanap ko rin itong letcheng room na ito. After that commotion earlier, nagmadali na akong nagtungo rito, baka kasi ay malate pa ako. I knocked on the classroom's door, late na nga kasi ako kaya naka lock ang pintuan ng classroom.   Okay hindi na ako mag cocomercial ang corny daw eh. The door opened,I think it's our prof? Ngumiti ito saakin.   "Ikaw ba yung isa sa mga transferee? "   Hindi janitor ako dito. Gusto ko sanang isagot yun kaso wag nalang, I nodded my head on him.   "Opo"   Simpleng sagot ko, niluwanagan na nito ang pagkakabukas ng pinto.   "Okay get in, and introduce tour self"   Tumango na lang ako pero ang totoo nyan ay gustong gusto ko ng umuwi, plus I really hate introductions. Pagpasok ko ay bumungad ssaakin ang ilang pamilyar na mga muka, siguro ay isa sa mga taong nakakalat sa hallway kanina. Most of them were looking at me mockingly, glaring   at me, one thing is for sure... I don't belong here. 'Kaklase natin yang nerd na yan? Ewww.' 'Ugh... She's so ugly, tinapunan pa nga kanina si king, napakapapansin' 'Ang kapal ng muka'   Hindi ko nalamang pinansin ang mga naririnig, what's with these people? wala naman akong ginagawa sakanila. Well I guess that's how pathetic people are, it would be a waste of time kung papansinin ko pa.   "Konichiwa, Naomi Tan,21."   Tipid na sabi ko.   "You may take your seat now, Ms. Tan."   The prof said making me nod my head on him, may nakita naman akong bakanteng upuan sa likod malapit sa bintana kaya naman ay doon  na ako umupo.  Maya maya pa ay may pumasok na naman, dalawang babae, they both look so stunning, parang biglang nagliwanag ang paligid at nagsitingalaan ang mga kaklase ko nang makita sila.   'Kyyaaaah... Queens are back!' 'Asan kaya si queen janine?' 'Yeeei... Ang ganda nila' 'Oh my god, they're gorgeous 'Waaah... Oh my queen leigh your so cool' 'Queen angelica, you're still an angel'   That's what I'm talking about, kapag maganda ka, maganda din ang trato nila sayo, kapag maganda at mayaman ka, nirerespeto ka nila. Well hindi naman lahat, pero mas gugustuhin ko ng magisa kaysa mapalibutan ng mga kaibigang kinaibigan ka lang dahil sa kung anong meron ka, hindi dahil sa kung ano ka talaga.   "Hello, I'm Leigh Amber Lee, just call me Leigh, 22 years of age" Pakilala nung babaeng medyo boyish pero malakas ang dating, ngumiti pa ito at kumindat.   "Uhmm... H-hi? im Angelica seung, 21  years of age please be nice to me"   The other one wearing a white knee length dress intoduced herself, tapos ay luminga linga pa sila, ako naman heto walang pake, I sighed as I look outside, mula rito ay may nakikita akong kumpulan ng mga lalaki sa labas, mukang may pinagtitripang nerd.   "Uhmm... Excuse me? pwedeng dito nalang kami maki upo? "   The two newcomers, Leigh and Angelica said, tumingala ako at tinanguan nalang sila saka umubob na sa mesa. The lecture started, natigil nalamang ang lahat nang walang pasabing nagbukas ang pintuan kasabay ng nakabibinging mga tilian.   I feel like nasa isang Mental Institute talaga ako naienroll, mukang may sira sa utak ang mga tao rito ehh.   "WAAAAAH..... DITO KA SA TABI KO KING ASHTON!!!! " "COME HERE.... KING DAEMON!!! " "KYAAAAAAAAAAAAAA.... KING TIMOTHY DITO KA NALANG!!!! "   "QUIET!"   Pagpapatahimik ng prof sakanila kasabay ng tuluyang pagpasok ng tatlo, my forehead creased. Sila iyong nakasalubong ko kanina? My gaze then met his, masama ang tinging ipinupukol nito saakin na ikinakibit balikat ko lamang.   Well I already apologized, aksidente ang nangyari at hindi ko naman gustong matapon sakaniya ang kape ko, natalisod lang talaga ako kanina dahil sa sira ulong pumatid saakin.   I shrugged, kanina ko pa napapansin ang titig nung dalawang babae, pero hindi ko nalang din pinansin at umubob nalang sa mesa, the lecture proceeded, maingay at active ang ilang running for cumlaude ata. Ang ilan naman ay todo paganda, ang iba ay nagdadaldalan, yung iba ay tulo, may mga nakikinig at karamihan ay walang pakielam.   " Don't forget to do your assignment and pass it to me tommorrow, Class dismissed."   Iyon ang pinakahihintay ng lahat, at ang kaninang walang kagana ganang klase ay para bang nabuhayan ng loob na nagsitayuan.    I yawned then stayed on my seat, I'm checking my emails. Napansin ko ding may naiwang lima pa sa classrom, It's the man earlier with his friends seeming shock seeing the two new comers earlier, Leigh and Angelica. Mukang magkakakilala pa ang mga ito, I shrugged.   "Sooo... It's been three years"   " uhmm.. long time no see"   Oh well, this doesn't concern me anyways, inayos ko nalang ang mga gamit ko nang matapos akong mag check ng emails at tumayo na. Nagkasalubong pa ang mata namin nung gwapong lalaki kaninang mukang malaki ang galit saakin sa talim ng titig niya.   Nilampasan ko nalang ang mga ito at nagtungo sa maingay na cafeteria ng Business Management building. Well Good thing at naka airconditioner ang malaki at malawak na lugar. I shrugged, kumuha ako ng tray para umorder ng makakain, hindi naman na ganun kahaba ang pila dahil sa kanina pa nakaorder ng pagkain ang karamihan.   Matapos kong bumili ay nagtungo ako sa isang bakanteng upuan at naupo roon mag isa. I started eating my food when suddenly someone went into my direction and slammed my table.   Dalawang babae iisa ang muka, hulaan ko magkapatid to, syempre magkapatid kambal nga eh... "Hey ugly nerd!"   Hindi ko nalamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain, ano bang problema ng mga tao rito? adik ba sila o ano?   "Yes?"   I gave them my bored look, mapanuyang tinitigan ako ng dalawa, base sa ID lace nila ay mukang freshman lamang ang mga ito. But then they suddenly spilled a hot coffee on me, mariin nalamang akong napapikit na kinakalma ang sarili, they are not worth it.   "Binabalaan ka namin hwag na wag ka ng lalapit sa mga kings! You b***h! Hindi mo kami kilala cause we are the sisiters! "   At nakuha pa talagang mag pose, umasim ang muka ko roon. Sisters ano yun? NAPKIN? Wala akong pakielam.   "At pwede ba mas mabuti pang umalis ka nalang dito hindi ka dito nababagay" Pumamewang pa ang mga ito.   "Like eww..you're so ugly, masyado kang papansin."   Eh anong tawag sainyo? Akala naman ang gaganda ninyo, kayo nga diyan yung bigla nalang nanunugod at nagtatapon ng kape, samantalang nananahimik ako rito. So yun nga salita lang sila ng salita ng kung ano ano hindi ko naman maintindihan.   Nakakawalang gana ang dalawang ito, maya maya may lumapit uli isa pang babae mukang kasamahan ng dalawang napkin na to, at yun nga putak ng putak inaantok ako sa tatlong ito.   Ewan ko hindi ako nakikinig sa kanila, ang iniisip ko ngayon ay ang aking blue berry cake, rocky road ice cream samahan mo pa ng carbonara, napangiti akong todo kain lang at hindi sila pinapansin. Hindi ba napapagod itong mga ito? wala akong oras para pakinggan sila.   Nang maalibadbaran na ako ay tumayo na ako para iwan yung tatlong tandang na todo putak para lumipat sa ibang mesa.   "You ugly nerd! Kinakausap ka pa namin! "   Bulyaw nitong akmang sasampalin ako nang biglang may humawak sa pulsuhan niya,It's Leigh and Angelica?   "Hey let go of me! "   Sigaw nung impaktita, I shrugged.   "Nerd lang naman yan isang walang kwenta at panget na nerd! "   Sige lang manlait lang kayo, wala po kasi ako dito noh.   "Alam nyo sa pinapakita nyo, kayo ang mas nagmumukang walang kwenta, oo panget sya kasi hindi pa sya nag aayos, eh.. Kayo nga over sa make up na wala paring pinagbago PANGET parin"   Sabi nung leigh, napatango tango ako doon, may point ka sis.   "Sino ba kayong mga pakielamera kayo ha! Hindi nyo ba kami kilala ha?! Kami lang naman ang HELL ROYALTIES kaya matakot na kayo"   Hell royalties? I think I heard that somewhere? Napakamot ulo nalang ako, amoy kape na ako.   "Siguro naman natatakot na kayo? na ang rank 1 hell royalties ang kaharap nyo, cause you three are just a commoner."   Nagpapatawa ba itong mga ito?   "Yeah... Right kaya dapat lang na igalang nyo kami! "   Sabagay mga muka silang matatandang hukluban. Naguguluhan na ako sa kawalang kwentang pinagsasabi ng mga ito. tutal ay mukang yung dalawa na ang bahala sa kanina ay muli akong umupo para ubusin ang kinakain.   "Cause we are the hell royalties"   Ano ba iyang Hell royalties na iyan? kanina pa sila sabi ng sabi nakakaumay.   " Then, patunayan ninyo, show us your tatoo, HELL ROYALTIES."   Sabi nung angelica na sa isang iglap ay nasa tabi na nila at may nakakatakot na awra habang itinututok sakanila ang isang tinidor, ganoon din si Leigh. i saw them paled, I shrugged, tumayo ako at muling umorder ng makakain dahil nabitin ako, when I got back wala na iyong tatlo. Hell royalties, what the f**k is that?   Maya maya nakahanap narin ako muli ng bakante sa pinakasulok. Pero bigla namang may lumapit uli saakin yung Leigh at Angelica yung pangalan. Malapit ang ngiti ng mga itong naglapag ng kanya kanyang pagkain sa lamesa ko.   "Hi, I'm angelica seung"   "Leigh amber lee."   Pagpapakilala ng dalawang todo ngiti saakin, blangko ang mukang tinanguan ko lamang sila at tahimik nalang na kumain. Pero nakakailang kasi pinanonood pa nila talaga akong kumain, na mukang amuse na amuse pa. .   "Staring is rude"   Malamig na sabi ko, ngumiti lang sila saakin saka nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay napagdesisyunan ko ng magtungo sa next subject, ayaw padin akong lubayan ng dalawa at hanggang ngayon ay kasama ko parin si Leigh at Angel.   The two were really bubbly, napakadaldal nila, napakamot nalang ako sa ulo. Sabagay ay medyo magaan naman ang loob ko sakanila, unlike other students, the two seems really nice. Kung sino pa iyong magaganda ay sila iyong mababait, tapos yung mga pangit ang lakas ng loob na lait laitin ako.   Panget na panget pa ugali, wow! ultimate combo!   "Ang tahimik mo talaga ano? hindi pa namin nariringig ang boses mo puro ka lang 'tss' at 'tsk' mag salita ka naman Naomi!"   Nakangusong reklamo ni Angel, oo nga noh? Mula pala kanina na nakilala ko sila ay hindi pa ako nagsasalita? Well I don't talk that much, at isa pa ay hindi naman ako katulad nila na napaka friendly. What should I tell them? Sa dalawang taon mula noong magising ako ay asa mansyon lang ako palagi.   "I'm sorry, I don't like talking that much." Simpleng sabi ko, I saw how their eyes widened, natigilan ang dalawang tumitig saakin, what's their problem?   "OH MY GEE!.... narinig mo yun Leigh? yung boses nya! "   Hyper na sabi ni Angel na inalog alog pa ang balikat ni Leigh.   "Oo kaya pwede ba angel, sirang sira na ang mahinhin image mo! "   Bulyaw nito, nailing lang ako.   "Don't mind me, may kaboses ka lang kasi."   Ngiti ni Angel, there's something on her vouce as she stared at me. Natigilan nalamang kami nang makasalubong namin iyong tatlong lalaki kanina.   "Wow, amoy coffee din si coffee thrower."   Tawa nung isa, nangunot ang noo ko doon kasabay ng pagkakasalubong muli ng mga mata namin nung natapunan ko kanina ng kape, masama padin ba ang loob niya?  I just gave him my bored look. Tapos ay nilagpasan ko sya, sumunod naman agad sina Angel at Leigh.   "Sino ba iyong mga yon?"   Kunot noong wala sa loob na tanong ko.   "They call themselves Kings, they are the kings of Takashi Academy, sikat na sikat ang mga iyon rito, napanood mo na ba iyong meteor garden?" Si Angel iyon, tumango naman ako sakaaniya.   " Feeling kasi ng mga estudyante dito ay mala f4 ang mga iyan! kaloka diba? bukod doon ay matataas din ang tingin sa sarili."   Paliwanag pa ni Leigh, napatango tango lang ako roon, wala namang kaso saakin kung sino mang hari rito, as long as walang manggugulo saakin.   Pero ewan, parang may kakaiba, bat ba kanina pa nila ako pinagtitinginan at pinagbubulungan? Tapos iniiwasan pa?   Andito na kami sa locker room,ilalagay ko lang sana sa locker ko tong ibang gamit ko at magpapalit nadin sana. Pero pagbukas ko ng locker may nahulog pulang card tapos may skull na tatak sa harap tapos may tatak pa sa baba nung skull 'DDK? Ano ito?   "OH MY GOD! "   Napatingin naman ako sa dereksyon ni angel na nakatingin sa card na hawak ko.   "Oh my! Bat binigyan ka nika ng red card? Valentines ba? Hindi ako informed!"   Lukaret na sabi nito, nangunot ang noo ko doon.   "Gaga ka! Valentines pero bungo ang nakalagay? ano iyon? heto tanggapin mo ang nakamamatay kong pag ibig!"   Bulyaw ni Leigh na nagpanguso lang kay Angel.   "Hehehe... Oo nga noh"   Teka ano ba itong red card na ito?   "Ang red card o ang hell card, binibigay yan ng DDK " DDK?   "Yung nakasalubong natin kanina"   Ano bang ibig sabihin ng red card na to?   "Ang ibig sabihin nyan gagawin nilang impyerno ang buhay mo dito, at hindi sila titigil hangga't hindi ka nagmamakaawa, kadalasan ng mga nabibigyan nyan hindi tumatagal dito. Well blame your luck, but don't worry, parang tanga lang talaga iyang si Ashton saka andito naman kami para resbakan ka."   Ngumisi silang dalawa saakin, I just give them my bored look. I dont care about this sh*t, kaya itinapon ko na yung red card. What are they 10 years olds? napaka immature lang, wala akong pakielam kung sino sila. Why is the school tolerating bullying in the first place? nakakagago lang.   Pare pareho naman kaming nagbabayad ng tuition dito tapos hahayaan nilang may gagong maghari harian dito? mga sira ulo pala sila!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD