Chapter 4

1639 Words
  Naomi's pov   Second day ko ngayon sa TA, I brought extra shirts and glasses, I tried contacting mom and dad last night, pero hindi sumasagot ang mga ito. Feeling ko kasi talaga ay sa mental nila ako naienroll. I sighed, are they really college student? feeling ko kasi ay nasa elementary ako dahil sa immaturity ng mga tao doon.   'Pustahan tayo hindi magtatagal yang nerd na yan dito' 'I know right' 'Buti nga sa kanya, ang lakas talaga ng loob na kalabanin ang kings'   Bulong bulongan ng mga estyudyante, Lahat sila ay may kaniya kanyang dalang tray ng itlog na hindi ko alam kong para saan.   Maya maya pa ay bigla nila itong inihagis saakin. I groaned, naiwasan ko ang mga unang ibinato saakin, good thing I'm flexible, malakas din ang pandama ko kaya naman ay tila ba isang hanging madali kong naiwasan ang mga ibinabati nila saakin. I saw how their faces fell when they realized that not a single egg hit me.   Are they kids trapped into a grown men and women's bodies? Eto na ba iyon? Sayang yung mga itlog!   "What's happening here?!"   Sigaw ng isang prof, sa isang iglap ay nagsialisan ang mga estudyante. Palibhasa ay mga walang magawa sa buhay, mayayaman kaya akala mo kung sino para sayangin ang mga ibinato nila! poor baby ducklings, hindi na masisilayan ang mundo.   Hindi kalayuan ay natanaw ko iyong Ashton na nagbigay saakin nung Red card kuno, bakit ba sinasayang nitong hari ng mga unggoy ang oras niya saakin? There's lot of things that is more interesting to do, ganoon ba sila kabored?   I sighed, dumaan ako sa hindi ganoon kataong lugar, I just want to walk peacefully! I sighed, para akong biglang nagka trust issue kaya naman ay hindi ako lumapit gaano sa pintuan at marahang itinulak iyon, tutal ay hindi naman gaanong nakasara. Nang magbukas iyon ay agad akong lumayo.    Tama nga ang hinala ko dahil may pintura ng nahulog mula sa itaas, wow, I'm so touched, pinagkakagastusan talaga nila ang pambubully saakin.   "Ampanget ng kulay ng pinturang to"   Walang emosyong sabi ko saka dumaan sa parte na walang pintura, nakakabwiset lang dahil sinira pa tala ang upuan ko. I shrugged then went outside to get another chair. Pagdating ko ay naabutan ko ang prof na pinagagalitan ang mga kaklase ko.   "Mga ingrata! Ang effort effort ninyo mambully tapos hindi kayo makapagpasa ng assignment?!"   Halos umusok ang ilong nito roon, napatango tango ako doon, the prof punished my classmates bawat isa ay pinaggulong sa natapong pintura. Well except the three, Ashton, Timothy and   Daemon, sila Angel at leigh naman ay late kaya hindi alam ang mga kaganapan. Paglabas namin ng classroom ay masama ang tingin saakin ng mga kaklase ko, well it's their fault anyway, sino bang nagsabi sakanilang buhusan ako ng pintura?   "NAOMI!"   Si Leigh at Angel na nag aalalang kumapit saakin, napasimangot lamang ako, sira ulo mga estudyante sa eskwelahang ito.   "Okay ka lang ba?"   Nag aalalang tanong ni Angel, tinanguan ko lamang ito.   "Bwiset talaga yung Ash na yon!"   Si Leigh iyon na napapadyak pa sa inis.   "Multuhin sana siya ni Janine!"   Inis na dagdag nito, nailing nalang ako doon.   Weeks came passing by, mukang walang balak tumigil ang mga estudyanteng nambubully saakin, utos iyon nung hari ng mga unggoy. Well I just ignored all of it, hindi ako bastang mapapatumba ng stupid pranks nila.   Sometimes they go overboard, hinuhulugan na ako ng paso sa ulo at sinasampal sa harap ng maraming tao, minsan pa ay binato pa ako ng maraming bola.   Hindi naman ako naapektuhan ng mga iyon, mabuti nalamang at mahaba ang pasensiya ko. Well they are not worth of my time, they are just bunch of pathetic dogs following a loser Monkey king.   I groaned, sawakas ay uwian na, as usual ayan na naman ang mga mapanuring tingin nila, absent ngayon yung dalawa dahil may importante raw silang aasikasuhin, Ewan ko lang kung ano, at wala rin akong pakielam.   My forehead creased, I feel like someone is tailing me.   Binilisan ko ang lakad ko ngunit may bigla nalamang humablot saaking braso at tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo. I can smell something on it, a sleeping drug.   Pero hindi naman ako naaapektuhan niyon, I'm immuned, sa dalawang taon kong namumuhay ay naging habit ko ng uminom ng pampatulog, hanggang sa maimmune ako.   I pretended to be asleep, well I'm bored anyways, isa nanaman siguro ito sa pakana ng Ashton na iyon. Isinakay ako ng mga ito sa isang sasakyan.   Nang magmulat ako ng mata ay nasa abandonadong bodega na ako, I groaned. Pwede namang nasa isang five star hotel nalang tapos nakatali ako, may bombang nakakabit sakin, oh diba mas may thrill yun? Stupid Naomi, nasa panganib na nga buhay ko ay iniisip ko pa kung may thrill.   Well for some reason, wala akong maramdamang takot, I was relaxed while my hands were tied.   "Oh... Gising na pala sya boss! "   Sigaw nung isang panget, na puro perceing ang muka.   "Hindi mo man lang ba itatanong kung anong kailangan namin sayo? At kinidnap ka namin, hindi mo kami sisigawan... "   Putak lang ng putak ito, ano ba iyan ang dami niyang sinasabi hindi ko na maintindihan yung iba. Ayoko ngang magsisigaw dahil magsasayang lang ako ng lakas at wala rin akong pake kung ano mang dahilan nila.   "Ayumi hiroshi, kapatid ni ashton ryle hiroshi at kung hindi ako nagkakamali ikaw yun tama ba? " Nangunot ang noo ko roon, Ayumi? Ashton? So dapat pala ay ang kapatid ni stupid monkey ang nandito? At kung hindi rin ako nagkakamali ay maaaring gustong gumanti ng mga to kay   Unggoy. Well hindi na iyon nakapagtataka dahil sa sama ng ugali niya plus I heard he's a gangster. I stared at them blankly, para bang may sariling buhay ang mga kamay kong pinutol ang tali gamit ang sariling lakas.   Wow..   "Papaanong naputol yan? wag nyo hayaang makatakas! "   Sigaw ng boss nila, agad namang sumugod ang mga alagad nya, hindi ko alam kung anong ginawa ko pero bigla ko nalang silang naiwasan at para bang may nabuhay saakin. I feel so free as I landed punches and kicks, mabilis kong naiwasan ang bawat atake nila at sa isang iglap ay bumagsak ang mga umaatake saakin.   I closed my eyes, all my senses were awake, bigla akong may naramdamang papalapit. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa at nasalo ko gamit ang daliri ko ang dagger na yun, I saw blood dripping on my hand, bahagyang nandilim ang paningin ko habang titig na titig roon at nanginginig.   "Wag ka na kasi manlaban pa!"   Ngisi nito, I smirked parang kusang gumalaw ang katawan kong nakapangingilabot na ngumisi sakanila.   "Naomi?"   Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang mahinang tinatapik tapik ang pisngi ko,  when I opened my eyes, I met his. Ashton?   Nangunot ang noo kong napaupo, nagkauntugan pa nga kami. But then I remembered what happened, napalingalinga ako sa paligid at ganoon nalamang ang pagkagulat sa nakita. Sira sira ang buong lugar at walang malay ang lahat, napapikit akong tumalikod, ayokong tumitig sa mga dugo nila.   "What happened here?"   Kunot noong tanong niya, napailing lang akong tumayo na.   "Wala si Ayumi dito Ash, satingin ko ay hindi naman talaga nila tinangay ito, pero ang nakapagtataka ay sinong pumatay sa mga ito?"   Tanong nung Daemon, mariin akong napapikit roon..I-I killed someone...   "Naomi? Nakita mo ba ang mga gumawa nito?"   Tanong nung Timothy, nanatili lamang akong tulala.   "Look at their wounds, it's seems like the queen's doing."   Saad ni Daemon, natigilan ako roon. "Imposible, she's dead.."   Mahinang bulong ni Ash.   "Imposible namang si Naomi, kita niyo naman at wala ring malay diba? Hindi kaya ang Hell Royalties? I heard they are back?"   Akmang tatanungin ako ng mga ito ngunit agad akong tumakbo, tears continously falled from my eyes, nanginginig ako, I killed them! Hindi ko alam pero ni katiting na pagsisisi ay hindi ko maramdaman. But why am I crying then?     Angelica's pov   Napahagulgol nalamang ako, andito ako ngayon sa mansyon namin, nakikinig sa isang kantang nakakarelate. My tears were flowing like a river, pakiramdam ko ay nasa isang music video ako kaya naman ay ginagalingan ko na.   "Ate.... "   Panirang tawag saakin ng kapatid ko, sinimangutan ko siya.   "ANO?! "   Bulyaw ko, panira ng pag eemote!   "Peram ng cellphone"   Ibinigay ko nalang sakanya yung phone ko, nag momoment ang tao istorbo buset! Kaya ayun nga ipinagpapatuloy ko lang ang pag eemote ko dito nang...   "Ate may pera ka dya---"   I cutted my sibling of.   "ETO! "   Sabay abot sa kanya ng walet ko, buset ang ganda na ng pag eemote ko dito tapos mang iistorbo.   "Angelic----"   Inis akong napatayo.   "PWEDE BA WAG KAYONG MANINIRA NG MOMENT NG MAY MOMENT KITANG NAG EEMOTE ANG TAO EH.... "   Pumapadyak pang sabi ko, nakakainis!   "AH... GANON? "   Bigla naman akong napalingon sa pamilyar na boses na yun, bakit nandito si Leigh? Kunot noong napamewang ito saakin.   "Umandar na naman ba ang pagiging lokaret mong bruha ka?"   Iritang sabi nito, I rolled my eyes on her.   "Oh... Bat ka ba kasi nandito? ang ganda na ng pag eemote ko tapos bigla bigla mo nalang sisirain!"   Inis na dagdag ko, but then her face became serious, nangunot ang noo ko roon.   "Just want to inform you about the Underground org. Nagkakagulo na dahil sa tatlong taong pagkawala ni queen. Remember? Hindi pa nila alam ang tungkol sa pagkamatay niya."   Right, bukod saamin ay hindi pa alam ng mga kasapi sa Underground org.   It's an organization filled with gangsters labelled by their ranks and Janine, the first ranked queen is gone for three years. Ayaw naming sabihing patay na siya dahil baka lalong magkagulo, dahil alam naming maraming nagkalat diyan na uhaw sa kapangyarihan, at wala pa kaming nahahanap na karapat dapat na kapalit nya.   Even the DDK Deathly Demon Kings Ash, Tim and Daemon has no idea that me and Leigh are one of the Hell Royalties. The ranked 1st gang in Underground org. and Janine is our leader.     "So ano na? "   Taas ang isang kilay na sabi ko.   "Kailangan na nating makahanap ng karapat dapat na kapalit nya, hindi natin pwedeng ipaubaya sa iba ang pwesto dahil tiyak na aabusuhinin lamang nila ito. "   I sighed, bakit ba kasi kailangan pang mawala ni queen? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD